Twenty-five

1.2K 12 0
                                    

PINAGLANDAS ni Luna ang kaniyang mga daliri sa kaniyang labi. Sa kaniyang labing hinalikan ni Kit. She know she should not make a big deal out of it but she cannot stop thinking about it. She cannot stop thinking about Kit, damn! Magmula nang bigla na lamang itong sumulpot sa mansion ay hindi na ito nawala sa kaniyang isip. Lalo lamang tuloy nalito ang kaniyang puso sa mga nangyayari ngayon.

"Hey, hon," isang braso ang bigla na lamang pumalupot sa kaniyang bewang. "Did you missed me?"

Hindi alam ni Luna kung anong nangyari sa kaniya. Ang imahe ni Kit ang biglang pumasok sa kaniyang isipan. She caressed the said arms ngunit nang makita niyang si Leonard iyon ay bigla na lamang niyang naitulak ang lalaki.

"Hey, what's the matter?" gulat na naibulalas ni Leonard matapos niyang bigla na lamang itong itulak. "Okay ka lang ba?"

Hindi niya agad nagawang tumugon. Nanlalaki ang mga matang napatitig lamang siya rito. Gulat na gulat rin siya sa nangyari at sa kaniyang ginawa.

"I-I'm sorry," sabi niya rito nang sa wakas ay nagawang makabawi. "I-It's just that, um, nagulat lang ako."

And just when Luna thought it couldn't been any worse, bigla na lamang dumating si Kit. Mukhang kanina pa ito nagmamasid sa kung saan kaya naman siguradong nasaksihan nito ang nangyari. He walked towards them with a smug look written all over his face.

"Yeah," sabi nito habang matamang nakatitig kay Leonard na nakatayo sa kaniyang tabi. "Believe me, she doesn't like it when you do that."

Pinagkunutan ito ng noo ni Leonard. Siya naman ay hindi napigilang hilutin ang sumasakit na sintido. Why is it that Kit is making this so hard for the three of them?

"Um, Leonard, this is Kit," sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ipakilala rito ang binata. "Siya yung, um, tumulong sa akin noong umalis ako dito sa rancho two years ago."

"Oh," sambit naman ni Leonard na tila nalinawan na sa mga nangyayari. "And you came all the way here to Davao?"

"I came all the way here to Davao," tugon ni Kit ngunit sa kaniya nakatingin. "You know, Luna's been so close to me and my family. I wanna visit her and see if she's okay. Also, gusto kong personal na makilala ang lalaking papakasalan niya."

Napalunok si Luna. Sa tuwina nalang ay ipinapamukha sa kaniya ni Kit ang tungkol sa kaniyang kasal. Kung alam lamang nito na pareho lamang silang nasasaktan sa ginagawa nito.

"Well, here I am," nakatawang anunsyo naman ni Leonard na kinabig siya at hinalikan sa gilid ng kaniyang noo. "I'm Leonard—nice to meet you."

Leonard offered his hand. Hindi kaagad iyon tinanggap ni Kit na halatang nag-init nang makitang kinabig at hinalikan siya nito. When he finally did accept it, he shook it very firm.

"So, Kit, seeing that you took good care of my future wife when she ran away, may I interest you for a little treat?" alok ni Leonard. "Perhaps, we could do a little sight-seeing here in Davao if it's your first time. Puwede rin kitang isama sa country club kung saan ako naglalaro ng golf. Anything that you want to—"

"Boxing," tugon ni Kit bago pa man magawang ituloy ni Leonard ang sinasabi nito. "I do a lot of boxing when I was in the city. I kinda miss doing that. It would be a great pleasure if you will be my sparring partner."

Napamaang si Luna sa narinig na tinuran ni Kit. She stared at him with a questioning look. Gayunman ay hindi siya nito sinulyapan at sa halip ay nanatiling nakatingin nang mataman kay Leonard.

"O-oh, boxing, huh?" tugon ni Leonard kahit na halatang bahagyang nagulat sa kaniyang hiniling. "Sure, why not, then. I know a great gym. Let's do it."

"N-no, no, but, Leonard?" apela ni Luna na halantang nagulantang sa pagpayag nito sa hinihiling ni Kit. "Are you sure?"

Lihim na napangisi si Kit. Luna is obviously trying to protect the guy. Wala siyang pakialam—dudurugin niya ito sa anumang paraang alam niya.

"Well, it's okay if you don't want to, Leonard," he said in a conceited tone. "We could go do golf, instead."

"No, it's fine, really," tugon naman ni Leonard na halatang ayaw lang mapahiya sa kaharap. Sinulyapan nito si Luna. "I'm really okay with it, hon, don't worry." muli siya nitong binalingan pagkatapos. "So? Later, 5 pm?"

Napangisi si Kit—You bet.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon