Part 29

553 28 2
                                    

"Kisses, wake up!"

Naalimpungatan si Kisses ng may maramdaman syang tumatapik sa kanyang pisngi.

"Hmmm Kuya, maaga pa naman ihh." inaantok na sabi ni Kisses.

"Maaga pa nga pero maaga din kasi bisita mo."-Kiko

"Si Devs ba? Sabihin mo sa school na lang ako hintayin."nakapikit sa sabi ni Kisses.

"Hindi si Devs, kundi si Donny. May dala pa nga breakfast. Kaya bilisan mo dyan at lalamig na ang food." umalis na si Kiko.

Namulat bigla si Kisses hindi dahil sa food kundi dahil kay Donny.

"Anong ginagawa ng mokong na yun dito? Eh ang aga-aga pa." tiningnan nya ang kanyang relo.

"Bro, pababa na si Kisses. Bakit ang aga mo yata?"-Kiko

Hindi agad nakasagot si Donny dahil napansin nito na pababa ng hagdan ang mommy ni Kisses. Ang daddy naman ni Kisses ay hands on sa businesses nila sa Masbate kaya sina Mommy Carie at Kiko lang ang kasama ni Kisses sa bahay.

"Good morning po Tita."bumeso at nagmano si Donny sa Mommy ni Kisses.

"Ang aga mo naman hijo. Upo ka. Anong sadya mo? May lakad ba kayo ni Kiko?"-tanong ni Mommy Carie.

"Wala po tita. Susunduin ko lang po sana si Kisses."-Donny

Habang nag-uusap sila sa sala pababa naman ng hagdan si Kisses. Naririnig nya ang usapan sa baba at kinakabahan sya sa nangyayari kaya naman nagmamadali sya at muntik na syang mahulog ng marinig nya ito.

"Tita, wag po sana kayong mabibigla pero kami na po ni Kisses." magalang na sabi ni Donny.

"Hoy! Kailan pa? Nanligaw ka ba?" takang tanong ni Kiko. Paano hindi sya magugulat eh parang aso't pusa ang dalawa kapag magkasama tapos ngayon sasabihin nya na sila na ni Kisses.

"Long story bro, pero kahit kami na naman ni Kisses tita willing po akong ligawan pa rin sya."sincere na sabi ni Donny sa dalawa.

"Good morning mommy. Good morning Kuya. Good morning Donny. Aga mo ah?" patay malisya si Kisses sa usapan ng mga ito. Nagbeso sya kina mommy Carie at Kuya Kiko nya.

"Hindi pa ba alam nila tita?" bulong ni Donny kay Kisses nang mapag-isa na silang dalawa.

"Paano malalaman pag-uwi ko si Kuya wala pa tapos si Mommy late na yata umuwi kagabi." she explained

"Mukhang nagulat sila pero ok lang liligawan naman kita kahit tayo na."-Donny

"Hahahaha ayos ka rin magpretend eh. Akala mo tunay ah? Galawan ni Donato. Hahaha" pero deep inside kinikilig na si Kisses.

"Syempre para kapani-paniwala." Donny winked.

"Sabayan nyo na kami sa pagkain mamaya na ang lambingan." tawag ni Kiko kina Kisses at Donny.

"Tara na! Kumain ka na ba?" tanong ni Kisses as they walk towards the dinning area.

"Hindi pa nga. Aga ko nga diba para masabayan ka sa first ever breakfast natin as a couple." Donny smiled.

Namula ang dalaga sa tinuran ng binata. Sabay-sabay silang nagbreakfast.

"Donny, totoo ba sinabi mo kanina na kahit kayo na ay liligawan mo pa rin ang anak ko?"-mommy Carie.

"Yes tita and I want to apologize din po dahil hindi na ako nakapagpaalam na liligawan si Kisses. Totoo po nyan matagal ko na pong gusto ang anak nyo. Noong sinabi nya po na may chance ako, nagrab ko na po agad baka po mawala pa." sincere na sabi ni Donny at napatingin ito kay Kisses.

"Oh sya, alam ko naman na mabuti kang bata, galing sa maayos na pamilya at mabuting kaibigan nila Kiko and I also heard a lot of good things about you. So, I guess welcome to the family." ngiti na may kasamang kilig ang makikita sa mukha ni Mommy Carie.

"Thank you tita sa pagwelcome sa akin at blessing nang pagpayag na maging boyfriend ni Kisses. Don't worry po never ko po iiwan si Kisses at never ko po syang papaiyak at sasaktan. I'll love her with all my heart at I'll do my very best to make her happy."damang-dama ang pagmamahal sa bawat salita ni Donny.

"Oh sya, enjoy the breakfast. Iwan ko muna kayo at may early meeting ako."hinalikan sa pisngi ang dalawang binata at tumingin kay Kisses.

"Now you already have a boyfriend, bawasan na ang pagiging isip bata ha?" hinalikan ang anak at niyakap.

"Mom, I'm not childish." nguso ni Kisses.

Natawa lang silang tatlo habang nakatingin kay Kisses. Umalis na si Mommy Carie at naiwan ang tatlo na naghahanda na for school.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon