Twenty-six

1.2K 15 0
                                    

BINABALUTAN ni Kit ng tela ang kaniyang kamao nang bigla na lamang may maghagis ng gloves sa kaniya. Tumama iyon sa kaniyang likuran. Paglingon niya ay namataan niya si Luna. Salubong na salubong ang mga kilay nito. Mabibigat ang hakbang na lumapit ito sa kaniya. Paglapit ay itinulak siya nito sa kaniyang dibdib.

"Will you please stop this non-sense, Kit!" galit na bungad nito sa kaniya. "Walang kasalanan si Leonard dito kaya puwede ba ay huwag mo siyang idamay sa galit mo!"

Biglang nagtagis ang kaniyang mga bagang sa narinig na tinuran ng dalaga. Why does she keeps on protecting that asshole, anyway? Hindi ba nito alam na nasasaktan siya sa ginagawa nito?

"Walang kasalanan, you say?" galit na ring buwelta niya rito. "Well, that dousche that your trying to protect? Inagaw lang naman niya sa akin ang babaeng mahal ko! Inagaw ka niya sa akin!"

"Oh, come on, Kit!" na-pu-frustrate na bulalas ni Luna. "You're acting like a child! Pull yourself together! Grow up and stop this bago pa kayo magkasakitan!"

Sa halip na kumalma sa mga ipinahayag ng dalaga ay lalo pang nag-init ang kaniyang tenga. Pinulot niya ang gloves na ihinagis nito sa kaniya at galit na isinuot iyon. Luna watched him in great disbelief.

"What the hell, Kit! So, itutuloy mo pa rin? Didn't you knock any sense to what I just told you?" she said to him, frustrated. "Please naman, makinig ka naman sa akin."

"No, Luna, ikaw ang makinig sa akin!" buwelta niya rito saka mataman itong tinitigan sa mga mata. "Dudurugin ko ang Leonard na 'yon!"

Pagkasabi niyon ay walang lingong-likod na iniwan niya ito. Nagtungo siya sa kinaroroonan ng ring kung saan makikitang nakatayo si Leonard. Kit cannot helped but grin when he saw that he was throwing imaginary punches in the air.

"Nice moves," he said sarcastically as he enters the ring. "Mukhang praktisadong-praktisado ka na, huh?"

"Well," kibit-balikat naman ni Leonard na hindi pa rin nakakahalata sa tensyon na namamagitan kina Luna at Kit. "I haven't done enough boxing in a while, to be honest."

Ngumisi lamang uli si Kit. Hindi nagtagal at dumating na ang may-ari ng naturang gym na kaibigan ni Leonard. Ito ang magsisilbing referee sa kanilang sparring.

"Hey, we're going to start now, hon," pukaw ni Leonard kay Luna nang mamataan niya ito sa ringside. "We'll be careful, don't worry."

"Yes," saad naman ni Luna na hindi naiwasang mapahugot nang malalim na hininga sa sobrang tensyon. "Be careful."

Leonard smiled. Hindi niya inasahan na dadampian siya nito ng halik sa mga labi. Seeing what he did, lalong nag-init si Kit. Hindi pa man natatapos ang bilang ng referee ay kaagad na niyang sinugod si Leonard.

"Woah, woah, woah," nagulat naman na pahayag ni Leonard na suwerteng nagawang umiwas. "Easy right there, bud."

"Well," kibit-balikat ni Kit bagaman hindi maikukubli ang pagtatagis ng bagang. "I haven't done this for a while so bear with me."

Pagkasabi niyon ay sinunod-sunod niya ng suntok si Leonard hanggang sa tuluyang niya itong ma-corner. He gave him a combination of a right and left hook. Nakasuot ng protective gear si Leonard pero sa lakas ng kaniyang mga suntok ay halatang ininda pa rin nito iyon.

"Kit!" galit na sigaw ni Luna mula sa ringside. "Can't you be easy! It's just a sparring! For goodness' sake!"

"H-hon, hey, calm down," saad naman ni Leonard na halatang kinakapos pa rin ng hininga sa kaniyang mga suntok. "I'm fine, okay?"

Kit just smirked. Nang sumunod na round ay pinaulanan niya uli nang sunod-sunod na suntok si Leonard na halos hindi na ito nakaporma. At nang pangatlong round, hindi na niya nagawa pang pigilin ang sarili. Binigyan niya ito ng isang uppercut na siyang nakapagpabagsak rito. Natutop nalang ni Luna ang bibig sa labis na pagkagulantang.

"Wow, aren't you on fire, Kit?" humahangos na saad ni Leonard habang pinapahiran ang dugong namuo sa gilid ng labi. "It feels like you're fighting for something."

"Well, Leonard, at one point in our lives, we do fight for something," makahulugang tugon niya sa lalaki bago sumulyap sa ringside kung saan makikitang nakatayo si Luna. "Let's just say, gano'n ko ipaglaban kung ano ang dapat para sa akin."

Pagkasabi niyon ay walang salitang bumaba siya ng ring. Nilampasan niya si Luna na naiwang nangingilid ang mga luha. How could she hurt the man that loves her so much, was the only thing that runs inside her head that exact moment.

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon