Part 36

513 28 0
                                    

After the simple celebration, they decided to go home. Sa paglalakad nila papuntang parking lot nakasalubong nila ang grupo nila Shar.

"Hi Dons!" todo smile si Shar.

Nagsmile back naman si Donny and napansin nya na biglang bumitaw sa pagkakahawak si Kisses sa kanyang kamay. Alam nya medyo kinabahan ang dalaga kaya agad namang hinawakan nya ulit ito ng mahigpit para bang sinasabi na relax ka lang akong bahala.

Napalingon naman si Kisses kay Donny at ngumiti ito ng kay tamis. Napatingin naman si Miles sa kamay ng dalawa at lihim na itinuro ito kay Shar.

"Shar, look oh? Magka-holding hands ang dalawa." shock na sabi ni Miles.

"Baka friendly holding hands lang." singit naman ni Sunny.

"Dons, why are you holding Kisses' hand?" curious na tanong ni Shar.

"Ah, oo nga pala girls. Meet my girlfriend. Kirsten Danielle Delavin." all smile si Donny while introducing Kisses to the other girls.

"Love, sila nga pala sina Shar, Sunny and Miles. My highschool classmates." pakilala naman nito sa grupo nila Shar.

"Hello, nice meeting you girls." nakipagshake hands naman si Kisses but pagdating kay Shar tinabig nito ang kamay ni Kisses.

"Girls, please respect Kisses. If you don't like her to be my girlfriend atleast be kind and classy naman."-Donny

Dahil sa sinabi ni Donny, nag-walk out sI Shar at agad namang sumunod sina Sunny at Miles. Hindi napigilan ni Donny ang inis sa inasal ni Shar kay Kisses. Who will like that kind of girl na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo?

"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Donny kay Kisses. He holds Kisses hands, narinig nya ang pagtapik ni Shar sa kamay ng dalaga at paniguradong nasaktan ito dahil napansin nya ang pamumula.

"Ok lang ako." Kisses smile and hide her hands.

"Isa! Akin na kamay mo." kinuha ni Donny ang mga kamay ng dalaga at tinitigan yun. Walang nagawa si Kisses kundi magpaubaya.

Dahan-dahang inilapit ni Donny sa kanyang labi ang mga kamay ni Kisses upang halikan. Napapitlag ang dalaga ng maramdaman ang malambot na labi ni Donny sa kanyang mga kamay. It was a quick kiss pero ilang libong boltahe ang naramdaman nya na tumadaloy dito.

One of the most romantic gestures na gustong-gusto ni Kisses na mangyari sa kanya in real life. Ganun pa lang feeling para syang nakukuryente.

"I hope medyo nawala yung sakit. I'm sorry for what had happened earlier. I promise you, next time ultimo dulo ng daliri mo hindi hahayaang madali ni Shar." titig na titig si Donny kay Kisses.

Sobrang ilang naman ang naging dating kay Kisses ng mga titig ni Donny. Hindi na sya nakapagsalita hanggang sa hilahin sya ni Donny para makauwi na sila.

Wala silang imikan sa sasakyan. Si Donny naman ay panay ang tanong sa dalaga kung ok lang ba ito after ng nangyari. Kisses responded that she is fine and nothing to worry about. Mas inaalala ni Kisses ang puso nya. How will she guard her heart? Kung simula pa lang ng pagpapanggap ay nahuhulog na sya.

"Love, we're here. Sure ka bang ok ka na? Kanina ka pa walang kibo dyan." worried Donny ang rumehistro sa mukha nito.

"Ok lang ako. Nagulat lang talaga ako pero ok naman ako. Sana wag naman silang magalit sa akin. I'm worried lang baka balikan nila ako." nag-aalala si Kisses, dahil alam nya na galit na galit si Shar kanina. Narinig din nya na banggitin ni Shar na "never kayong sasayang dalawa". Ramdam nya na may binabalak si Shar at kung ano man yun ay hindi pa nya alam.

"Akong bahala. Basta I'm always here for you. Wala kang dapat ipag-alala, ok? Trust me, please and hayaan mo lang sya. Hindi ako papayag na may gawin sya or sila sayo. Kaya update me in everything that you do starting tonight, ha? Para hindi din ang mag-alala." mahabang sabi ni Donny.

"Ok." bumaba na si Kisses sa sasakyan ni Donny.

"Thanks for the dinner and sa ride. Ingat ka and please update me too para hindi ako magworry kung nakauwi ka na or what."-Kisses.

"Ok, boss! Goodnight. Pasok ka na sa loob para makauwi na rin ako." nakababa na rin ng sasakyan ang binata and he just waiting for Kisses na pumasok sa loob.

"Hindi ka na papasok sa loob?" she invited Donny.

"Wag na, bukas na lang. Medyo late na rin eh. Nakakahiya kay tita baka makaistorbo ako. But please say "hi" for me and pakibigay yung take-out ko."-Donny.

"Nagpapalakas ah? Hahaha"-Kisses

"Syempre, dapat kahit tayo na nililigawan pa rin kita." Donny smile widely.

Kinilig naman si Kisses sa sinabi ng binata at nagpaalam na din ito dahil 11 pm na at baka gabihin si Donny sa daan, uuwi pa kasi ito ng Laguna dahil wala silang pasok bukas.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon