Part 50

503 27 4
                                    

"Sir, gusto nyo na po bang i-serve yung order nyo?" ngiting tanong ng staff.

"Yes, please." sagot naman ni Donny.

Napansin naman ng staff na panay ang picture ni Kisses sa Taal Volcano.

"Excuse me Ma'am, you want me to take a picture of you? Background natin ang Taal Volcano." suggestion ng staff.

"Ayy, wag na po nakakahiya." sagot ni Kisses na tinago ang kanya phone.

"It's ok Sir." sagot ni Donny at inabot ang phone sa staff. Kanina nya pa rin napapansin ang staff na nakatingin kay Kisses. Siguro nagagandahan ito sa kanyang girlfriend.

Kinuha naman ng staff ang phone ni Donny at kumuha ito ng ilang pictures ng dalawa and ang last 2 pictures ay solo picture ni Kisses na hindi alam ni Kisses. Isang picture na nakaharap ito sa staff and all out smile and one stolen na nakatingin ito sa Taal Volcano dahil akala nito na tapos na magpicture ang staff.

Binalik ng staff ang phone ni Donny and nagpaalam na ito nakukunin ang mga order nito. Nakapili na rin kasi ng food si Donny para pagdating nila ni Kisses ay ireready na lang nila ito. Best seller lahat ng pinilit ni Donny base na rin sa advise ni ate Ella nya dahil natikman na nito ang mga food doon. Isa nga sa especialty nila ay ang Bulalo ng Tagaytay.

Donny browsed his gallery. Napangiti sya sa ganda ng view lalo na ang kanyang ka-date. He even zoomed in the picture para mas makita lalo ang kagandahan ni Kisses.

Donny opened his IG and posted the stolen picture of Kisses na nakatanaw sa Taal Volcano. He captioned it, "Kahit saang view, I love you 💖" and he even tagged Kisses sa picture.

Hindi nya alam kung saan na sya nakuha ng lakas ng loob sa mga ginagaawa nya dahil alam nya nagpapanggap lang sila ni Kisses pero para sa kanya totoo na ang lahat ng ito. Okey lang gastusan ang mga date nila ni Kisses. Okey lang kahit pagod sya sa training bilang varsity tapos nag-aaral pa sya pero nasusundo at nahahatid pa rin nya si Kisses. Okey lang mapuyat basta masabayan nya si Kisses matulog dahil minsan magkavideo call silang dalawa. Nakatingin lang sya sa screen ng kanya phone while Kisses doing her assignments. Okey lang sa kanya magbiyahe ng ganitong kahaba just to make sure na matutuwa ang dalaga sa kanyang makikita na surpise. Okey lang kahit pawis na pawis sya at sobrang kaba habang nagpapaalam sya sa Mommy ni Kisses para payagan ito sa mga date nila. Okey lang ang lahat ng ito dahil mahal na mahal nya ang dalaga.

"Hoy! Makatitig ka naman dyan." pitik ni Kisses sa mukha ni Donny.

Hindi kasi namalayan ni Donny na nakatitig sya sa dalaga the whole time habang iniisip nya ang mga ganung bagay.

"Sorry, natutuwa lang ako ng makita kang masaya." Donny grabbed Kisses hand.

"Ang weird nating dalawa noh? Pansin mo? We celebrate like a real couple. Gaya nung 1st month natin tapos itong 100 days natin together." biglang tanong ni Kisses kay Donny.

Hindi naman nakasagot si Donny sa dalaga dahil dumating na ang kanilang ordered food.

"Let's eat na muna. Pray muna tayo Love." sabi ni Donny sa dalaga.

Ganun silang dalawa every na kakain sa labas. They pray before they eat kaya nga natutuwa si Kisses kay Donny dahil man of God ito which isa sa mga ideal guy ng dalaga.

"Dahan-dahan sa pagsubo. Mainit ang sabaw." paalala ni Donny kay Kisses after ng prayer nila.

"Ang sarap naman ng sabaw ng bulalo dito at ang dami mong inorder Love. Mauubos ba natin ito?" tanong ni Kisses.

"Alam kong gutom ka at gutom din ako kaya naman kaya natin ito." ngiti ni Donny sa dalaga.

Natutuwa si Donny or more on kinikilig dahil tinatawag na syang Love ni Kisses kapag silang dalawa lang. Before ang tawag sa kanya ng dalaga ay kapag hindi Donato ay Donny pero alam nya na nag-aadjust pa rin ito dahil kapag kaharap ang mga kaibigan nya ang tawag nito sa kanya ay Donny. Marahil naiilang pa ang dalaga sa set up nila which naiintindihan naman nya lalo ngayon nagiging open na sila sa isa't isa.

Katatapos lang nila kumain ng biglang mag-aya si Donny sa man bandang garden ng restaurant. Dahil madilim na hindi na nila tanaw ang Taal Volcano pero tanaw naman ang mga lights sa iba't ibang parte ng lake na merong mga establishments.

"Ang ganda naman dito kapag gabi." amazed pa rin si Kisses sa garden na ito na kahit gabi na ay nakuha pa ring mang-akit dahil sa mga pailaw na nakapalibot sa mga halaman na animo'y mga bituin na nalaglag mula sa langit.

Nakatingin lang si Donny sa dalaga habang nagmamasid ito sa garden.

"Love, upo ka dito sa tabi ko." tawag ni Donny kay Kisses.

Agad namang inalalayan ni Donny si Kisses ng lumapit ang dalaga sa kanya.

May latag na blanket ang gitna ng garden na napapalibutan ng mga bulaklak na nasisinagan ng mga ilaw.

"Bakit Love?" takang tanong ni Kisses kay Donny kasi panay ang titig nito sa dalaga.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon