Thirty-nine

1.5K 14 0
                                    

"GOING back to the corner where I first saw you. Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move. Got some words on a cardboard. Got your picture in my hand, saying, if you see this girl can you tell her where I am?"

Mabilis na dumami ang tao sa harap ng coffee house kung nasaan si Kit at ang naturang lalaki na siyang tumutugtog ng gitara. Pinalibutan sila ng mga ito. But being too carried away with the song, hindi niya iyon nagawang pagtuunan ng pansin.

"Some tried to hand me money, they don't understand. I'm not broke, I'm just a brokenhearted man. I know it makes no sense but what else can I do? How can I moved on when I'm still in love you?"

Sa pagkakataong iyon eksaktong dumating si Luna. Ang kumpol kaagad ng mga tao ang kaniyang napansin. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaniya pero isa na namang malakas na puwersa ang siyang nagdala sa kaniyang mga paa patungo doon. Isiniksik niya ang sarili sa pagitan ng mga naroroon at natutop niya ang kaniyang bibig sa nasaksihan doon.

"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me, and your heart starts to wonder where on this earth I can be. Thinking, may be you'll come back into this place where we'd meet, and you'll see me waiting for you on the corner of the streets. So, I'm not moving. I'm not moving, yeah."

Hindi alam ni Kit kung anong nangyari sa kaniya. Something tells him to raise his chin and look at the crowd. Doon na nga sumalubong sa kaniya ang mukha ng babaeng laman ng kaniyang isip habang kumakanta. Doon na siya sinalubong ng matatamis na ngiti ni Luna suot ang kakaiba nitong kasuotan na siyang unang nakapukaw ng kaniyang atensyon noon.

"Maybe, I'll get famous as the man who can't be moved. Maybe, you won't mean to but you'll see me on the news. And you'll come running to the corner, 'cause you know it's just for you. I'm the man who can't be moved. I'm the man who can't be moved."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagawa pang pigilan ni Kit ang kaniyang sarili. Tumindig siya mula sulok na kinaroroonan at nilapitan ito. Wala na siyang pakialam kahit pa maraming tao ang nanonood sa kanila. Niyakap niya ito. Matagal silang nagyakap.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito matapos kumalas sa pagkakayakap rito. "A-ang akala ko ay—"

"Hindi na tuloy ang kasal," pagputol ni Luna sa kaniyang sinasabi. "Kinausap ko na si Leonard at naipaalam ko na rin kay papa ang lahat."

Napamaang si Kit. Ilang beses nitong sinubukang ibuka ang bibig ngunit mukhang wala itong makapang sasabihin sa kaniya. She smiled at him.

"I never stop loving you Kit. Nang ikaw ang pumalit sa puwesto ni Leonard noong rehearsal, doon ko naramdaman ang totoong kaligayahang hindi ko nararamdaman sa tuwing kasama ko si Leonard. Doon ko naramdaman na buo ako at may kakayahang magmahal muli." masuyong sabi niya rito. "When Leonard take me away from you, muling binalot nang matinding lungkot ang puso ko. And that's when I realized that I cannot marry him. Hindi ko siya kayang pakasalan dahil ikaw lamang ang tanging lalaking nakikita ko ang sarili kong kasama kong haharap sa dambana. It's you whom I see my future with, Kit."

A great happiness surrounds Kit's face. Pinagsalop nito ang mga palad sa magkabila niyang pisngi. Dinampian siya nito ng halik sa kaniyang noo, ilong, at sa kaniyang mga labi.

"Ikaw lamang din ang babaeng gusto kong iharap sa dambana, Luna," masuyong sabi nito sa kaniya pagkatapos. "I don't know what you did to me but from the moment you showed your face into this place wearing your Bohemian full skirt, your peasant blouse, and head piece, I know I wouldn't be the same person, again. Mayro'n kang binuhay na bahagi sa puso ko. You showed me that life's still beautiful and worthy. You're just one unique woman whom I cannot compare or replace with anybody. And I love you. I just love you so, so much that I cannot forgive myself if you end up being with someone else."

Tuluyan nang umagos pababa sa kaniyang pisngi ang nangingilid na luha ni Luna. She gave Kit one passionate kiss on the lips. He kissed her back before they embraced, again.

"I wanna marry you right here, right now," lumuluhang bulong niya sa tenga nito habnag mahigpit pa ring nakayakap dito. "I love you, too, so much."

The people were so moved. Nagpalakpakan ang mga ito habang ang iba naman ay kaniya-kaniyang pahid ng namuong luha sa gilid ng mata. Sa sobrang tuwa naman ng gitarista ni Kit ay muli itong tumugtog ng isang kantang ang tema ay tungkol sa isang gypsy. Nagkatawanan si Kit at Luna.

"Hey, man who can't be moved, I am a gypsy." sikmat ni Luna kay Kit. "Are you coming with me?

"Hey, you know what, Miss gypsy," nakangiting sabi nito na iniyakap sa kaniyang bewang ang mga braso nito. "I think, I am."

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon