Parang nakalutang sa alapaap si Kisses habang naglalakad sila ni Donny na magkahawak kamay. Wala ni isa man lang sa kanila ang nagsalita after ng lahat ng nangyari.
Oo, medyo makaluma pero para kay Kisses that was the most romantic kiss since it was her first time.
Donny unlock the car's door pero hinayaan nya si Kisses na magbukas nito at lumiban na sya sa driver's seat. Laking gulat ni Kisses ng may makita syang bouquet of white roses sa upuan.
"Thank you. Paano mo nagawa ito eh magkasama tayo sa loob?" sabi nya kay Donny na hindi matanggal ang ngiti sa mga labi.
"Happy monthsary Love. Wag mo ng itanong kung paano yan nakarating dito. Galawang Donato. Hahaha" pagyayabang ni Donny.
"Hahaha daming alam ha?" Kisses smelled the roses.
"Again, I just want to say sorry for not listening to you first before concluding." sincere na sabi ni Donny.
"Ok na yun. Tapos na yun basta ok na tayo. Happy monthsary din." Kisses smiled at Donny.
"Yes, thank you for the second chance. I just hope na no more secrets between us. Kahit ano pa yan dapat alam nating dalawa, ok?"-Donny.
"Yes boss. Hahaha and you don't want me to be with other guys." Kisses teased Donny and she laughed so hard.
"Aayyy grabeee ha? Nahihiya tuloy ako sa mga sinabi ko kanina." namumula si Donny.
"Ohhh! My baby boy is so cute." Kisses chuckled.
"Ayoko ng baby boy. Hmmmp!" kunwaring nagtatampo si Donny.
"Hahaha anong gusto mo?"-Kisses.
"Gusto ko ikaw." seryosong banat ni Donny.
Natahimik at namula naman si Kisses sa sinabi ng binata.
"Gusto ko tawagin mo din akong Love para mukhang totoo ang pagpapanggap natin diba?" bawi ni Donny sa huli nyang sinabi.
May point naman kasi si Donny kasi nga naman by his name lang sya kung tawagin ni Kisses paano na lang kung kaharap na sina Shar. Mas okay yung masasanay na ang dalaga.
Today was a fairytale by Taylor Swift ang paulit-ulit sa playlist ni Kisses. One of the best day of her life. Aaminin nya na sobrang kinilig sya kanina lalo na ng yakapin sya ni Donny at halikan sa noo.
Paikot-ikot pa si Kisses sa kanyang kama ng biglang nag-ring ang kanyang cp. Nagmamadali nyang kinuha ang kanyang cp ng makita ang tumatawag.
"Hello?" tarantang sagot ni Kisses.
"Bahay na ako Love. Nakauwi na ba si tita Carie? Pakisabi thank you kasi pinayagan ka nya na makasama ako sa Enchanted Kingdom. Pakibigay din ng pasalubong ha? Pati kay Kiko." madaming bilin ni Donny.
"Hahaha pang-ilan mo na yan? Kanina pa yan ah? Wala pa si Mommy tapos yung pasalubong mo kay Kuya Kiko nabigay ko na. Thank you daw, ang sweet mo daw. Hahaha" natatawa si Kisses.
"Buti at nagustuhan nya. Oh sya, pahinga ka na. Tulog ng maaga ha? Baka hindi kita masundo bukas, start na ng training namin bukas."-Donny
"Ok po, sleep ka na rin agad para makapahinga ka. Dapat pa lang niresched natin yung EK para maaga tayong nakauwi at nakapahinga ka pa."-Kisses
"Ikaw ang pahinga ko diba? At monthsary natin ngayon kaya naman ginawa ko lahat at para magpasalamat na rin sa pagpayag mo sa pagpapanggap."-Donny
"Ako nga dapat mag-thank you dami mong effort ihh."-Kisses.
"Oh sige, thank you sa isa't isa para matapos na. Hahaha thank you nga pala sa sweat shirt. I like it no, I love it. Ganda ng design at favorite color ko pa. Paano mo nga pala nalaman eh hindi pa yata tayo nagkakausap sa mga ganung bagay?" curious na tanong ni Donny.
"Kasi po napapansin ko lang na lagi kang nakablack tapos laging sweat shirt or jacket kaya ayan na lang binili ko."-Kisses
"Uyyy! Ibig sabihin pala tinitingnan mo rin ako ng hindi ko alam. Hahaha" pang-iinis ni Donny.
Namumula na si Kisses sa kabilang linya. Hindi na nya kinakaya ang pang-iinis ni Donny sa kanya kaya naman binabaan nya ito ng phone.
Donny texted Kisses na wag na maasar at sooner or later masasanay din ito. He even told Kisses na sobrang naaappreciate nya ang dalaga dahil sa pagtulong nito sa kanya at nagpaalam na rin sya na matutulog na dahil maaga ito bukas but before the day ends, he posted a picture of Kisses habang nasa parking lot sila. It was a stolen one na naka-couple sweat shirt si Kisses at napalingon sa kanya dahil bigla nya itong tinawag.
***Caption***
There are many things that I would
Like to say to you
But I don't know howBecause maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall-Thank you Kirsten for this wonderful experience with you. @EnchantedKingdom Happy monthsary, Love. ❤ @KissesDelavin
Then Donny, turn off his social media account and go to sleep.