Part 40

523 27 2
                                    

Sobrang amazed at kitang-kita sa mga mata ni Kisses ang sobrang kaligayahan ng bumaba sya ng sasakyan at makita ang entrance ng Enchanted Kingdom. Isa sa mga dream date nya ay sa Theme Park.

Pigil ang kilig at ngiti ni Kisses dahil sa excitement. Samantalang si Donny ay nakatitig lang kay Kisses. Sobrang naaaliw sya sa dalaga kung sa ibang babae siguro nabadtrip na sa kanya dahil dito nya dinala sa Theme Park kaya nga iba si Kisses sa lahat. Nag-iisa lang si Kisses para sa kanya.

"Tara na sa loob para masulit natin yung oras." nauna na si Donny na playing cold pa rin sa dalaga.

Alas-tres na ng hapon ng dumating sila sa Enchanted Kingdom. Nag-drive thru na lang sila sa Mcdo para sa kanilang lunch kaya naman medyo nasa kondisyon na sila para i-try lahat ng rides.

Mapapansin pa rin ang cold treatment ni Donny kay Kisses pero hindi naman nya pinababayaan ang dalaga at lagi pa rin syang nakaalalay dito.

Sobrang nasulit nila ang lahat ng rides dahil weekdays kaya wala masyadong tao sa mga rides. Nagpicture silang dalawa at mapapansin ang sadness sa mata ni Donny. Nakangiti man ito ay hindi pa rin naabot sa kanyang mga mata.

Last ride na, sinubukan nila ang Wheel of Fate. Isa itong malaking ferris wheel na tanaw ang SLEX at ilang bahagi ng Sta. Rosa. Dahil nga gabi na puro ilaw na lang ang kanilang nakikita.

Natuwa naman si Kisses dahil sobrang ganda ng mga ilaw para itong mga stars sa kanyang paningin na nagniningning.

"Ang ganda." hindi na napigilan ni Kisses ang kanyang sarili.

"Oo nga, sobrang ganda." sabi ni Donny na nakatitig kay Kisses.

Napalingon ang dalaga sa binata at nagtama ang kanilang mga mata. Agad namang lumihis ng tingin si Donny.

"I'm sorry Kisses." malungkot na simula ni Donny.

"Ha? Para saan?" takang tanong ni Kisses.

"Sorry kasi nadadamay ka pa. Sorry kung hindi mo magawa ang gusto mo." tahimik lang si Kisses na nakikinig.

Hindi alam ni Kisses kung anong sasabihin nya or anong mararamdaman nya that time. May nararamdaman syang may kakaiba kay Donny pero hindi nya maexplain at natatakot sya na magpatuloy pa ito sa kanyang sinasabi.

"Kung nakakadagdag pa ako sa stress mo dahil hindi mo magawa ang gusto mo or naiipit ka, pwde na naman natin itong itigil." napiyok na paliwanag ni Donny.

"Just do what you want to do. Gusto ko makita kang masaya." napalunok si Donny dahil sa pagpipigil ng luha.

"Dahil ba sa pictures?" curious na tanong ni Kisses.

Wala namang siyang ginawang masama sa pictures para mag-isip ng kung ano-ano si Donny. Oo, hindi sya nagsabi na nakita nya si Niel at kumain sila pero lahat ng iyon hindi nya sinadya at never nya niloko si Donny kung iyon ang naiisip nito.

"Hindi Kisses. Ayoko lang mahirapan ka makisama sa ibang tao ng dahil sa akin. Ako ng bahala sa barkada kung sakaling magtanong sila ng tungkol sa atin." hindi makatingin na sabi ni Donny kay Kisses.

"I'm sorry. Sorry kung iniisip mo na may something sa amin ni Niel. Sorry kung hindi ko nasabi agad sayo na kasama ko sya kahapon. Pero Donny, maniwala ka wala akong intention na magsinungaling or itago yun sayo. Hindi ko lang naisip na magiging big deal pala yun sayo. I'm sorry." tuluyan ng umiyak si Kisses.

Dahil sa nakita at narinig ni Donny na pag-iyak ni Kisses bigla syang natauhan. How he could hurt this woman? Ang babaeng simula ng dumating sa kanyang buhay ay nagbigay kulay. Lahat ng katangian ng isang babae na gusto nya ay na kay Kisses na, kaya naman agad nahulog ang loob nya dito kahit sa maigsing panahon pa lamang ng pagkakakilala nila. Ngayon pa ba nya bibitawan ang isang taong matagal na nya pinapangarap?

Agad lumapit si Donny kay Kisses at niyakap nya ang dalaga ng sobrang higpit. Hindi nya kayang makita si Kisses na nasasaktan at ayaw din nya gumising kinabukasan na hindi na sila ni Kisses kahit sabihin sila ay nagpapanggap lang. Mahal na mahal na nya ang dalaga kahit lahat ng ito ay palabas lang.

"Ssshhhh! Don't cry Kisses, please. Sorry, I'm sorry. I'm so sorry." yakap-yakap pa rin nya ang dalaga habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.

Hindi nya na alam ang gagawin dahil hindi na nya mapatahan ang dalaga. Kasabay ng paghagulgol ng dalaga ay ang simula ng fireworks. Mula sa taas, kitang-kita nila ang ganda ng mga nagliliparan na mga paputok. Subalit hindi magawang ienjoy ni Kisses.

Hinuli ni Donny ang mga mata ng dalaga.

"I'm sorry Love. Sorry sa mga nasabi ko. It's just that I don't want to see you with other guys." finally nasabi na ni Donny ang hindi nya masabi sa dalaga. Nagseselos lang sya alam nya pero wala syang balak makipaghiwalay kay Kisses pero nagpatalo sya sa selos.

Nagtaka naman si Kisses at napatitig sa binata na namumula sa hiya.

"Anong sabi mo?" tanong ni Kisses kay Donny.

"Sabi ko ayokong makita kita na may kasamang ibang lalaki." nahihiyang sabi ni Donny at sumubsob sa balikat ni Kisses.

Natawa naman si Kisses sa inasal ni Donny at agad syang gumanti ng yakap. Buong akala nya itong gabing ito na ang magiging una't huling memorable experience nya kasama ang binata, mukhang hindi pala.

Matapos ang emosyonal na paliwanagan. Magkasama ang dalawang nanonood ng fireworks habang sakay ng Ferris Wheel. Bago sila bumaba ay hinalikan ni Donny sa noo si Kisses.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon