Natapos na lahat silang kumain at nagmamadali na ang iba na bumalik sa mga assigned classrooms nila.
Kisses tried to text Donny pero wala syang maisip na magandang words kung paano ieexplain ang lahat.
"Bakit ba ako nagwoworry? Eh nagpapanggap lang naman kami. Eventually, makakahanap din sya ng girlfriend nya kaya dapat ako rin. Hmmp!" reklamo ni Kisses sa kanyang sarili.
Wala sa mood si Donny buong maghapon. Iniisip nya pa rin ang nangyari sa canteen. Oo, girlfriend na nya si Kisses pero kapag kaharap lang ang family, friends at sila Shar kaya dapat ipaalam na nya ito sa buong school lalo na sa mga boys na naaligid sa dalaga.
"Bro, tara na umuwi."-Jerome
"May girlfriend pa yan na hihintayin bro." sagot ni Elmo kay Jerome habang nag-aayos sila ng gamit.
"Tara! Uwi na tayo. Sabay ba kayo?" nag-aaya na sabi ni Donny.
"Hindi mo isasabay si Kisses?" takang tanong ng dalawa.
"Wala naman sila Shar para maging sweet ako kay Kisses." malungkot na sabi ni Donny.
"Tsk! Ayaw mo pa kasing sabihin ang totoo sa kanya bro." tapik ni Elmo.
"May point si Elmo bro. Alam namin mahal mo na. Bakit papahirapan mo pa sarili mong magpanggap?"-Jerome
Hindi nakaimik si Donny. Ito lang ang alam nyang paraan para mapalapit kay Kisses kahit sa pagpapanggap lang na ito ay magustuhan sya ng dalaga. Umaasa sya kahit malabo. Kahit suntok sa buwan lalo na't balita nya na maraming gustong pumorma sa dalaga lalo na sa mga varsity players ng kanilang campus.
Sabay-sabay lumabas ng classroom sina Donny, Elmo at Jerome. Lumampas sila ng classroom nila Kisses ng hindi nililingon ito.
"Pauwi na sila?" tanong ni Devon kay Kisses ng mapansin ang paglampas ng mga boys.
"Siguro." kibit balikat ni Kisses pero hinihiling nya na sana lumingon si Donny or hintayin sya sa may caféteria.
"Ok class, that's all for today. See you next week for the quiz. Class dismiss. Goodbye." paalam ng prof nila Kisses at umalis na ito.
"Bilisan mo best. Gutom na ako. Kain tayo bago umuwi ha?" nagmamadali sa paglalakad si Devon.
"Ayan na best. Dahan-dahan naman para namang may humahabol sa'yo." habang inaayos pa ni Kisses ang kanyang bag.
"Oh my God! Patay!" naiiling na sabi ni Devon.
Napatingin naman si Kisses sa ikinagulat ni Devon. Kita nya rin ang paglalandi ng grupo nila Shar kina Donny. Hindi naman magawang sawayin nila Donny dahil may respeto pa rin naman sya sa mga ito lalo na't may mga kapatid din syang mga babae.
Nilampasan ni Kisses si Devon at agad nilapitan ang grupo nila Donny at Sharlene.
"Excuse me!" hawi ni Kisses kay Sharlene.
Hindi nila napansin ang pagdating ni Kisses dahil nakatalikod sila dito. Napahiwalay naman si Shar kay Donny dahil sa paghawi ni Kisses sa dalawa.
"Love, let's go? Nakuha ko na gamit ko." hinawakan ni Kisses ang kamay ni Donny sabay ngiti ng ubod tamis at tinitigan ang binata.
"Oh Love, balak ko pa namang hintayin ka na lang sa caféteria kung matatagalan ka pa." lambing ni Donny sa dalaga.
"Excuse me girls. Dadaan ang magjowa." ngiting nakakaloko ang ginawa ni Jerome kina Sharlene.
Siniko naman ni Elmo si Jerome ng mapansin na nakatingin sa kanila si Kisses na nagtataka.
Dinala ni Donny ang mga gamit ni Kisses at nagpaalam na sa dalawa samantalang si Devon ay nagtataka sa nangyari.
"Anong meron kina Kisses at Donny? Bakit love ang tawagan? At bakit biglang naging sweet ito sa binata samantalang deadma ito nung lumampas sila Donny kanina." tanong ni Devon sa isip nya.
"Devs, pwde ba umuna na kami ni Kisses?" paalam ni Donny kay Devon.
"Isabay na lang natin sya?" suggestion ni Kisses.
"Ok lang Donny. May hinihintay pa rin naman ako." sagot ni Devon.
Totoo naman na may hinihintay sya, si Kiko. Hindi pa nya nasasabi kay Kisses na nililigawan na sya ni Kiko at nagugustuhan na rin nya ang binata.
"Sige Devon. Ingat. Sasamahan ka naman ng dalawa." referring to Jerome at Elmo.
Hinila ni Donny si Kisses papuntang sasakyan nito. Hindi na nagawang magpaalam ng dalaga kay Devon dahil sa bilis ng pangyayari at hindi na rin sya nakasingit dahil puro si Donny lang ang nagsalita.