NAGBUNTONG-HININGA nang malalim si Kit habang nakamasid sa madilim na kalangitan sa labas ng hospital. How he fucking wish that things were much simpler—that Luna is not hurting that much. Kung alam niya lang na magiging ganito ka-komplikado ang lahat sa kaniyang panghihimasok sa buhay nito ay hindi na sana niya itinuloy ang kaniyang plano. Gusto lang naman niyang malaman kung ano ba talagang nangyari sa kanilang dalawa. With a little hope on the side na sana, sana kapag naibigay na nito ang ekplanasyong hinihiling niya, maibalik nila sa dati ang lahat. He doesn't want her to be married to that man—it should be him! Siya ang dapat na yumayapos sa mga bisig nito. Siya ang dapat na humahalik sa mga labi nito. Siya ang dapat na papakasalan nito. Pero mukhang wala nang pag-asang mangyari pa ang bagay na iyon. Wala nang pag-asang mabawi pa niya ito.
"Kit," pukaw ni Luna sa kaniya. Lumapit ito sa kaniyang kinaroroonan. Nagbuntong-hininga ito bago muling magsalita. "I-I thought you already left."
"I cannot leave you in this state," tugon niya na napabuntong-hininga rin saka sinulyapan siya nang mabilis. "I'm sorry."
Napayuko si Luna. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang mga gustong sabihin rito. Ilang sandaling nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanila.
"No, Kit," sa wakas ay nagawa niyang isatinig nang makapag-ipon ng sapat na lakas ng loob. "Ako ang dapat na mag-sorry sa'yo. What I said inside, it's not true. Hindi mo kasalanan—wala kang kasalanan sa anumang nangayayari ngayon."
"Please, Luna," sabi niya rito. "You're right. I should've stop when I assured that you're doing fine. Hindi ko na dapat pa ginulo—"
"No, listen to me, Kit," pagputol niya sa ibig nitong sabihin. "Wala kang kasalanan. It's all on me. Ako ang may kasalanan."
Natigilan si Kit. Siya naman ay muling napahugot nang isang malalim na hininga. Itinuon niya ang paningin sa malayong dako.
"When I met you two years ago, naglayas ako noon. Papa and I had a major fight that I decided to ran away. I don't know, siguro, masyado akong napuno sa pagiging strict at overprotective niya. I'm twenty-one and I want to be free but he wouldn't let me do what I want. Gusto niyang paikutin ang buong buhay ko sa loob ng rancho dahil inaakala niyang sa pamamagitan no'n ay magagawa niya akong protektahan." napalunok siya. "Naisip ko, kung mamanatili ako dito sa Davao, malaki ang tsansang mabilis lang akong mahanap ni papa. So, ginamit ko ang naitabi kong pera, at nagdesisyon akong lumuwas. I even change my hairstyle and clothes just like a gypsy. I don't know, I always thought that gypsies are cool. They can go anywhere they want. They can live their lives the way they want. To them, there's just no boundaries. So, I decided to live just like them on my own unique way. I hit the city with my bizarre clothing, sleep on the streets or under a bridge, ride on people's vehicles. I even asked for food. And believe it or not, as ridiculous as it may sound, it was the most precious moment of my life."
Hindi nagawang magsalita ni Kit. He was stunned with all the things that Luna confessed to him. Napangiti sa kaniya si Luna.
"Yes, it was the most precious moment for me, until I met you. Nagbago ang lahat nang makilala kita, Kit. Na-realize ko, may mas maganda pa pala akong experience na mararanasan sa buhay ko, and that's love. Loving you is the best thing that's ever happened to me." sinserong wika ni Luna habang tila nananaginip na nakatitig sa kaniya. "Believe it or not, within those months that I am with you while you pick yourself up, it was priceless. Kung gaano mo ako kagustong maging bahagi ng mundo at buhay mo, gusto ko rin maging gano'n ka ka-involved sa sa mundo at buhay ko. And I was ready. I really am. Nakahanda na sana akong aminin ang lahat ng tungkol sa totoo kong pagkatao sa'yo, but then, something happened. Dad had a heart attack. A really severe attack. Almost like this one."
Gumuhit ang simpatya sa mukha ni Kit. Bumalik sa kaniya ang nangyari noong kaniyang graduation party. Iyon pala ang dahilan kaya hindi ito nakapunta noon.
"Si Manang Miling, siya ang nagsilbing contact ko nang maglayas ako sa mansion. Siya rin ang nagbalita sa akin nang nangyari kay papa. Lumuwas ako kaagad pabalik ng Davao nang marinig ko ang tungkol sa nangyari. And when I see dad in coma, hindi ko naiwasang hindi sisihin ang sarili ko. Kung hindi ko siguro pinairal ang pagiging selfish ko, hindi siguro mangyayari iyon sa kaniya." gumaralgal ang tinig nito sa muling pagsariwa sa naturang alaala. "Ang buong akala ko, there's nothing worse than seeing papa in that state, but I was wrong. One day, this man came to us, telling us that he's now the rightful owner of the mansion and our rancho. Sa pagpapaimbestiga ko sa kung ano ang nangyari, nalaman ko na nilinlang si papa ng kaniyang kanang kamay. Nilansi siya nito para pirmahan ang isang kasunduan na naglalaman na ibinebenta niya ang mansion at rancho. Matapos no'n, tumakas ang kanang kamay ni papa tangay ang perang pinagbilhan ng aming mansion at rancho. It was like hell. Kinailangan naming ibenta ang lahat ng ari-arian namin para lamang maisalba iyon pero kulang pa rin."
Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan pa ni Luna ang paglantad ng kaniyang emosyon. She started crying. Matiyaga namang pinalis iyon ni Kit gamit ang likod ng kaniyang palad.
"I was so helpless. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi pa nakakarecover si papa sa kaniyang sakit. Hindi ko puwedeng hayaang basta na lamang mawala sa kaniya ang mansion at ang rancho. Naro'n ang lahat ng alaala ng aking mama. It would kill him more than anything. I was in the verge of begging to the man who bought the mansion and the rancho when Leonard came. He was my papa's god son and my childhood friend. Siya ang tumulong sa amin para tuluyang maisalba ang aming mansion at rancho." nagbuga siya ng hininga. "Sa loob ng dalawang taon ay siya ang siyang naging sandalan namin para muli iyong mapalago at maibalik ang lahat nang nawala sa amin. I don't know how could I ever repay him sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa amin. That is why, when he confessed his love to me, wala akong nagawa kung hindi tanggapin iyon. Later on, he proposed at wala pa rin akong nagawa para tanggihan iyon. There. That is the reason why I am going to marry him."
Sinulyapan siya nito. There were more tears in her eyes this time. Hindi na niya nagawa pang pigilin ang kaniyang sarili. Kinabig niya ito at niyakap nang ubod ng higpit.
"I'm sorry, Luna, I'm sorry," that's all he could say as he brushed her hair with his hand. "You've been through so much and I just wish I was there."
Umiling si Luna. She embraced him back. Mas mahigpit na tila ba kapag pinakawalan siya nito ay muli silang magkakalayo.
"I didn't really mean to break my promise, you know?" umiiyak pa ring sabi niya rito. "Kung hindi nangyari ang lahat ng mga nangyari, babalik naman talaga ako, eh."
"I know," mahinang bulong niya sa tenga nito bago niya ito dinampian ng masuyong halik sa gilid ng noo. "I know you would that's why I waited for you."
Wala na uling nagtangkang magsalita sa kanila pagkatapos niyon. Wala rin naman nagtangkang kumalas mula sa pagkakayakap sa isa't-isa. Matagal na nanatili sila sa gayong posisyon na tila ba kontento na basta't hawak nila ang isa't-isa. Natauhan lamang sila pareho nang biglang may humintong sasakyan sa harap ng naturang hospital. Nang bumukas ang pinto niyon ay iniluwal niyon si Kit. Humahangos na lumapit agad ito kay Luna at yumakap.
"I heard what happened, hon," sabi nito na pinagsalop ang parehong palad sa magkabilang pisngi ng dalaga. "Are you okay?"
"Um, y-yeah," tugon rito ni Luna na hindi naiwasang mapasulyap kay Kit. "I-I'm okay, Leonard."
"My goodness, how's Ninong?!" bulalas nito. "Come on, ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob. I want to see him."
Hindi pa man nagagawang tumugon ay hinila na siya nito papasok ng hospital. Wala nang nagawa si Luna kung hindi ang napipilitang mapasunod dito. Kit was left there, watching them go. Napahugot na lamang ito nang malalim na hininga nang tuluyan na silang mawala sa paningin nito. Fuck, that shit hurts! Ang sakit-sakit na kanina'y hawak niya lang ito ngunit ngayon ay iba na uli ang siyang nagmamay-ari dito. Damn, how he wanted to steal her back from him pero wala siyang magawa. Wala na siyang magagawa. Mukhang kailangan na lamang tanggapin sa sarili na tapos na. Hindi na maibabalik ang dati. Hindi na sa kaniya si Luna.
BINABASA MO ANG
THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]
RomansaKit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. Tinuruan siya nitong magbagong-buhay. My bonus pa, tinuruan rin siya nitong magmahal. Ngunit sa hind...