Donny is patiently waiting for Kisses.
"Best, my Prince Charming sa labas." nguso ni Devon kay Donny.
"Ha?" sinundan naman nito ang nginuso ng kanyang bestfriend. Nakita ni Kisses na nakasandal si Donny sa may wall kaya naman she take a picture of him, actually a stolen one.
After dismissal, nagmamadali si Kisses na mag-ayos ng kanyang gamit. Kailangan nya bumawi sa binata pero hanggang kailan sya magiging guilty?
"Hi" Donny approaches Kisses, abot tenga ang ngiti.
"Kanina ka pa? Sorry medyo natagalan. Si Prof. kasi madami pang pinagawa eh." Kisses
"Ok lang. I'll wait for you even it takes forever." Donny shows his malanding ngiti.
"Ayan tayo eh. Meron pa kayong hindi sinasabi sa akin." singit ni Devon.
"Malalaman mo rin mamaya. Shall we?" sagot ni Donny.
Nauuna na si Devon sa paglalakad samantalang ang dalawa nila Donny at Kisses ay magkasabay at nagkukulitan sa likod nito.
"Ooohhh! Nandito na pala sila. Order na tayo." sabi ni Elmo.
"Wait guys! Libre ko ulit." sabi ni Donny.
"Wow! Iba talaga kapag RK." tawang-tawa si Jerome.
"Baliw! May announcement ulit ako. For the second time around." Donny smiled at Kisses.
Nailang naman si Kisses at kunwari nag-cellphone. Hindi sya makatingin kay Donny dahil nahihiya sya dito.
"Order na tayo! Excited ako sa announcement eh. Mukhang may ma-FO na mangyayari kasi may naglilihim na." makahulugang sabi ni Devon sabay tingin kay Kisses.
"Ohh? Bakit parang kasalanan ko? (Bea's version) Ayaw nya pa kasi ipasabi nung una. Sorry na, ang gusto nya yung kumpleto tayo kapag sinabi na namin." Kisses explained her side to Devon.
"Ikaw naman! Joke lang syempre! Hahaha pero nagtatampo ako best bakit hindi ako naunang nakaalam? Bakit si Kiko?" bulong ni Devon kay Kisses.
"Hahahaha syempre! Pinsan ko si Kuya Kiko. Actually wala din akong balak sabihin kaya lang bigla syang nagpunta sa bahay eh."-Kisses.
"You mean? Na-meet na nya si Tita Carie? Oohh myyy G! Seryoso na yan best. Meet the parent ang drama."-Devon
"Ang arte best ha? Hahaha ikaw ha? Napapansin ko nagiging feminine ka na. Mukhang may nagpapabago na ah?" asar ni Kisses kay Devon.
"Wala ah? Pati bakit change topic bigla best? Hahaha" pag-iiba ni Devon.
"Okeeyyy!" irap ni Kisses. Alam nya may tinatago rin ang bestfriend nya sa kanya.
"Ok guys! Let's eat!" dumating na mga order nila na dala nila Donny at Jerome.
"Ehem! Pwde announcement muna bago kumain?" Jane suggested.
"Yup! Feeling ko kami lang girls or should I say kami lang ni Jane ang walang alam." tampo ni Sophia.
"Uyy! Hindi naman sa ganun. Hirap mag-explain." paano nga ba nya sasabihin sa dalawa kung anon nangyari kahit kasi sya nabibilisan.
"Ok guys! Me and Kisses are in a relationship. Dapat kahapon ko pa sinabi kaya lang, nevermind. So, I guess we need to celebrate it." masiglang sabi ni Donny.
Hindi na nagulat ang iba sa nangyari kahit sina Jerome at Elmo hindi nagulat. Hindi na nagtaka si Kisses baka kasi naikwento na ni Donny ang tungkol sa kanila pero alam din kaya ng mga ito na nagpapanggap lang sila?
Si Devon naman ay mukhang hindi din nagulat bukod sa may hint na ito ay natanong na rin nya si Kiko tungkol sa relasyon ng dalawa. Ang tanging nagulat lang ay sina Jane at Sophia.
"Congratulations guys!" bati ng lahat.
"DonKiss, DonKiss, 1..2..3.." cheer nila Devon at Kiko at nakigaya na rin ang iba.
"Ohhh! Really? Girl, I'm so happy for you. Imagine, Donny P.? Eh pinagkakaguluhan yan dito sa campus tapos boyfriend mo na." kilig na sabi ni Sophia.
"Oo nga girl. How? I mean, para kayong aso't pusa diba?" curious na tanong ni Jane.
"Long story Jane." Donny answered
"Sana all!" sabi naman ni Devon.
"Ayaw mo pa kasi akong sagutin." sabat ni Kiko.
Nagulat ang lahat sa revelation ni Kiko. Usually tahimik lang kasi ito pero ngayon very vocal na. Ibig sabihin nililigawan na rin nito si Devon?
"Mukhang magkaka-lovelife na mga tropa ko ah? Ninong na lang ako ng magiging mga anak nyo." biro ni Jerome.
Nagtawanan ang lahat at nakisaya na rin si Kisses. Nawala yung mga worries nya for that pretending relationship. Iniisip na lang nya na matatapos din naman ang lahat. Ang pag-aaralan na lang nya ay ang kontrolin ang sariling mahulog kay Donny. Magtagumpay kaya sya? Sana. Simpleng dasal ni Kisses.