Gumising ng 4 am si Donny upang maligo at mag-ayos para masundo si Kisses. Nang pababa na sya ay laking gulat nya ng makita ang kanyang mga parents na gising na din.
"Good morning, mom and dad. Ang aga nyo naman po magising?" tanong ni Donny while drinking his hot choco na niready ng kanyang Mommy.
"Anak, alam mo naman si Mommy mo very hands on sa mga ganitong bagay. Paalis ka na ba nyan? Gusto mo ipagdrive kita?" volunteer ni Daddy A.
"Naku Dad, okey lang po. Alam ko busy din po kayo and gusto ko din po kasi makasabay magbreakfast si Kisses. This is our first Christmas together." paliwanag ni Donny kay Tito A.
"Oo nga, abala ka pa sa dalawa. Hayaan mo na sila at wala din akong katulong dito." sagot naman ni Mommy M.
"Oo nga Dad. Ikaw ang cook diba? Hahahaha" biro ni Donny sa Daddy nya which is totoo kasi si Daddy A ay magaling na cook kaya naman namana ito ni Donny at balak nya ipagluto mamaya si Kisses habang kasama nito mamaya ang kanyang relatives sa Christmas Party.
"Oo nga pala. Hahaha pero son, sobrang proud ako sa'yo. Kung ako yung magiging future son mo? I want to be like you kasi sobrang hands on mo pagdating kay Kisses at sobrang effort talaga. Nakikita kong mahal na mahal mo sya. Sya na ba ang balak mong makasama pagtanda?" biglang tanong ni Dad A kay Donny.
"Yes Daddy! I see my future with Kisses. Sobrang sya lang Dad. Wala eh! Tinamaan talaga ako ng sobra sa kanya. Tagos na tagos dito." sabay turo ni Donny sa puso nya habang binabanggit ang mga salitang iyon sa kanyang Daddy.
"I'll support you son. Sa nakikita ko din good influence si Kisses kahit second time pa lang namin sya namemeet pero based on sa mga kwento ni Hanna which is minsan nakakabonding ni Kisses ay sobrang bait at down to Earth na bata daw ito kaya naman son, wag mo na syang pakawalan pa. Aaminin ko sa'yo na this past few weeks nakikita ko ang pagihing responsible mo although responsible ka na naman talaga mas double pa ngayon. Mas nakikita ko ang maturity mo at alam kong dahil yun kay Kisses. Kaya son, I'm giving you my blessing." ngiti ni Daddy A sabay tapik sa balikat ni Donny.
"Thank you Dad." yumakap si Donny kay Daddy A. Medyo naluha ang binata sa mga sinabi nito pero totoo yun. Nakikita nya ang big difference nya everytime when she's with Kisses.
"Oh? Nagkakaiyakan na kayo dyan. Pero anak totoo yun. Napapag-usapan din namin yan ng Daddy mo minsan pero please naman wag naman maaga ha? Pwde ba mga 30 ka na mag-asawa. Hahaha just kidding! Basta alam mo na ang tama sa mali. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo and we're both here to support you and Kisses. Payakap nga. Binata ka na anak dati nagpapaalam ka lang kung pwde ka bumili ng taho sa labas baka bukas magpaalam ka na at sasabihing papakasalan mo na si Kisses. Ohh my baby boy." yumakap si Mommy C kay Donny at hinalikan ang anak sa noo kahit na mas matangkad ito sa kanya.
"Papayagan nyo naman akong pakasalan sya diba?" tanong ni Donny sa mag-asawa.
Nagulat ang mag-asawa sa tanong ni Donny at nagkatinginan.
"Oo naman pero hindi ngayon. Wag kang magmadali anak. Mag-aral muna kayo kasi kung kayo naman sa bandang huli kayo pa rin anak." sagot ni Mommy M.
"May ipon ka na ba? Hindi madaling magpamilya ha? Kaya magsikap ka muna then kapag alam mo stable na kayo pareho alukin mong magpakasal." sagot naman ni Daddy A.
"Joke lang po. Hahaha may mga plano pa kami ni Kisses sa buhay but syempre Dad nag-iipon na rin ako para makadagdag sa future plans namin."determinadong sagot ni Donny.
"Ayan! Kaya kita idol eh. Oh sya! Baka naghihintay na ng prinsesa mo. Ingat sa biyahe ha?" paalam ni Daddy A kay Donny.
Nagbeso si Donny sa parents nya at nagmamadali ng lumabas. 4:30 na rin sya nakaalis pero okey lang atleast nakausap nya ang mga magulang tungkol sa mga ganung bagay. Si Kisses na nakikita nyang kasama nyang pagtanda pero syempre gaya ng sabi ng mga magulang nya. Wag syang magmadali at kailangan maging stable muna sila ni Kisses at willing syang hintayin ang dalaga.
Tinext ni Donny si Kisses at sinabing paalis pa lang sya ng bahay. Inayos nya ang sasakyan nya at inilagay ang binili nyang bulaklak na stargazers sa tabi nya para pagbukas ni Kisses ng pintuan ng sasakyan ay una nya itong makita.
Kakagising lang ni Kisses ng makita ang text message ni Donny. Dati hindi nya alam kung nasaan ang cp nya ngayon katabi na nya ito pagtulog dahil need na nya iupdate si Donny.
"Good morning Love! Kakagising ko lang. Magready lang ako sandali. Don't reply na. Just focus sa pagdrive. Ingat ka." sagot ni Kisses sa text ni Donny.
"I'll call Love kapag nasa labas na ako ng subdivision. Maligo ka ha? Baka amuyin ka ng mga relatives ko. Hahahaha" biro ni Donny sa text kay Kisses.
"Grabeee! Hindi ako mabaho noh? Alam mo yan. Sige ka! Wala kang kiss mamaya."-Kisses.
"oohhh! Just kidding Love. Alam ko naman mabango ka kahit hindi ka naliligo eh. I love you. Kiss ko mamaya ha? Hahahaha"-Donny
"Ewan ko sa'yo. Wag ka ng magreply just focus sa road. Ingat. Magready lang ako. I love you too."-Kisses
Sanay na rin si Kisses na mag-I love you too kay Donny kasi nga sabi ni Donny para magmukhang real ay pati ang mga ganung bagay ay kailangan nilang sanayin kaya pati sa text messages nasasanay na sya. Pero pati ba ang meeting the family ay part pa rin ng pagpapanggap nila? Paano kapag nalaman nila na nagpapanggap lang sila? Madadagdagan pa ang mga lolokin nila. Bahala na sabi ni Kisses sa isip nya. Just go with the flow. Seize the moment at baka ito na ang huli.