Three days later...
"YOU look stunning into this dress, Luna," namamanghang papuri sa kaniya ng kaniyang bestfriend at wedding gown designer na si Desiree. "I'm sure lalong mababaliw sa'yo si Leonard kapag nakita niyang suot mo ang gown na ito sa araw ng inyong kasal."
Ngumiti lamang si Luna kay Desiree. Minsan pa ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin habang suot ang wedding gown na matagal nang idinisenyo para sa kaniya ng kaibigan. Sa halip na makaramdam ng pagkagalak ay lungkot ang siyang pumuno sa kaniyang puso.
"Hey, hey, don't give me that look," nababahalang saad nito na wari ba ay nabasa ang siyang tumatakbo sa kaniyang isip. "Huwag mong sabihing tungkol pa rin ito sa Kit Vera na 'yon na nakilala mo after you ran away two years ago?"
Nagbuga ng hangin si Luna. Nanghihina ang mga tuhod na nagtungo siya sa isang sofa sa 'di kalayuan at naupo doon. Si Kit, ilang gabi na niya itong sinusubukang burahin sa kaniyang isipan mula noong huli nilang pagkikita, pero hanggang ngayon ay bigo siya.
"I don't know, Desiree," she told her, helpless. "I guess hindi ko lang inaasahan na kahit dalawang taon na ang lumipas ay hindi niya pa rin ako ginawang kalimutan. Pinanghawakan niya ang pangako ko, Desiree. Hinintay niya ako, and now, hinanap pa niya ako."
"Come on there, Luna. Akala ko ba nagkita na kayo? Akala ko, nagkausap na kayo?" tanong nito sa kaniya saka naupo sa kaniyang tabi. "Don't you think he will stop pursuing you now that he already know that you're going to marry Leonard?"
Hindi siya nakapagsalita. Ayaw niyang bigyan ng daan ang kaniyang isip para sagutin ang tanong ng kaibigan dahil sigurado siyang hindi nito magagustuhan ang sagot. Hindi niya rin magugustuhan dahil sigurado siyang si Kit pa rin ang pipiliin niyon.
"L-listen, I have to go, Desiree. Papa is waiting for me. We are going to have lunch together." pag-iwas niya. "Thanks for designing my gown, really."
Nang makapagbihis ay dali-dali na siyang nagpahatid sa kanilang rancho. Scared that she will be late to their lunch, agad niyang hinanap ang kaniyang papa pagdating niya doon. Hindi niya inasahan na maabutan niya itong may kausap sa may garden.
"Who is papa's visitor, Manang?" tanong niya kay Manang Miling matapos nitong maghatid ng juice para sa ama at sa bisita nito. "Is he one of papa's associates?"
"Hindi ko po alam, seniorita. Sa totoo lamang po ay ngayon ko lamang nakita ang binatang iyon. Sa palagay ko naman po ay mukhang magkasundo na agad sila ng iyong papa."
Hindi maipaliwanag ni Luna pero bigla siyang nakaramdam ng kaba sa biglang pagsulpot ng hindi kilalang bisita. Sinabi niya sa sarili na hihintayin niyang matapos mag-usap ang mga ito ngunit hindi na siya mapakali. Nagtungo siya sa garden kung saan naroroon ang mga ito.
"Papa," bati niya sa ama saka humalik sa may pisngi nito. "I'm sorry if I'm a bit late to our lunch. Nagpunta ako kay Desiree. She showed me the gown."
"Oh, no, it's okay, sweetie, tamang-tama lang ang dating mo," saad naman nito na mukhang galak na galak. "I was just talking to Mr. Kit Vera here."
Parang binuhusan nang malamig na tubig sa mukha si Luna sa narinig na pangalang binanggit ng ama. Bigla siyang nanigas mula sa kinatatayuan. Sa kabila niyon, pinilit niyang mag-angat ng mukha. Dahan-dahan, sinulyapan niya ang lalaki sa kaniyang harapan. Her heart almost skip a bit nang makumpirma ang hinala. It was... Kit.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
Roman d'amourKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...