ABALA sa pagpirma sa sari-saring dokumento si Leonard nang maabutan ito ni Luna sa opisina. Ayaw niya sana itong abalahin ngunit hindi na niya kaya pang hintayin ang bukas para ipagtapat rito ang mga nais ipagtapat. Alam niyang habang lumalakad ang mga araw ay palapit na rin nang palapit ang kanilang kasal. Ayaw niyang hintaying dumating pa ang araw na iyon dahil alam niyang maghahatid lamang iyon ng mas malaking gulo at mas lalo lamang niya itong masasaktan.
"Leonard," kumatok siya sa noo'y bukas ng pinto. "Um, I'm sorry to disturb you, pero gusto sana kitang makausap."
"Hey," nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. Dali-dali nitong iniwan ang ginagawa. Tumindig at sinalubong siya. "No, no, it's okay."
Dinampian siya nito ng halik sa pisngi saka siya iginiya patungo sa may upuan sa harapan ng table nito.
"What a pleasant surprise to see you here in my office," nasisiyahang saad nito habang nakangiting nakatitig sa kaniya. "So, is this about our wedding?"
Hindi kaagad nagawang tumugon ni Luna. Parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan. How she hates to break his heart.
"Um," tumikhim siya saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita. "Actually, it's about... us."
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Leonard nang marinig ang kaniyang tinuran. Umayos ito nang pagkakaupo. Niluwagan ang suot na necktie.
"W-wow, seems like a pretty serious stuff," pagkuwan ay napapalunok na wika nito nang makabawi. "A-anong gusto mong pag-usapan tungkol sa atin?"
Sa ikalawang pagkakataon ay hindi kaagad nagawang tumugon ni Luna. Ilang sandaling nakatitig lamang siya sa mukha ng binata. Tears started brimming on the corners of her eyes.
"Leonard, you know that you means so much to me, right?" hinawakan niya nang mahigpit ang parehong kamay nito. "You're my child hood friend who chooses to defend me from bullies kahit masaktan ka. You always do all you can to protect and help me. At kahit sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko, ikaw yung nandiyan para sa akin. You did so, so, much for me that I can't even thank you enough."
Leonard was speechless for a bit. Bagaman sa mga mata nito ay mayro'ng nakapaloob na kung anong emosyon na nagsasabing alam na nito ang kahihinatnan ng kaniyang sasabihin. Kinuha nito ang kaniyang kamay.
"Ginawa ko ang lahat nang iyon dahil mahal kita. Mahal na mahal kita dati pa, Luna. Alam mo naman 'yon, di ba?"
Tumango si Luna. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya nagawa pang pigilin ang tuluyang pagpatak ng kaniyang mga luha. This is so much harder than what she had imagine.
"I love you too, Leonard. I always loved you. Pero hindi sapat iyon para pakasalan kita." sinalubong niya ang mga mata nito habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. "I'm sorry."
A defeaning silence followed. Ilang sandaling hindi nagawang makahuma ni Leonard sa kaniyang rebelasyon. But the tears peering on the corner of his eyes is enough proof that he was in deep pain.
"I-I just don't think it would be fair to you, Leonard. You're a really, really, great guy. And you deserve someone who will love you as equal as your ability to love." malungkot na ngumiti si Luna rito. "I really am sorry."
Humugot ng isang malalim na hininga ni Leonard. Sa kabila nang matinding kalungkutan mababanaag sa mga mata nito ay pinilit nitong ngumiti sa kaniya.
"I can't say that it's alright. Of course, it was not. But to be honest, I always have that constant feeling that you only love me as a friend. Pinili ko lang magbulag-bulagan. Ang akala ko kasi, eventually, matututunan mo rin akong mahalin nang higit pa sa isang kaibigan." sinserong sabi nito sa kaniya. "Hindi mo rin deserve na matali sa isang taong hindi mo talaga mahal. I am glad that you chose to tell me the truth even if hurts so badly. Thank you for being honest with me, Luna."
She was so relieved that Leonard did not take it so badly. Niyakap niya ito. He embraced her back.
"Pinapalaya na kita, Luna," sabi nito habang nakayakap sa kaniya. "You are now free to be with the person that you really love—you're now free to love Kit."
Nagulat siya sa narinig na tinuran nito. Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito. Nagtatanong ang mga matang pinagmasdan ito.
"What?" hindi pa rin makapaniwalang pukaw niya rito nang makabawi. "A-alam mo ang tungkol sa amin ni Kit?"
Tumango si Leonard. Tumindig ito pagkatapos at may kinuha sa drawer sa isang gilid. It was piece a paper. Inabot nito iyon sa kaniya. Nang tingnan niya ang nilalaman niyon ay nagulat siya. Iyon ang isa sa mga posters na inimprenta ni Kit para mahanap siya.
"One of my employees saw that and gave it to me. I got curious. Nag-hire ako ng isang investigator para paimbestigahan ang tungkol sa totoong relasyon mo kay Kit." pagtatapat nito sa kaniya. "Nakuha ko ang resulta ng investigation niya just two days ago. Kit was already gone by then so I chose to put it aside. Ang akala ko kasi ako ang siyang pinili mo."
Napangiti nang malungkot sa kaniya si Leonard. Hindi naman niya nagawang magsalita. Sa halip ay napatitig lamang siya rito.
"It's okay," paninigurado naman nito sa kaniya. "I guess I know right from the start that there's much more story between you two. Lalaki rin ako, Luna. Alam ko kung paano tingnan ng isang lalaki ang babaeng mahal niya. Kit look at you the way I look at you. And that's how I know that he loves you. Napatunayan ko pang lalo 'yon nang mag-sparring kami. The way he throw me those punches, kulang nalang ay tuluyan niya ako para lang mabawi ka niya sa akin. So, I guess, I've been an asshole in a way dahil kahit alam kong mayro'n siyang nararamdaman para sa'yo ay nagbulag-bulagan pa rin ako."
Hindi kaagad nagawang tumugon ni Luna. Napabuntong-hininga siya. Hinawakan niya ang isang kamay nito at direkta itong tinitigan sa mga mata.
"You're not an asshole, Leonard. You're a great guy. You've been kind enough to set me free so I can be with him." ngumiti siya rito. "Thank you."
Leonard smiled back. Minsan pa ay nagsalo sila sa isang yakap. And that's when she knows that everything is going to be fine—she hopes so.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomansaKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...