Friday morning...
Maagang gumising si Donny at nagpasama kay Kuya Manny sa Dangwa since wala pang bukas na flowershop near by, for sure dito makakabili sya.
He picked flowers like sunflower and stargazer. Pinaayos nya ito at bumili din sya ng red roses and a long stem white rose.
After than nag-ayos na si Donny sa kanilang condo at nilagay na ang mga bagahe including Hanna's. Yung ilang damit na naemoake ng kanyang kapatid before mag-weekend. Nauna na kasi itong umuwi ng Laguna, sa mga Parents na lang nya ito sasabay para daw hindi makaabala kina Donny at Kisses.
"Boss, dami nyo naman pong dalang bulaklak?" nagtaka si Kuya Manny dahil sa 2 bouquet of flower at isang long stem white rose.
"Yung bouquet of red roses papa-thank you po ako kay Tita then yung isa for Kisses."-Donny
"Yung white po?" curious na tanong ni Kuya Manny.
"Ilalagay ko sa locker nya mamaya Kuya bago mag-uwian para mag-sorry."-Donny
Minsan kasi nagtatanong si Donny kay Kuya Manny ng "the moves" para kay Kisses. Kapag nagkakatampuhan din sila ay medyo alam din nito kaya minsan nahingi sya dito ng advise. Hindi na nya tinuturing na iba si Kuya Manny.
"Nga-away kayo boss?"-Kuya Manny
"Biniro ko kagabi kuya. Sabi ko mas pipiliin ko ang ML. Hahaha pinatayan ako ng cellphone pero mamaya na ako mag-sorry ng personal kapag papunta na tayong airport kaya ilalagay ko ito sa locker nya."-Donny
Nakwento ni Donny ang ibang nyang ginawa para maniwala si Kisses na natulog na sya kagabi at hindi naglaro.
"Nakow boss! Apo ka nga." natatawa si Kuya Manny.
"Ano po Kuya?" takang tanong ni Donny.
"Apo ni Mang Andres. Ibig sabihin non Under de saya. Hahahaha yung takot sa mga misis." biro ni Kuya Manny.
"Hahahaha medyo Kuya. Takot talaga akong mawala sya. Ang tagal kong pinagdasal ang isang tulad nya para lang mawala ng ganon na lang. Sobrang mahal na mahal ko sya." sincere na sagot ni Donny.
"Sobrang obvious naman boss. Pansin ko kasi mas masaya ka lagi ngayon. Nakangiti lagi at energetic pa."-Kuya Manny.
"Bakit? Dati ba hindi?"-Donny
"Wag ka sanang magalit Boss. Dati kasi lagi kang nakasimangot at may pagkasuplado pero mabait naman. Kaya lang kapag hindi ka kinausap, hindi mo din kakausapin."-Kuya Manny
"Hahahaha ok lang Kuya. Ganyan din sabi nila sa akin. Siguro nga malaki ang influence sa akin ni Kisses."-Donny
"Sobrang boto ako sa batang iyon. Bukod sa maganda ay talaga namang napakabait na bata. Kahit sa bahay nyo Boss, sina Doris ay kaclose nya din at talaga namang boto. Wag mo na talagang pakawalan. Iilan na lang silang ganyan at swerte mo Boss at ikaw ang napili."-Kuya Manny.
"Kaya nga Kuya. Nakwento nga ni Manang Fe sa akin. Gusto nga nya si Kisses na makatuluyan ko. Salamat Kuya sa lahat ng tulong din."-Donny
"Wala yung Boss. Pamilya na rin ang turing ko sa inyo."-Kuya Manny.
Sumilip si Kuya Manny sa rear view mirror at ngumiti naman si Donny sa kanya.
Saktong palabas naman si Mommy C ng dumating sina Donny.
"Good morning po Tita, buti po naabutan ko kayo para personal na ipaalam po ulit si Kisses and thank you po sa pagpayag." inabot ni Donny ang bouquet of red roses kay Mommy C at nagbeso.
"Talaga itong batang ito napakasweet. Alam ko namang aalagaan nyo sa SG si Kisses. Ingat kayo at mag-enjoy ha? Happy birthday ulit hijo. Nakaready na yata si Kisses. Sandali at tatawagin ko." nagpaalam si Mommy C sandali para puntahan si Kisses.
Lumabas ang mag-ina kasunod ang isang kasambahay na may hilang luggage ni Kisses. Inayos naman muna nila ang bagahe ni Kisses sa sasakyan ni Donny.
"Paano? Una na ako ha? Ingat kayong dalawa. May pagkain sa loob. Kumain kayong mabuti. Ingat ka anak. Update si Mommy ha?" nagyakap sina Mommy C at Kisses. Hinalikan din ni Mommy C ang noo ng kanyang dalaga. First time kasi ni Kisses lalabas ng bansa na hindi sila kasama or kahit kamag-anak man lang.
"Ingat ka din po Mommy. I love you po. I'll update you po." she kissed her Mom's cheek and bid a goodbye ganun din ang ginawa ni Donny.
Walang imikan ang dalawa habang kumakain at maging hanggang sasakyan ni Donny. Gamit nila ngayon ang chevy ni Donny, niregalo ito sa binata ng kanyang parents nung nakaraang birthday nya.
Una nya pinasakay si Kisses sa likod at laking gulat ni Kisses ng may bouquet of flowers sa likod. Her favorite flowers, combination of sunflower and stargazer. Nilipat ni Kisses ang mga bulaklak. Ayaw nya mag-aasume na para sa kanya yun dahil wala namang occasion para bigyan sya ng binata.
Pasakay na si Donny ng magulat na nasa area nya ang bulaklak. Agad nya itong inabot kay Kisses.
"For you Love."
"Ha? Anong meron?" nagtataka man ay kinuha ni Kisses ang mga bulaklak.
"Wala naman. Gusto ko lang mag-thank you kasi pumayag kang magcelebrate ng birthday ko with me."
"Drama mo. Hahahaha mamaya mo magback out ako sayang lang flowers na bigay mo." hinahaplos ni Kisses ang mga petals ng favorite flowers nya at inamoy ang bouquet.
Nagpout naman si Donny habang nakatingin kay Kisses nang biglang napatingin si Kisses sa kanya. Tanging mga mata lang nila ang nag-uusap ng mga oras na yun.
"Haaayyy bakit ba ang cute ng Love ko kapag nagtatampo? Kung wala lang si Kuya Manny dito hahalikan ko na talaga ito." sabi ni Kisses sa kanyang sarili.
"Hoooyy! Talaga namang ang harot noh? May balak ng makipaghiwalay, lalandi pa?" saway nya sa sarili nya.
"Marupok ihh. Sorry na self. Huhuhu" sagot nya dito.
Dahil sa mga naiisip ni Kisses ay natawa sya at nakita ito ni Donny.
"Haaayy! Nagtatampo na nga tinawanan mo pa?" napahalukipkip si Donny at tumingin sa labas ng bintana.
"Halaaa sya! Meron ka koya? Hahaha may naisip lang ako kanina kaya ako natawa." Kisses held Donny's hand and squeezed it.
"Kulang ang lambing." pabulong lang iyon pero nadinig ito ni Kisses.
"Ok, bawi ako kapag tayo na lang dalawa." huli na para bawiin ni Kisses ang nasabi nya.
"Talaga? Hintayin ko yan." todo ngiti si Donny na parang walang nangyari.
"Ayan! Nagpadala ka na naman sa karupukan mo Kisses."
"Wala eh. Mahal ko eh."
Tuluyan na namang natalo si Kisses ng pagmamahal nya kay Donny.