"Nanang, magpapaalam lang po ako." bungad ni Kisses sa kanilang katiwala.
"Saan ka pupunta? Babalik ka ng Manila? Okey ka na ba anak?" nag-aalalang tanong ni Nanang sa akin.
Wednesday morning ng mapagdesisyunan kong bumalik na talaga sa Manila. Magpapaalam ako kay Nanang na babalik na ako upang harapin ang lahat.
Nakapag-isip kasi ako sa loob ng isang Linggo na pamamalagi sa Masbate. Hindi ko dapat talikuran ang mga tao na nagmamahal sa akin nang dahil lang sa nangyari sa amin ni Donny. I need to face them at alam kong hindi maiiwasan na makita ulit sina Donny at Shar pero nandoon na yun kailangan ko lang ng acceptance at mukhang kaya ko na naman.
"Opo Nanang, kailangan po natin harapin ang lahat at bukod po doon Nanang ay may isang event po kasi ako na kailangan na puntahan. Ayoko naman po tumigil ang mundo ko nang dahil lang sa nangyari." ngiti ni Kisses sa matanda.
"Tama yan anak. Minsan kailangan mong harapin ang lahat. Hindi ka dapat matakot dahil kapag nagmahal ka naman ay dapat wala kang hinihintay na kapalit. Kung hindi man ganun ang nararamdaman ni Donny sa'yo atleast natuto ka namang umibig ng tunay. Hindi ka pa rin naging talo sa dulo." niyakap sya ni Nanang.
Si Nanang ang nagpalaki sa mommy ni Kisses at mula noon hanggang ipinanganak at lumaki si Kisses ay nandoon pa rin ang matanda sa kanila.
"Anong oras ba ang alis mo?" wika ni Nanang na naghahanda ng almusal.
"Flight ko po ng 5 pm Nanang. Sunduin po ako ni Devon sa airport." paliwanag ni Kisses habang nasa hapag-kainan sila.
"Oh sya! Bilisan mo na ng maayos mo na mga gamit mo. Dito ka na din magtanghalian, aabot ka naman sa airport at maaga pa naman yun." hinalikan sya ni Nanang sa noo.
Napakabait talaga ng Nanang nya kaya nung umuwi sya dito a week ago, nagulat ito. Dahil nga kilala sya ng matanda ay nakwento nya ang problema nya kay Donny.
"Sabayan mo na po ako Nanang para naman kayong iba eh." umupo sa tapat na upuan si Nanang at nagsimulang mag-almusal ang dalawa.
"Anong oras daw Devs?" pangungulit ni Donny kay Devon habang nakatambay sila sa balcony nila Donny sa Laguna.
"Susuntukin na talaga kita. Ang kulit mo rin eh noh? 5 pm ang flight, siguro mga 7 pm po sir. Ok na po ba?" sarcastic na sagot ni Devon sa binata.
"Bro, umupo ka nga. Parang kang natatae dyan eh." binato ni Jerome si Donny para tumigil sa kakalakad si Donny.
"Bro, ang tagal kong tiniis na hindi sumunod kay Kisses upang makita sya tapos hindi ko rin nakakausap pa. Bro, sobrang miss ko na ang Love ko." madamdaming sabi ni Donny.
"Ano pang hinihintay mo? Magbihis na kayo at bumalik na tayong Manila para masundo na ang pinsan ko." sabi ni Kiko sa kanilang lahat.
Naghanda na ang lahat para sa plano nila para kina Donny at Kisses. All set na ito. Gusto ding sumama ng pamilya ni Donny kaya wala na rin silang tutol ay dahil sagot ng mga ito ang concert tickets nilang lahat dahil sa maraming connections ang father ni Donny.
Sabay-sabay na silang naglunch sa bahay nila Donny at napag-isipan na magswimming muna bago sunduin si Kisses, mga 7 pm pa naman ang arrival nito so may oras pa sila para makapagrelax.
Kahit na nagkakasiyahan sila, makikita mo sa mata ni Donny ang kabang nararamdaman. Napansin ito ni Mommy Maricel at umakbay sa anak.
Napag-usapan na nila ang buong nangyari. Noong una nagalit sila dahil hindi naging totoong lalaki si Donny kay Kisses pero naintindihan naman nila ang binata kaya sinuportahan na nila ang kanilang anak nang malaman ang plano nito.
"Kaya mo yan anak. Kung ano man maging decision ni Kisses, tanggapin mo ng maluwag sa puso pero ramdam ko na special ka rin kay Kisses kaya sana maayos nyo na yan." ngiti ni Mommy Cel kay Donny.
"Thank you Mom." yumakap si Donny sa kanyang ina.
Samantalang si Kisses after ng kanilang lunch ni Nanang ay nagpaalam na sa kanilang mga relatives at nagmamadaling pumunta ng airport.
"Yoy! Dahan-dahan at baka madapa ka. Hindi ka naman iiwan ng eroplano." pahabol ni Nanang kay Kisses dahil sa pagtakbo nito sa saksakyan sa kanilang garahe.
"Nanang, excited lang po akong mapanood ang LANY." kilig na sabi ni Kisses.
"Ayun nga lang ba?" tanong ni Nanang.
"Syempre! Miss ko na sila pati sina Mommy at Daddy." sagot ni Kisses at nagmano na kay Nanang at humalik sa pisngi at niyakap muli ang matanda.
"Basta ng bilin ko ha? Pakinggan mo muna si Donny. Buksan mo ang puso at isip mo sa mga sasabihin nya. Masakit man ito o hindi dapat ay maluwag mo itong tanggapin." paalala ni Nanang kay Kisses.
"Salamat Nanang. Makakaasa po kayo. Ingat po kayo dito ha? Dadalaw po ulit ako dito." tuluyan ng pumasok si Kisses sa sasakyan.
Maaga syang nakarating ng airport. Tinext na rin nya si Devon at sinabing malapit na syang magboarding.
"Oh, nasa airport na si Kisses." announce ni Devon dahil nasa isang van lang silang magkakaibigan kasama sina Ella at Hanna. Samantalang si Sola ay nasa kabilang sasakyan naman kasama ang parents nila.
"Kuya Manny, pakibilisan nga po." biglang utos ni Donny sa driver nila.
"Hoyy! Kalma ka nga. Baka mapaano tayo. Mauuna pa tayong makarating kay Kisses sa NAIA." saway ni Ella sa kapatid.
"Sorry na excited lang akong makita sya." pabulong na sagot ni Donny.
"Ang tanong. Excited ba sya na makita ka?" biro ni Jerome at nagtawanan silang lahat.
"Ayan! Ganyan kayo eh noh? Akala ko supportive tapos nanlalaglag sa dulo. Tsk!" reklamo ni Donny sa mga kaibigan.
"Ikaw naman kasi may kasalanan." sabi ni Elmo.
"Oo na. Ulit-ulitan? Sakit nyong magsalita." tumahimik na ng tuluyan si Donny.
Deserve naman nya naman kasi yun pero nasaktan din naman sya pero mas higit si Kisses kaya babawi talaga sya sa dalaga.
Naunang dumating sila Donny at ang parents nya sa NAIA, kaya naman agad na lumipat si Donny sa sasakyan ng parents nya dahil si Kisses ay sa van nila sasakay.
"Makikita na kita Love, konting oras na lang. Sana mapatawad mo ako. Gagawin ko ang lahat wag ka lang ulit umalis dahil sa isang Linggo pa lang na wala ka parang hindi ko na kayang mabuhay pa." wika ni Donny sa kanyang sarili.