Nagpahinga muna ang lahat habang naghihintay ng oras. Sina Tito A ay nakatulog dahil sa pagod. Habang ang mga girls took their shower while Benj and Donny playing Mobile Legends.
After the first game, hindi na muling naglaro si Donny. Nagready na sya for the celebration later. He message Kisses.
"Love, labas tayo kahit sandali lang."-D
"Pahinga ka muna Love. Nagbobonding pa kami nila ate Ella."-K
"Mabilis lang na babe time please?" pagmamakaawa ni Donny sa message nito kay Kisses.
"After your celebration Love. I'm all yours." huli na para madelete ni Kisses ang message na yun. Double meaning ang dating sa kanya sana hindi yun mapansin ni Donny.
"Talaga Love? Woohhh! Sinabi mo yan ha? Hahaha excited na ako sa babe time natin later. Magready ka ha?" Donny teased Kisses.
"Baliw ka! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Bahala ka nga dyan." hindi na nya inintindi ang sunod-sunod na message ni Donny. She made her self busy sa pakikinig at pakikipagbond sa dalawang kapatid ni Donny.
"Ate, naalala mo si Kuya? Yung binili sya ni Mama ng chocolate tapos biglang pagtalikod ni mama nawala si Kuya. Hahahahaha" hindi napigil ni Hanna ang hindi matawa kahit para kay Kisses wala pang nakakatawa sa kwento.
"Hahahahaha lagot ka! Maririnig ni Kisses isa sa embarrassing moment ni Donny." hindi na rin mapigil ang pagtawa.
"Ano bang nangyari?" nagtataka si Kisses.
"Kasi pagharap ni Mommy wala na si Kuya, ayun pala nasa loob ng drainage canal. Sa sobrang hirap daw buksan nung wrapper ng chocolate hindi namalayan na nahulog na pala sya sa canal. Hahahaha" napagulong pa si Hanna kakapigil ng tawa.
Nadala na din si Kisses sa pagtawa ng dalawa. Sobrang dami pa nilang napagkwentuhan ng dinalaw ng antok ang mga girls.
Nagising si Kisses ng maramdaman nya na may braso na nakadantay sa kanya. Pagmulat nya ay nakita nya si Donny na nakasubsob sa likod nya at nakapatong ang binti sa kanyang binti habang ang isa nitong kamay ay nakayakap sa kanya.
"Love? Gising! 8 pm na." dahan-dahang tinanggal ni Kisses ang binti nito at humarap sya sa binata.
"Hmmm five minutes Love." at binalik ni Donny ang kanyang binti kay Kisses.
Kahit mabigat ay hinayaan na nya ang binata. Gusto na din nya sulitin ang mga araw na magkasama sila bago nya sabihin dito ang kanyang decision.
Hinaplos-haplos ni Kisses ang buhok ni Donny habang ito ay nakapikit. Marahil ay naidlip ang binata at ganun din si Kisses.
Napamulat lang ang dalaga ng makarinig ng katok sa pintuan. Agad nyang naitulak si Donny. Baka kasi kapag nakita sila sa ganung posisyon ay kung ano ang isipin ng family ni Donny sa kanya.
"Love, bangon ka na. Ang bigat mo oh?" hirap na hirap man ay natanggal ni Kisses ang binti ni Donny.
"Hayaan mo yang nakatok. Si Hanna lang yan." muling niyakap si Kisses kaya agad naman itong napahiga muli.
"Nakakahiya kasi baka kung anong isipin nila." agad tumayo ang dalaga at inayos ang kanyang itsura.
"Ang daya talaga ni Hanna sabi ko one hour babe time ihh." nakakunot noo si Donny na umupo sa kama at niyakap ang unan ni Kisses habang inaamoy-amoy.
"So wala ng babe time mamaya kapag hindi ko binuksan ang pinto?" biro ni Kisses kay Donny.
"Hindi pwde yun. Birthday ko mamaya ihh. Ako na magbubukas Love. Buong puso ko pong bubuksan ang pinto mahal na prinsesa." nagmamadali pa si Donny sa pagbubukas ng pinto ng kwarto nila Kisses.
"Anong ginagawa mo dito Kuya?" shock si Hanna ng makita si Donny sa loob ng kwarto.
"It's not what you think Hanna." depensa ni Kisses.
"Hahahaha joke lang! Oohh okey na regalo ko sa'yo Kuya ha?"-Hanna
"Bitin nga eh. Sabi ko one hour na babe time bigla kang kumatok." naiinis na sabi ni Donny.
"Hahahaha baka magkaroon agad ako ng pamangkin." Hanna winked at Kisses.
Agad namang namula si Kisses sa sinabi ni Hanna. Alam nya na biro lang yun pero nakakagulat pa rin.
"Later na lang ulit. Taraaa na Kuya at matulog ulit kayo." bulong sabay tingin ni Benj sa shorts ni Donny na parang may bumukol.
"Hahahaha puro kayo kalokohan. Wag mong paparinig yan kay Kisses ha?" ganting bulong ni Donny pagkatapos nya magpaalam sa mga girls at isara ang pinto.
"Hahaha sikretong malupit ba?" tanong ni Benj.
"Hahahaha baliw ka!" tinapik ang kapatid nya.
Pagdating sa kwarto agad na nagderecho si Donny sa CR. Kanina kasi habang yakap nya si Kisses iba na nararamdaman nya nagpasalamat na rin sya na kumatok si Hanna kundi ay baka hindi na sya nakapagpigil pa.
"Kuya!!! Bilisan mo paglabas ng sama ng loob dahil kanina. Hahahaha maliligo pa ako para sa salubong ng birthday mo." pang-aasar ni Benj.
"Tumigil ka. Lalo akong magtatagal dito kapag hindi ka tumahimik. Birthday ko ba talaga? Parang pansin ko na pinagtutulungan nyo ako." sigaw ni Donny habang nagbababad sa shower dahil sa init kanina.
Nakaready na ang lahat. Ang family ni Donny at si Kisses para sa salubong. No surprises na, ayun kasi ang gusto ni Donny since kasama naman nila si Kisses. Makasama lang daw nya ang dalaga sa birthday salubong nya ay enough and wonderful birthday gift na daw yun.
Ang mga girls ay nagreready ng birthday cake para may i-blow si Donny later at si Kisses ang magdadala nito. While preparing, si Donny ay lumabas saglit at tumanaw sa may balkonahe ng hotel. Later kasi pupunta sila sa may peak floor ng Marina Bay Sands para makita ang magandang view at they heard na may mga fireworks daw kaya sakto sa birthday celebration ni Donny.
Sobrang thankful ang binata sa nangyayari sa kanyang buhay. Having a beautiful family. Loving parents and siblings. Ano pa nga mahihiling nya? Tapos sobrang blessed pa nya na makilala si Kisses at maging malaking part ito ng kanyang buhay.
"I decided na ipursue na si Kisses after ng debut nya sa May." ayun ang gusto nyang maging birthday gift sa dalaga dahil ramdam na nya na mahal na mahal nya ang dalaga at hindi na nya ito kayang mawala pa.
Nakapagplano na rin sya ng surprise para dito. Habang nangingiti sya ay nagring ang kanyang phone. A voice call from his messenger account.