Donny hug Kisses ng makita nya ito. Halos hindi makahinga ang dalaga sa higpit ng yakap ni Donny dito.
"Okay ka lang? Magkasama lang tayo kahapon." Kisses asked while laughing.
"I just miss you Love." paglalambing ni Donny.
Ganyan sila kasweet kapag nasa harap ng ibang tao. Super real sa feeling since napag-usapan na nila ito ni Donny, they need to act as a real couple in front of everyone para makatotohanan daw as per Donny.
"Pwde bang mahiram muna girlfriend ko girls?" Donny asked Jane, Sophia and Devon. All of them nodded.
"Kamusta?" Donny asked.
"Ok naman ako."-Kisses
"Anong nangyari buong maghapon?" wala nga balak magkwento si Kisses kay Donny.
"Wala naman. Sinabayan lang ako ni Devon pagpasok. Pinasundo mo pa ako, nakakahiya kay best. Ikaw? Kamusta practice?"-Kisses.
"I want to protect you kahit wala ako, atleast may makakasama ka." serious tone ni Donny.
Kisses feel something sa convo nila ni Donny. Is this the way of Donny's saying goodbye to him? Parang may something hindi nya lang maexplain. Natapos ang buong maghapon nila na hindi nagkukwento si Kisses kay Donny about sa pangbubully sa kanya.
Hinatid ni Donny si Kisses sa bahay nila. Along the way, Donny still asking Kisses how's her whole day.
"Ok naman. Wala naman masyadong project and reporting. Kamusta laro nyo? Derecho na ba yung 3 months practice?"-Kisses.
"Yes!" walang ganang sagot ni Donny.
"Hey! You okey? Bakit parang may kakaiba sayo?" Kisses asked Donny habang nakaharq111ap sya dito.
"Pagod lang siguro."-Donny.
Pagdating sa bahay nila Kisses ay hindi na bumaba si Donny dahil sa inis at pagod na rin nya pero mas higit ang inis nya dahil ang usapan nila ni Kisses ay wala silang secret sa isa't isa at they need to update each other pero buti pa si Shar nakapag-update sa kanya ng mga nangyari kay Kisses.
"I'll go ahead. Goodnight." wala man lang kiss sa forehead at umalis na si Donny.
"Ano na namang toyo nito?" pumasok si Kisses sa kanyang room at tatawagan na lang nya si Donny before sya matulog.
Nakapaglinis na si Kisses ng kanyang katawan at nakapagbasa na rin sya ng lecture para tomorrow when she decided to call Donny. But the line is busy, nakailang attempt sya bago ito sumagot.
"Hello?" wala sa mood na sagot ni Donny.
"Matutulog na kasi ako. Hindi ka kasi tumawag kaya ako na tumawag. Busy yung line mo kanina?" Kisses bite her lower lip.
"May kausap lang sa kabilang line. Sige, tulog ka na. Goodnight."-Donny.
Aba! Talaga kang Donato ka. Ano na naman bang ginawa ko at nagkakaganyan ka? Sabi ni Kisses sa kanyang isipan.
"Sige, Goodnight. Goodluck sa practice." nawala na rin sa mood si Kisses.
"Wait! May dapat ba akong malaman?" putol ni Donny sa mga sasabihin pa ni Kisses.
"Wala naman? Hindi naman ako nagpunta ng music room. Iniiwasan ko na rin si Niel. May nagawa ba akong mali?"-Kisses
"Wala kang ginawang mali pero yung ibang girls meron. Why you always allow them na ibully ka?" napataas na tono ni Donny.
"Hinayaan ko sila dahil ayoko ng gulo. Kapag pumatol ako sa kanila eh di parang ka-level ko na rin sila. Bakit hindi nyo ako maintindihan? Ayoko lang ng away. Pati ang babaw kung dahil lang sa lalaki ang pag-aawayan namin." inis na sagot ni Kisses.
"Ok, if you say so. Matulog ka na." sabay pindot ng end button ni Donny.
Nainis si Kisses sa inasal ni Donny. Ano bang masama sa ginawa nya? And how come nalaman ito ni Donny? Eh di ba secret lang nila mga girls yun or baka yung group of girls ang nagsabi?
Kisses texted her girl friends to asked if may napagsabihan ang mga ito kahit sa mga boys. Sumagot naman ang mga ito ng wala.
The following day, no text message and even miss called na nareceive si Kisses from Donny. Hindi na nya alam ang gagawin nya sa binata. Hindi naman sya makapagkwento sa mga kaibigan nya dahil baka masabi nya pa na nagpapanggap lang sila ni Donny.
Habang naglalakad sa may hallway ng kanilang classroom, nakasalubong nya si Shar.
"Hi Kisses, ok ka na?" kunwaring worried na tanong ni Shar.
"Yes? Anong meron?" Kisses asked.
"Ah, yung nangyari kahapon. Nag-usap kami ni Donny kahapon about sa nangyari and he was so worried about you. Next time kasi girl, lumaban ka ng patas. Pano kung wala mga kaibigan mo? Iiyak ka na lang? Pati pala kung hindi mo gusto si Donny, bitawan mo kasi mas maraming deserve na mahalin nya. Hindi yung may hawak ka na, hahawak ka pa rin ng iba. Wag ganun friend! Sa oras na maging single ulit si Donny, I'll make sure na mapapasaakin sya at sorry girl, hindi mo na sya mababawi pa." Shar winked at Kisses sabay alis at hawi sa buhok nito.