Naging mainit ang palitan ng shooting ng dalawang team. Both teams deserve to be in the championship dahil sa galing nila pareho.
Sa sobrang intense ng laro ay nagkakasakitan na both teams pero alam naman nila na laro lang iyo kaya naman they did all their best para maipakita ang kanilang mga galing sa hard court.
"Go Donny!" sigaw ng mga kababaihan. Schoolmates nila na kahit na alam na may girlfriend na ang binata ay hindi yata uso ang salitang suko sa mga ito.
Samantalang si Kisses ay nasigaw lang kapag nakakaagaw ng bola at nakakashoot si Donny. Although may dalang pompoms ang dalaga.
"Go Love!!!!" sigaw ni Kisses. Hindi na nya napigilan ng mapaupo si Donny dahil sa higpit ng bantay ni Ricci dito.
Napatingin naman pareho ang dalawang binata kay Kisses.
"Girlfriend mo?" tanong ni Ricci habang tinatayo si Donny.
"Oo, bakit may problema?" angas ni Donny kay Ricci.
"Chill bro! Nagtatanong lang. Hahaha" taas ni Ricci ng dalawang kamay na parang sinasabing surrender sya.
Pinaupo muna si Donny sa beach upang makapagpahinga. Ang sama ng tingin nito kay Ricci kahit na nasa bench sya. Agad naman itong napansin ni Jerome.
"Bakit ka ganyan? Inano ka nung lalaking yun?" tanong ni Jerome kay Donny.
"Tinanong kung girlfriend ko daw si Kisses. Sabi ko oo." inis na sagot ni Donny.
"Oh? Nagtanong lang naman pala eh. Anong masama dun?" takang tanong ni Jerome.
"Alam ko mga galawan ng mga ganyan. Tatanungin kunwari tapos papakilala tapos aagawin sa akin girlfriend." naiiling na sabi ni Donny.
"Para kang tanga! Hahahaha ang lala mo bro. OA ha? Nagtanong lang pati sa tingin mo papaagaw ng ganun si Kisses?" tumabi na sya kay Donny.
"Eh kasi tol. Ayoko ng may nagtatanong about kay Kisses."-Donny
"Dapat nga proud ka kasi si Kisses inaadmire ng lahat. Oo friendly si Kisses pero wala ka bang trust sa kanya? Alam mo tol baka sa kakaganyan mo masakal ang girlfriend mo. Ikaw din bahala ka. Kami nga na kaibigan mo minsan pinagseselosan mo pa. Hahaha wag ganun. Hindi healthy yun sa isang relasyon." payo ni Jerome.
May point naman si Jerome kaya naman medyo nagchill si Donny sa mga nangyayari.
Napalingon naman si Donny kay Kisses at nakita nya na nakatingin din sa kanya ang dalaga at nag-thumbs up ito. Meaning he's doing great at ngumiti ng ubod tamis ang dalaga. Isa pa sa weakness ni Donny ang pagngiti sa kanya ni Kisses. Feeling nya special na lalaki sya kapag ganun si Kisses sa kanya. Imagine sa dami ng lalaki sa arena sa kanya lang ganun si Kisses. Napakaswerte naman talaga nya sa dalaga kaya naman seseryosohin na nya ito.
Bumalik sa laro si Donny at medyo nagchill din ito kaya maganda ang naging bunga ng laro nya. Lumamang na sila ng todo sa UP pero ayaw nila pakampante dahil ang UP ang tinaguriang "Come back team" sa sobrang galing ng mga itong humabol sa mga puntos ng nagiging kalaban nila. Pero hindi nagpadaig sila Donny at sila nga ang nagchampion.
Puro sigawan at cheer ang maririnig sa buong Arena. After 10 years nagchampion ulit ang UDM sa basketball kaya ganun na lang ang tuwa ng mga students lalo na ang mga player. Binuhat pa nila Donny ang kanila coach habang inaannounce ang pagiging champion nila sa nasabing laro.
Pagkaannounce nila ay nagmamadali si Donny na puntahan si Kisses. Nagkaroon din ng award si Donny isa sya sa "Mythical Five" ng nasabing laro at "Rookie of the Year" din sya kaya naman sobrang proud na proud si Kisses sa binata.
Tinuro pa nga ni Donny si Kisses afted nitong sabitan ng medal. Lumapit si Donny sa dalaga at hinubad ang kanyang medal at isinabit sa dalaga. Hindi naman magkandamayaw sa tilian ang mga nakakita sa sweetness ni Donny sa dalaga. Napayakap na lang si Kisses kay Donny. Kiniss naman ni Donny si Kisses sa noo habang yakap pa rin ang dalaga.
Nagcelebrate sandali sa dug out ang mga binata at nagkanya-kanya na ng uwi ang mga ito. Panigurado kinabukasan ay walang pasok at puro celebration lang ang mangyayari sa kanilang campus.
Paglabas nila Donny, Jerome, Elmo at Kiko ay basang-basa sila dahil pinaliguan sila ng mineral water. Agad namang sinalubong ng mga girls ang mga boys.
"Magcelebrate pa ba tayo? Or sa weekend na since sembreak na naman eh." tanong ni Jerome na nagpupunas dahil para itong naligo paglabas ng dug out.
"Sa weekend na lang para bago tayo magbakasyon ay nakapagcelebrate na tayo." sang-ayon ni Elmo.
"Saan nyo ba gusto?" tanong ni Donny.
"Sa Quezon tayo. Villa Escudero?" suggestion ni Devon.
"Nature tripping na may kasamang swimming at foodtrip?" nagniningning ang mga mata ni Kisses.
"Go ako basta kasama si Love." sagot agad ni Donny.
"Ayan! Ayan tayo eh." sagot naman ni Elmo.
"Tumahimik ang walang jowa." sabat ni Jane.
"Wow! Meron ka? Meron ka?" depensa ni Elmo.
"Akala mo lang wala pero meron, meron meron." irap ni Jane.
"Oy! Bakit hindi namin yan kilala ha?" tanong ni Devon.
"Kwento ko sa girls bonding." sagot ni Jane.
"So, Villa Escudero ha? Bawal ang drawing." sagot ni Sophia.
At napagdesisyunan nila ang lakad nila ng Saturday para Sunday ay family day na at since All Souls day at All Saints day na the other week kailangan na nilang matuloy ito dahil after that enrollment naman nila.
Sumabay si Kisses kay Donny pag-uwi gaya ng nakagawian nila. Sina Devon at Kiko naman sa kabilang sasakyan. Sina Jerome at Elmo, Jane at Sophia naman ang magkakasabay since isang way lang silang apat dahil dadaan pa si Jerome sa girlfriend nitong si Mika na hindi nakanood ng game dahil final exam nito.