Part 6

593 28 0
                                    

"Bro!" Sabay-sabay na tawag nila Kiko, Elmo at Jerome kay Donny.

"Ang ganda nya noh?" pang-iinis ni Jerome kay Donny.

"Ang bibig mo bro, pakisara baka mapasukan ng langgaw. Hahaha" -Kiko

"Mga baliw! Nagulat lang ako kasi sabi mo hindi mo sya isasama" palusot ni Donny

"At sigurado akong hindi ka papayag. Hahaha"-Kiko

Samantalang si Kisses ay panay ang tapik sa kanya binti. Hindi kasi sya masyadong nagsusuot ng mga ganung damit. Medyo allergic sya sa mga girly thing. Pano kasi buong buhay nya puro lalaking mga pinsan ang kasama nya sa Masbate nung doon pa sila nakatira. May mga kaibigan naman syang mga babae din pero hindi din masyadong mahilig sa mga pambabae na damit.

"Hello po" bati ni Solana sa mga girls.

"Hi baby" sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"You must be Solana? You're so cute" bati ni Kisses kay Solana sabay pisil ng pisngi.

"Yes, I am Solana Laxa Pangilinan. But you can call me Sola"-Solana

"Naks! Ang bibo mo naman mana sa kuya. Hahaha" naiinis na sabi ni Jerome

"Wag kang kakain. Tingnan mo Jerome" napipikon na si Donny

"Tsk! Tigilan nyo yan baka mainis si Labi"-Kisses

"Ano? Labae? Hahaha"-Devon

"Tama na yan. Alam kong gutom na kayo. So tara na!" kinarga ni Donny si Sola at sumunod naman ang mga bisita.

"Ang dami nyo namang bisita"-Kisses

"Barangay Pangilinan yan. Hahaha"-tawa ni Donny

Hindi namalayan ng dalawa na magkatabi silang naglalakad at mukha silang pamilya dahil kalong ni Donny si Sola tapos nasa tabi nito si Kisses. Hindi nila alam na pinipicturan sila ng mga kaibigan nya.

"Mom, Dad! Meet my friends. Kiko, Jerome and Elmo together with Sophia, Jane, Devon and Kisses." pakilala ni Donny.

"Hi tita and Tito" sabay silang lahat at nagbeso kina Tita Maricel at Tito Anthony.

Napangiti ang mag-asawa ng dumako tingin nila kay Donny na nakatingin kay Kisses that time.

"Baka matunaw anak" sita ni Anthony kay Donny

"po?" nagtataka si Donny kung ano sinasabi ng kanyang ama. Hindi nya kasi napansin ang pagtitig nya kay Kisses.

"Tara! Kain na kayo. Malayo pa pinagmulan nila Dad. Baka gutom na po sila"-Donny

Donny lead them to the buffet area. Sobrang daming food ang nakahanda. May Korean, Japanese at Pinoy cuisine.

Samantalang sa isang table kung saan nandun mga pinsan ni Donny na mga lalaki. Si Rj, isa sa mga nakaupo doon ay napapatingin kay Kisses. Napansin naman ni Kisses na parang may nakatingin sa kanya ayun sa peripheral vision nya. Lumingon sya at nagkatinginan sila ni Rj and she smile sweetly.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon