Sa wakas solve na lahat ng problema ni Donny. Now it's time para tapusin naman nya ang pustahan nila ni Kisses.
After the debut ay may after party pa si Kisses, ito ang regalo ng family ni Donny sa kanya.
Kaya naman ang ilang mga kaibigan nila at mga pinsan nila Donny at Kisses ay naiwan pa para sa after party ng dalaga.
Nagkakasayahan ang lahat. May kantahan at sayawan pa. May konting mga alocoholic beverages din pero hindi naman ito yung hard liquors.
Sobrang saya ng barkadahan ni Kisses dahil sa pangunguna nila Jerome at Elmo. Puro kalokohan kasi mga pinaggagagawa nila.
Samantalang si Donny ay nagpalit ng damit at ganun din si Kisses para sa party. Bumaba agad si Donny sa mga kaibigan habang si Kisses naman ay nasa taas pa at nagbibihis pa upang makakilos ng maayos.
Agad nilapitan ni Donny si Shar at sinama sa circle of friends nila ni Kisses. Okey na naman si Shar sa mga boys pero sa mga girls ay wala pa syang naieexplain sa mga ito. Naisip na din ni Donny na good opportunity ang pag-invite nya kay Shar, para masabi na rin nya sa girls na okey na sila ni Shar.
Lingid sa kaalaman nila na napapanood ni Kisses ang nangyayari mula sa itaas. Pababa na sya noon ng makita nya na pagkababa ni Donny ng hagdanan ay agad itong nagpunta kung saan nandoon si Sharlene.
"Ang ganda naman ng regalo mo sa akin Donny." bulong ni Kisses sa kanyang isipan.
Kaya pala palagi ang tanong nito kung invited ba si Shar sa kanyang debut. Si Shar din ang reason kung bakit muntik na ma-late si Donny sa kanyang debut to think na escort nya ito at boyfriend nya "kuno" pero mas inuna si Sharlene.
Ang sakit lang sa part ni Kisses. Sobrang sakit na parang may kung anong humiwa sa kanyang puso pero dahil ayaw nya ipakita ang sakit ay bumaba sya ng hagdan na parang walang nangyari.
"Hi Love." bati ni Donny kay Kisses ng makita nya ito sabay halik sa pisngi.
Yumakap naman si Kisses kay Donny dahil sa tindi ng selos nya sa dalawa.
"Hi Kisses, happy birthday. Sorry for being a gate crasher." tipid na ngumiti si Shar sa dalaga.
"No problem. Lahat naman ng FRIEND namin ni Donny is invited, so don't be bothered." emphasizing the word friend, Kisses smiled at Shar at bahagyang lumayo kay Donny.
Nagpatuloy ang party ni Kisses. Magkakasama sila ngayon sa isang table. Magkatabi sina Kisses at Donny. Sa left side naman ni Kisses ay si Devon at si Shar naman ay nasa pagitan nila Jerome at Elmo.
"Baka gutom na kayo. Kuha akong food." Donny volunteeered.
"Love, anong gusto mong kainin?" tanong ni Donny kay Kisses na may kasamang lambing.
"Salad na lang, medyo busog pa kasi ako. Thank you." sagot ni Kisses kay Donny.
"Ikaw Shar? Baka may gusto ka pang kainin?" tanong ni Donny na kinagulat ng mga girls.
Agad namang umiling si Shar at nagpasalamat kay Donny. Nag-excuse si Donny sa barkada nila at hinila si Jerome para samahan sya sa buffet table.
"Naku Kisses! Naiinis na ako ah? Awatin mo ako." nanggigigil na bulong ni Devon kay Kisses.
Tipid na ngumiti lang si Kisses kay Devon at nagpatangay na lang sa mga nangyayari.
Samantalang sila Donny at Jerome ay lumabas upang i-set up na ang mini-garden ng hotel.
Napagplanuhan nang lahat ito ni Donny. Ititigil na nila ang pagpapanggap at magtatapat na sya ng tunay nyang pagmamahal kay Kisses.
Si Kisses naman ay tuloy lang ang pakikinig sa mga kaibigan na para bang walang nangyari kanina na tensyon. Tahimik na lang sya at nagmamasid sa mga ito at kung minsan ay nakikitawa.
Mahirap pala magpanggap na hindi ka nasasaktan pero ang totoo ay ang sakit-sakit na. Gusto na nya madaliin ang mga oras para makaalis na sa lugar na ito. Ayaw naman nyang bastusin ang mga kaibigan at magpaalam na lang dahil alam nyang busy ang iba sa mga ito ay nagbigay pa rin sila ng oras para sa kanya.
Pilit kinakalma ni Kisses ang kanyang sarili at agad naman itong napansin ni Devon. Gusto nyang saklolohan si Kisses sa mga nangyayari. Hindi pa rin nabalik sila Jerome at Donny mula ng umalis ang mga ito, kaya naisipan ni Devon na ayain si Kisses sa garden.
"Best, samahan mo ako sa garden medyo naiinitan ako dito eh. Pahangin lang tayo medyo mainit dito eh." tumayo si Devon at nagpaalam sya sa mga barkada pati na rin kay Kiko.
Sumunod naman si Kisses at nagpaalam sa mga kasamahan sa table nila. Derecho sya sumunod kay Devon sa may garden.
Hindi si Devon ang tunay na nangangailangan ng hangin kundi si Kisses.
Pagtapak pa lang ni Kisses sa garden ay bumuhos na ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Sa sobrang habag at awa nya sa sarili ay halos hindi na sya makahinga pa.
Sobrang awa ni Devon kay Kisses kung pwede lang hatian nya ito sa sakit na nararamdaman nya ngayon ay ginawa na nya.
Ang tanging nagawa na lang nya para sa kaibigan ay yakapin ito ng sobrang higpit at hayaang ilabas lahat ng bigat na kanyang nararamdaman.
Halos mailabas na ni Kisses lahat ng kanyang mga luha habang nakayakap pa rin kay Devon na naiiyak na rin dahil sa nangyayari.
Napakalas lang sa pagyakap si Devon kay Kisses ng magring ang kanyang cellphone.
"Devs, saan kayo ni Kisses? Hinahanap na sya ni Donny." sabi ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si Jerome.
"Sabihan mo pabalik na kami dyan. Nag-CR lang." sagot ni Devon at nag-aalala na baka marinig ni Jerome ang hikbi ni Kisses sa kanyang tabi.
"Devs, pakausap naman kay Kisses. May sasabihin lang ako." singit ni Donny sa kabilang linya.
Napatingin naman si Devon kay Kisses at mukhang hindi pa talaga maayos ang kanyang kaibigan kaya naman tumanggi ito at sinabing pabalik na sila dahil nasa loob pa ng cubicle si Kisses dahil sumama ang tiyan.
"Okey lang ba sya? Gusto nya bang umuwi na? Wait, puntahan ko kayo. Wag kayong aalis dyan." pinatay na ng nasa kabilang linya ang cellphone.
"Best, papunta na si Donny dito. Ayusin mo muna sarili mo. Need mong kumalma." bilin ni Devon kay Kisses.
Agad namang huminga si Kisses ng malalim at niyakap muli si Devon.
"Thank you best for always saving me from heartache." sabi ni Kisses sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"I just can't help but to cry everytime I see Donny na masaya na kasama si Shar. Bakit ganun? Sobrang sakit. Ang sakit-skit best. Bakit kasi sumugal pa ako kung alam ko sa huling ako din ang matatalo?" mas hinigpitan nya ang yakap sa kanyang kaibigan.