"Breakfast is ready guys! Tama na muna ang asaran. Let's eat."-habang hawak ni Donny ang plate na may pancakes.
Inayos naman ng mga katiwala ang mga pagkain sa table. Kukuha sana si Jerome ng pancake ng biglang tapikin ni Donny ang kamay nito.
"Dasal muna tayo"-naglead si Donny ng simpleng prayer. Pasasalamat sa new day at sa pagkain na nakahain sa mesa.
After ng prayer nagtangka ulit kumuha si Jerome ngunit tinapik ulit sya ni Donny.
"Aray bro, nakakarami ka na ah? Gugutumin mo ba ako?"tampo ni Jerome.
"Pakuhanin mo muna si Kisses."-inabot sa dalaga ang plate at pinakuha ito.
"Ano ba yan? Eh di sana sinabi mo na para pala kay Kisses yan hindi yung namaga pa kamay ko kakapalo mo. Huhuhu" pagkukunwari ni Jerome.
Nagtawanan naman ang lahat bukod kay Kisses na pulang-pula dahil sa hiya. Hindi sya makatingin sa mga barkada nya lalo na kay Donny na katapat nya ng upuan.
"tama na guys. Ayaw ni Kisses ng showy. Hahahaha"-dagdag ni Devon
"Best, pati ba naman ikaw?" kunwaring nagtatampong sabi nito
"Biro lang yun best. Kain na tayo guys nang makauwi na tayo agad. May pasok na bukas."-Devon
"Sa Friday na pala yung auditions and try-outs for different clubs or org sa school. Anong sasalihan nyo?"-Jane
"Syempre! Sa sports kami. Basketball guys?"-Kiko
"Cheerdance ako."-Jane
"Ako din"-Sophia
"Ikaw Kisses?"-Devon
"Saan ka ba?"-Kisses
"Cheerdance din kasi gusto ko."-Devon
"Ah, hindi kasi ako marunong sumayaw. Pag-isipan ko pa may 4 days pa naman."-Kisses.
After ng breakfast nakipagbonding muna sila saglit kay Solana bago sila umalis. Hapon na ng umalis sila sa bahay nila Donny.
"Best, anong nangyari kagabi?" bulong ni Devon.
"Ha? Wala noh?" bulong pabalik ni Kisses.
Sa van na lang nila Donny sila sumakay pinauwi na kasi ni Elmo ang driver nila after sila ihatid kina Donny. Si Kuya Manny ang driver at katabi nito si Donny sa unahan. Sa likod naman ay sina Devon, Kisses at Kiko. Sa sumunod na row ay sina Jane at Sophia at ang two boys sa pinakalast row.
Panay naman ang tanaw ni Donny kay Kisses using the mirror in front of him. Napansin naman ito ng dalaga at nailang sya kaya nagkunwanri na lang syang inaantok. Agad syang sumandal sa Kuya Kiko nya at pumikit.
"Bro, pagamit mo kay Kisses para hindi mangalay." inabot ni Donny ang neck pillow kay Kiko para magamit ng dalaga.
Agad naman itong inabot ni Kiko at inilagay sa dalaga kaya naman hindi na rin sya nahirapan sa kanyang pwesto. Mahaba-haba din ang biyahe mula Laguna hanggang Quezon City kaya halos lahat sila nakatulog.
"Kisses" marahang tapik sa pisngi ni Kisses ang ginawa ni Kiko.
"Hmmm" nag-iinat pang nagmulat ng mata si Kisses nang biglang makita nya sa kanyang harapan si Donny ay bigla syang nagtakip ng mukha.
"Ganyan talaga kapag bagong gising may muta pa. Natural lang yan."pang-aasar ni Kiko.
Natatawa naman si Donny sa itsura ni Kisses dahil pulang-pula ito at hindi na naman makatingin ng derecho.
Dali-daling kinuha ni Kisses ang kanyang mga gamit at tumakbo palabas ng sasakyan. Hindi na sya nakapagpaalam at pasalamat man lang kay Donny dahil sa hiya. Nagpaalam naman si Kiko at nagpasalamat sa pag-invite at paghatid sa kanila sa bahay. Sinundan nyang naiiling ang dalaga. Mukhang may kailangan na syang bantayan sa kanyang mga pinsan na dalaga.