Nagulat silang lahat na ganun pala ang sitwasyon ng dalawa. Mas gulat sina Kiko at ate Ella nya na walang alam na nagpapanggap lang ang dalawa dahil mukhang real na real ang relasyon ng dalawa.
"I know we started in a wrong way. Pero kung ano man ang nakita nyo na ginawa at sinabi ko kay Kisses, lahat ng iyon totoo at walang halong pagkukunwari."-Donny.
"But the real reason kung bakit ko ginawa ito ay para mas mapalapit kay Kisses. Oo gusto ko din iwasan talaga si Sharlene pero sobrang nahihirapan akong mapalapit kay Kisses kaya ko nagawa lahat ng iyon."-Donny
"I'm sorry guys kung lahat kayo nadamay lalo na si Kisses na walang alam sa nangyayari basta ang sa kanya matulungan ako dahil nga sa deal na yon kaya naipit na din sya."-Donny.
"I'm sorry ate Ella. Naging duwag ako pagdating kay Kisses. Ngayon lang kasi ako nagmahal ate. Hindi ko alam kung paano aabutin si Kisses that time kaya nagawa ko iyon. Ngayon naman ayoko syang mawala sa akin." naluluhang sabi ni Donny sa kanyang ate Ella.
Nakatingin lang lahat sila kay Donny at walang imik na pinakikinggan lahat ng sinasabi nito na tagos sa kanilang mga puso.
"Devon, I'm sorry din. Alam ko gusto mo lang protesyunan si Kisses pero parang awa mo na. Nagmamakaawa ako sa'yo pakisabi sa kanya na magpakita na sya sa akin. Na bumalik na sya sa akin kasi hindi ko yata kaya ng wala sya sa buhay ko. Kasi sa mga panahong kasama ko sya, ayun ang mga panahon sobrang saya ko kasi abot kamay ko na sya." tuluyan ng napahagulgol si Donny.
"Bro, tama na." Kiko tapped Donny's shoulder.
"I'm sorry bro. You can punched me anytime hindi ako papalag kasi nangako ako sa'yo eh. Nangako akong mamahalin ko lang si Kisses at hindi sasaktan pero ito yung nangyari. Yung babaeng mahal ko, tuluyan na akong iniwan kasi ang selfish ko. Napakaselfish ko." yumakap si Donny kay Kiko dahil sa takot na baka hindi na nya makita pang muli si Kisses.
"I'm glad to hear that. You know how much we love Kisses and I don't want to see her hurting. Alam mo bang ramdam ko rin na masaya sya kapag kasama ka nya? Kaya tama na bro. Naiintindihan kita kaya wag ka mag-alala at hindi kita susuntukin baka kapag nalaman pa yan ni Kisses masapak pa ako noon." biro ni Kiko kay Donny.
"Dapat kasi kagabi aamin na ako sa kanya nung nasa garden kami. All set na ang lahat kaya lang bigla siyang umalis kaya hindi ko na natapos sasabihin ko sa kanya. Simula pa kagabi hindi sya nagrereply sa texts ko and hindi nya din sinasagot mga tawag ko hanggang ngayon. Hindi ko na alam gagawin ko."-Donny.
"That's the big problem. Over-thinker pa naman yun." saad ni Kiko.
"Maybe she taught na okey na kayo ni Sharlene meaning kayo na. Remember na kasabay mo pa sya dumating sa party nya tapos kasama pa natin sa table. Maybe she misunderstood it. Baliw ka rin kasi! Selosa kaya noon bakit hina mong makiramdam." nakangiting sabi ni Devon. Mukhang magkaka-happy ending na ang bestfriend ko. Kilig nyang sabi sa sarili.
"Yes, I told her about it. But it doesn't mean na kami na ni Shar. Maybe she misunderstood what I want to say. I'm planning pa nga to tell her what I really feel and start our relationship for real, yung totoo at hindi na namin kailangang magpanggap."-Donny.
"Guys! I need your help please. Kailangan kong makausap si Kisses. I have a plan, sana matulungan nyo ako. Ayokong mawala yung pinakamamahal ko.
"Go kami. Let's do it!" sabay-sabay na sabi nila kay Donny.
Pinag-usapan na nila ang naisip ni Donny na plano. Lahat naman sila ay sumang-ayon dito. Hindi nila maiwasan ang hindi kiligin lalo na ang dalawang babae na napatili pa dahil sa sobrang kilig. Sumang-ayon ang lahat at nag-isip na ng mga ways kung paano mapagtatanggumpayan iyon.
Naghiwa-hiwalay na sila pagkatapos ng usapan na iyon. Hindi na muna tinext or tinawagan ni Donny si Kisses dahil updated naman sya sa mga ginagawa nito dahil kay Devon.
Safe naman nakarating ng Masbate si Kisses. Namiss nya ang fresh air sa kanilang lugar. Agad tinext ni Kisses ang kanyang parents pati na rin si Devon na sya lamang nakakaalam ng tunay na reason.
Ginawa ni Kisses maging busy sa loob ng maghapon pero hindi nya maitatanggi na namimiss nya ang kanyang mga kaibigan lalo na si Donny.
"Ang hirap. Haaayy! Masasanay din ako. Kaya ko'yo." sabi ni Kisses habang nakaharap sya sa dagat at hinahampas ng hangin ang kanyang mukha.
Habang ineenjoy nya ang stay sa Masbate ay nakikibalita pa rin sya kay Devon pero kapag topic about kay Donny na ay umiiwas na sya at sinasabing busy sya at may gagawin pa.
"Best! Kailan balik mo dito?" agad na tanong ni Devon kay Kisses over the phone.
"Hindi ko pa alam best pero parang mas gusto ko na dito." totoo naman na sanay sya sa buhay probinsya kaya okey lang na doon na sya magstay pero miss na nya ang mga kaibigan nya lalo na si Donny na hanggang ngayon ay hindi pa nya nakakausap after ng nangyari sa hotel.
Kisses blocked Donny's number at nagdeactivate din sya sa lahat ng kanyang social media accounts para hindi sya macontact nito.
"Hindi mo ba kami namimiss?" pagpapaawa ni Devon.
"Namimiss syempre pero alam mo naman diba? I badly need this para huminga. Hahanapin ko muna sa sarili ko best. At kapag natagpuan ko na ito, mamahalin ko muna ito hanggang sa maging buo na ulit ako." mapait ang ngiti ni Kisses kahit hindi ito nakikita ni Devon sa kabilang linya.
"Oh tama na ha? Baka umiyak ka na naman. Actually tumawag kasi ako best. Malapit na kasi concert ng LANY eh di ba favorite mo yun? May extra ticket ako eh. Gusto mong sumama?" tanong ni Devon.
"Ha? Malapit na ba? Anong date na ba?" she checked her phone calendar at shoot! May one week na lang pala before the concert.
"Oo, kainis ka! Hindi ka kasi nag-oonline. Ano gusto mo ba? VIP ito sige ka. Sayang naman." pang-iinggit ni Devon kay Kisses.
"Wait! Paano ka nakakuha eh di ba sold out na yan? Tapos VIP pa? Lakas mo din eh noh? At wait! Lilipad ako para dyan tapos babalik ulit ako after?"-Kisses.
"I have my source best! Ano na? Ako na bahala sa plane ticket mo basta sumama ka na."-Devon.
"Pag-isipan ko." tipid na sagot ni Kisses.
"Wag mo ng pag-isipan. Book ko na plane ticket mo sa Thursday ang flight para makapahinga ka tapos Friday yung concert, okey na?"-Devon.
"Ahhh, sige. Wait! Sino-sino tayo?" tanong ni Kisses dahil natatakot syang mag-krus ang landas nila ni Donny.
"Tayong mga girls lang pati gustong sumama nila Ella, Hanna at Sola. Okey lang ba? Don't worry wala doon si Donny." bigay assurance ni Devon sa kaibigan.
"wow! Talaga kasama sila? Naexcite naman ako. Sige, count in me. Miss ko na kayo pati silang lahat. Bayaran ko na lang pagdating ko dyan ang plane at concert ticket." excited na sagot ni Kisses.
"Yes! So okey na ha? Wag mo na muna intindihin yung mga gastos. Madami tayo nyan. Hahahaha oh sya, goodnight na. Paganda ka ha? Malay mo nandun na pala prince charming mo. Bye best! See you soon." Devon ended the call with a clue.
Napangiti si Kisses habang nagpapaalam kay Devon sa kabilang linya at sobrang naexcite sya sa mga mangyayari.