"OKAY, slow down, papa," ang bilin ni Luna sa ama habang inalalayan ito sa pagbaba ng sasakyan. Matapos ang higit isang linggo ay muli na ring bumuti ang kalagayan nito at nagawa nang makalabas ng hospital. "Don't push yourself too hard."
"My goodness, Luna! Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Okay na okay na ako," ang nakatawa namang buwelta nito sa kaniya. "In fact, I could carry a cow on my back if I want to."
Sinulyapan niya ang kaniyang ama at sinimangutan niya ito. Hindi niya alam kung paano pa nito nagagawang magbiro pagkatapos ng nangyari dito. She was dead worried.
"Okay, okay, no more jokes," sabi nito saka siya niyakap nang mahigpit. "Alam kong labis kitang pinag-alala, sweetie. I'm sorry. Pangako, aalagaan ko nang mabuti ang sarili ko."
"That's better, pa," ang nakangiti namang tugon niya rito saka tinugon ang yakap nito. "I love you, pa."
Nasa gano'n silang tagpo nang lumabas si Kit mula sa loob ng mansion. Nang makita ito ni Don Constancio ay ito na ang unang kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti nitong sinalubong ang binata.
"Kit, hijo," anito na yumakap at tinapik sa balikat si Kit. "Hindi pa kita napapasalamatan sa ginawa mo sa akin. Kung hindi mo siguro ako agad naisugod sa hospital matapos ng atake ko ay baka wala na ako ngayon. Maraming salamat, hijo."
"Thank you, Kit," saad naman ni Luna na hindi naiwasang pamulahan ng pisngi nang pag-angatan ng paningin ang binata. "That means so much."
Kit stared back at her. Sa isang iglap ay parang gusto niyang kabigin ang dalaga at yakapin ito nang mahigpit ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa huli ay pagngiti lamang ang tangi niyang nagawa.
"Ginawa ko lang kung anong tama," tangi niyang nasabi bago muling bumaling sa Don. "Um, siya nga pala, maari ko ho ba kayong makausap Don Constancio?"
"Oo naman, sige," wala namang pag-aatubiling tugon ng Don bago bumaling sa anak. "Luna, anak, susunod na lamang ako sa loob."
Ilang sandaling napatitig si Luna kay Kit. Ano kaya ang idudulog nito sa ama? Gayunman, pagkalipas ng ilang sandali ay nagawa din nitong tumango. Nang makapasok na ito sa loob ay niyaya si Kit ni Don Constancio sa may hardin.
"So, Kit," pagsisimula nito nang makaupo na sila. "Ano ang ibig mong pag-usapan natin, hijo?"
"Unang-una po sa lahat, Don Constancio, gusto ko pong magpasalamat sa buong puso ninyong pagpapatuloy sa akin sa inyong tahanan. You've been such a great host. Hinding-hindi ko ho makakalimutan ang kabutihang-loob na ipinakita ninyo sa akin." sinserong pahayag niya. "Alam ko ho na ako mismo ang humiling sa inyo na hangga't maari ay dumito ako habang hindi pa dumarating ang araw ng kasal. And I'm sorry if I'm also the one who has to break it. Kailangan ko na pong lumuwas uli para asikasuhin ang aking negosyo."
Hindi kaagad nagawang tumugon ni Don Constancio. Ilang sandaling nakatitig lamang ito sa kaniya na wari'y nag-iisip. Di kalaunan ay napapatangong tinapik-tapik siya nito sa balikat.
"Well, it seems like you already made a decision. And as much as I want you to stay until the wedding, wala naman akong magagawa." napapabuntong-hiningang saad nito. "Just know that our mansion is open for you anytime, Mr. Vera."
"Noted," tugon niya na ngumiti sa Don. Tumindig siya. Nakipagkamay rito pagkatapos. "Thank you, sir."
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomanceKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...