"Hey Love, bakit ka naiyak?" worried na tanong ni Donny and he wiped the tears of Kisses.
"Wala, sobrang saya ko lang talaga. Thank you Love." Kisses hugged Donny very tight. Ganito lang si Kisses kapag gusto nya magpasalamat kay Donny. Hindi nya kasi maexpress nararamdaman nya kaya naiyak na lang sya.
"Wala yun Love. Diba nga sabi ko sa'yo let's enjoy the moment na tayong dalawa. So, okay ka na? Uwi na tayo? Baka mapalo ka ni Tita at ayokong masira sa usapan namin." inayos ni Donny si Kisses at nagstart na ulit sa pagdrive.
Samantalang si Kisses para malibang ay nagcheck sa playlist ng binata. Kinilig sya kasi may playlist ito na nakapangalan sa kanya. "Kristen 💖💖💖" she scrolled the content puro love song. She played "Aking Prinsesa" nakakagoodvibes kasi ito. Actually kabaligtaran ito ni Donny, na kay Donny na kasi lahat at lahat ng ito ay binahagi nya sa dalaga.
Nakarating sila ng bahay nila Kisses pass 10 pm na pero updated naman ang Mommy ni Kisses kaya hindi naman ito nagalit.
Nagpakita lang sandali si Donny kina Mommy C at Kiko na gising pa pareho at naghihintay kay Kisses.
"Tita and bro, thank you po for allowing Kisses na sumama sa akin ngayon."-Donny
"Wala yun bro at thank you rin kasi pinapasaya mo sya lagi. Una na ako sa taas. Goodnight everyone." tapik ni Kiko kay Donny and he kissed Kisses and Tita C bago ito umakyat sa taas.
"Thank you Donny for taking care and making Kisses happy. Tumapad ka din sa usapan kaya kampante ako kapag kasama ka ng anak ko. It's getting late na rin, may meeting pa ako bukas. Una na akong matulog sa inyo. Ingat ka sa biyahe hijo. Goodnight." tinapik din nito si Donny at nagbeso kay Kisses at umakyat na rin sa taas.
Hinatid naman ni Kisses si Donny sa labas ng bahay nila.
"Pasok ka na Love. Ok na ako dito." sabi ni Donny.
"Sakay ka muna sa car mo para alam ko safe ka na tapos papasok na rin ako sa gate."- Kisses.
"Ok po boss." sumunod naman si Donny.
Samantalang nakatalikod na si Kisses para buksan ang gate ay tinawag sya ni Donny.
"Love!" nagmamadaling bumaba ulit si Donny.
He grabbed Kisses at pagharap nito ay niyakap nya ito ng mahigpit. Ilang minuto silang magkayakap. Walang umiimik tanging mga heart beat lang nila ang kanilang naririnig. Wala silang pakialam sa mundo. Ang importante magkasama silang dalawa. Masaya silang dalawa sa piling ng isa't isa.
Kumalas sa yakap si Donny at tinitigan si Kisses. Samantalang si Kisses ay sobrang kabado. Ito na ba hinihintay nya? Yung pinagdadasal nya sa gabi na sasabihin ni Donny na mahal sya nito at itigil na ang pagpapanggap.
Si Donny naman ay nakatitig lang sa magandang mukha ng dalaga. Ang dami nyang gustong sabihin pero natatakot sya. Takot sya na kapag umamin sya ay magalit si Kisses sa kanya dahil sya mismo ang sisira sa usapan nilang pagpapanggap lang ang lahat. Hindi na nakatiis si Donny, mahal na nya ang dalaga kaya sana wag itong magalit sa gagawin nya.
Nilapit ni Donny ang kanyang mukhang kay Kisses. He kissed her forehead, yung dalawang pisngi ni Kisses at ang ilong nito. Napatigil si Donny kay Kisses at titig na titig sa dalaga. Walang kumukurap na parang kinakabisa ang bawat parte ng kanilang mga mukha. Si Kisses naman ay sobrang kaba at excited. Magkahalong kilig at panlalambot ang kanyang nararamdaman at this moment.
Dahan-dahang yumuko si Donny. Bahala na kung sampalin sya or magalit ito sa kanya. Ang tanging gusto lang nya ay maramdaman ng dalaga na mahal na mahal nya ito.
Isang hibla na lang ang pagitan nila hanggang sa nagdikit ang kanilang mga labi. Unang dampi ng kanilang mga labi ay parang ilang milyong kuryente ang hatid para sa kanilang dalawa.
It was their first kiss. It was magical and it was real. Ramdam nila yon. Ramdam nila ang pagtugon ng bawat isa ay galing sa puso at hindi sa kung ano pa man. It lasted for a minute.
Hindi makatingin si Kisses kay Donny at namumula ito. Sobrang kaba nya. Para syang sasabog sa kanyang nararamdaman.
Si Donny naman ay nag-aalinlangan. Hindi nya alam kung magsosorry sya sa dalaga pero dahil sa kinikilos nito ay naconfirm nya na nagustuhan din ito ng dalaga.
"Love, I'll go ahead. Pasok ka na at lumalalim na ang gabi."
Tango lang ang sagot ni Kisses at tumalikod na ito kay Donny. Nabigla yata sa first kiss nila ni Donny.
Again Donny called her. And yumuko ulit si Donny. Akala ni Kisses hahalikan ulit sya nito pero may binulong ito sa dalaga.
"Dream of me tonight Love." yung bulong na sobrang lambing na makakapagpahina ng tuhod ni Kisses.
Hindi na nakasagot si Kisses dahil nakaalis na ang binata. Dali-dali syang pumasok ng may ngiti sa labi. Pagpasok nya sa kanyang kwarto ay tumingin sya sa salamin. Hinawakan nya ang kwintas na galing kay Donny.
Nagulat sya sa kanya reflection dahil namumula sya bukod dito ay parang ang blooming nya. Ito ba ang hatid ng pag-ibig sa kanya? Then she touched her lips, sobrang kinilig sya. Nagtitili sya sa loob ng kanyang kwarto. Nagwalling sya at nagpagulong-gulong sa kanyang kama. It's her first time na makiss sa lips.
"Ganun pala ang feeling para akong nasa cloud 9. Haaaayyy Donato! Binabaliw mo ako." nakatulugan na ni Kisses ang kanyang kilig habang hawak ang pendant sa kanyang kwintas na bigay ni Donny