Thirty-five

1.2K 12 0
                                    

"OH, God, I'm so sorry," humahangos na pahayag ni Leonard bago nagmamadaling nagtungo sa harap ng altar. "Got stuck in a meeting."

Kit's chest tightened. Lalo pa iyong nanikip nang kuhanin sa kaniya ni Leonard ang kamay ni Luna na kaniyang hawak. Masakit man sa kalooban ay wala siyang nagawa kung hindi ang pakawalan iyon.

"Thanks for filling for me, bro," saad nito saka bumaling sa dalaga. "Hey, hon, I'm really sorry."

Ngumiti lamang si Luna. Sumulyap ito sa kaniya ngunit hindi niya nagawang salubungin ang paningin nito. Ilang sandali lang at muling inulit sa simula ang naturang rehearsal, ngunit sa pagkakataong iyon, si Leonard na ang siyang tumanggap ng kamay ng dalaga sa may altar.

"Okay," wika ng kunwari-kunwariang pari na tumikhim bagaman halatang ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan ng bawat isa. "I now pronounced you husband and wife."

Kahit hindi naman inaanunsyong maari nitong halikan ang dalaga ay kinabig ni Leonard si Luna. He gave her one passionate kiss on the lips. Kuyom ang mga palad na naipaling ni Kit ang kaniyang paningin sa ibang direksyon. Hindi niya na kaya pang sikmurain ang rehearsal na iyon. Walang paalam na nilisan niya ang naturang lugar.

"Hey, that was wonderful," malawak ang ngiting sabi ni Leonard kay Luna nang matapos ang naturang rehearsal. Hinalikan siya nito sa gilid ng kaniyang noo. "I cannot wait to be married to you for real."

Ngiti lamang uli ang nagawang itugon ni Luna rito. Isang malungkot na ngiti. Nang mapag-iwanan siya nito ay nagmamadaling nagtungo siya sa labas ng simbahan. Nagpalinga-linga at sinubukang hanapin si Kit. But he is nowhere to be found.

"Oh, Kit," natutop niya ang sariling bibig habang nagsisimulang pumatak ang kaniyang mga luha. "Please don't leave,"

Pero huli na ang huli. As she helplessly look for him in that church, Kit was collecting his things in the mansion. Wala na itong dahilan para manatili pa doon. He needs to stay away from her. He have too or he'll just continue on hurting himself.

PINAHIRAN ni Luna ang kaniyang mga luha habang pinagmamasdan ang kabuuan ng guest room na siyang tinuluyan ni Kit noong naroon pa ito sa mansion. Nagmamadali siyang bumalik kanina doon pagkatapos ng rehearsal sa pag-asang makakausap pa niya ito ngunit bigo siya. Naabutan niyang bakante na iyon—ni walang bakas maski anino ni Kit.

Naupo siya sa kamang ilang gabi rin nitong tinulugan. Marahan niya iyong hinaplos sa pag-asang muli niyang mararamdaman mula roon ang init ng yakap ni Kit ngunit wala. That's when it started to dawn to her that he's gone—he's really gone. Ngunit higit doon, pinakamasakit ang katotohanang kailanman ay baka hindi na uli niya ito makikita pa.

Kanina habang magkahawak-kamay sila nito sa altar, doon niya naramdaman sa sarili ang labis na kaligayahan. The thought of being married to him delighted her so much. At lalo pa siyang nagalak nang ipahayag nito sa kaniya ang nararamdaman sa pamamagitan ng isang wedding vow. Hindi niya inasahan iyon at lalong hindi niya rin inasahan na tutugunin niya iyon.

When Leonard came and switch places with him, biglang lumamlam ang kaniyang pakiramdam. Ang kaligayahang una niyang naramdaman habang hawak ang kamay ni Kit ay biglang nawala. That's when she realized to herself that she can't do it. She can't marry Leonard. Si Kit talaga ang kaniyang mahal.

Kung may madali lamang sanang paraan para tapusin ang kalbaryong iyon. Kung pupuwede lamang sana niyang ipagtapat dito kung anong totoo. Ngunit ayaw niyang masaktan si Leonard. Higit lalo, ayaw niyang masaktan ang kaniyang papa. She just can't continue on being selfish.

"Luna, sweetie?" pukaw ng kaniyang ama mula sa pinto ng bukas na guest room. "Maaari ba kitang makausap, anak?"

"Pa," dali-dali niyang pinahiran ang iba pang namuong luha sa gilid ng kaniyang mata bago ito tuluyang hinarap. "A-ano pong gusto ninyong pag-usapan natin?"

Niyaya siya nito sa may hardin. Naupo sila doon habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Matagal na walang nagsasalita sa kanila.

"Anak, alam ko na wala akong karapatan na panghimasukan ang iyong buhay ngunit, yung nangyari kanina sa simbahan," mayamaya ay ibinulalas nito nang tila makaipon na ng lakas ng loob. "Pakiramdam ko lang kasi ay mayro'n kang kailangang sabihin sa akin."

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Luna. Hindi niya alam kung paano sisimulang ipaliwanag sa kaniyang ama ang lahat. Ayaw niyang masaktan ito sa oras na aminin niya kung ano ba talaga ang totoong namagitan sa kanila ni Kit.

"I'm sure I saw a spark when Kit's eyes laid on you. At gayundin ang nakikita ko sa iyong mga mata. There's some connection between you two that is just hard to deny." napapabuntong-hiningang saad nito nang walang matanggap na anumang tugon mula sa kaniya. "So, please, anak. Just tell me the truth. Ano ba ang totoong namamagitan sa inyo ni Mr. Vera?"

Napalunok si Luna. Sinulyapan niya ang kaniyang ama at nang makita niya ang nagsusumamong mukha nito ay hindi niya uli napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Umiiyak na yumakap siya sa kaniyang ama.

"What you heard in the church a while ago was true, papa," pag-amin niya sa ama. "I am in love with Kit Vera."

Sinimulan niyang ikuwento sa ama kung paano nagtagpo ang mga landas nila ni Kit nang maglayas siya two years ago. Kung paano siya hinintay nito sa coffee house. Kung paanong tinulungan niya itong maisayos ang buhay nito. Ikinuwento niya rin kung paanong unti-unting nagkalapit ang kanilang loob nito. Kung paano siya nito minahal nang lubusan. At kung paanong nasira ang iniwan niyang pangako rito nang magbalik siya doon sa may Davao.

"I swear, pa, hindi ko akalain na hahanapin niya ako rito sa Davao at pupuntahan dito sa mansion," umiiyak pa ring sabi niya sa ama. "I just don't know what to do. Hindi ko gustong umabot sa ganito. I'm sorry, papa."

Nagbuga ng hangin si Don Constancio. Kinabig siya nito at muling niyakap. Tinapik-tapik nito ang kaniyang likuran.

"Oh, sweet mother of Zeus! I know deep down inside there is much more than what you two are trying to show and tell us." nagbuga itong muli ng hininga. "You should've just told me the truth, anak. Hindi ka na dapat naglihim pa. Maiintindihan ko naman, eh."

"I know, papa," tumatangong saad niya habang patuloy pa rin ang pag-iyak sa mga bisig nito. "I'm really, really, sorry."

Sa halip na tumugon ay hinigpitan ni Don Constancio ang yakap sa kaniya. It brought her unbelievable relief and comfort. Matagal silang nanatiling magkayakap lamang.

"Papa, I feel so lost," mayamaya ay pagputol niya sa katahimikang bumabalot sa kanila. "Ano pong gagawin ko?"

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muling bumuntong-hininga si Don Constancio. Kumalas ito mula sa mahigpit niyang yakap. Pinagsalop nito ang mga palad sa magkabila niyang mga pisngi at direkta siyang tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Anak, gawin mo kung ano ang tama," makahulugang pahayag nito. "Talk to Leonard and tell him the truth."

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon