"Love, gising na." gamit ang lips ng teddy bear na idinidikit ni Donny sa pisngi ni Kisses upang magising ang dalaga.
"Hhmmm. 5 minutes Love." inagaw ni Kisses ang teddy bear kay Donny at niyakap ito ng dalaga.
"Ang daya! Dapat ako yung niyakap mo." maktol ni Donny kay Kisses at pilit inaagaw ang teddy bear mula kay Kisses.
"Para ka talagang bata." bumangon na si Kisses mula sa pagkakahiga.
Agad namang lumapit si Kisses kay Donny at hinalikan ang binata sa noo, dalawang pisngi at ilong ang binata.
"Bakit wala sa lips?"-Donny
"Quota ka na kanina pati hindi pa ako nagtotoothbrush." bumangon na ng tuluyan si Kisses at kinuha ang gamit sa kanyang bag at nag-ayos na.
Pagkatapos ni Kisses ay nakita nya si Donny na nireready ang kanyang damit para maisuot ulit.
"Bihisan na kita Love." biro ni Donny kay Kisses.
"Ooyyy! Nakakarami ka na ha? Labas! Magbibihis ako." sabay tulak kay Donny.
Tatawa-tawa si Donny ng lumabas ito sa kwarto at naghintay sa may pintuan hanggang lumabas si Kisses.
"Ang ganda mo talaga Love." hinawakan ni Donny si Kisses sa kamay para alalayan.
"Kinakabahan talaga ako. Magkulong na lang kaya ako sa kwarto?"-Kisses
"Payag naman ako pero kasama dapat ako." biro ni Donny kay Kisses sabay pisil sa kamay ng dalaga para iparating na wag syang kabahan.
"Baliw ka talaga. Tara na nga. Woohh!" sigaw ni Kisses at sumabay na ng lakad kay Donny.
"Love, wag kang kabahan. Kaya nga kita dinala dito para makilala ka nila at wag kang mag-alala I'm always at your back, okey? Mababait ang mga relatives ko. Makikita mo." assurance ni Donny kay Kisses.
Bumaba na silang dalawa sa may veranda. Nandun nakaset-up ang mga tables and chairs at ganun din ang catering services na nagservice ng different cuisine.
"Nakakatakot Love. Bakit ang daming chairs? Ilan ba kayo sa family nyo?" takang tanong ni Kisses ng mapansin na ang daming table and chairs. Feeling nya aattend sya ng debut na invited ang buong school ng debutant.
"Hindi ko na din mabilang eh. Madami kasing mag-anak ang family nila Daddy tapos yung iba may mga kasama ng anak so additional na yun sa Barangay Pangilinan." pinaghila nya ng chair si Kisses at naupo sa tabi ng dalaga.
Dumating na ang family ni Donny at magkakasabay na silang maglunch. Medyo nawala ang shyness ni Kisses dahil na rin sa kabutihang pinapakita ng family ni Donny sa kanya.
Nawala din ang pagkainip ng dalaga dahil kausap nya ang mga kapatid ni Donny habang nakaupo si Sola sa kanyang lap.
"Love, yung teddy bear kanina. That's my gift for you. Hindi ko na binalot kasi balak ko sana ipayakap sa'yo habang natutulog ka kaya lang nawala na sa isip ko." bulong ni Donny kay Kisses.
"Okey lang Love. Ang cute nga eh. May ihuhug na ako kapag namimiss kita." kinurot ni Kisses ang pisngi ni Donny.
Napalingon ang mga magkakapatid nila Donny ng makarinig ng tilian sa kanilang likod. Nakita nila ang kanilang mga pinsan na anak nila Atty. Kiko Pangilinan at ng isang Mega Star na si Ms. Sharon Cuneta.
Hindi naman makakilos si Kisses dahil sa masasabi nyang may kaya talaga ang buong family ni Donny. Hindi basta-basta ang mga mameet nya mamaya. All professionals at may sinasabi talaga sa buhay.
Napansin naman ni Donny na medyo naiilang si Kisses kaya agad nya itong hinawakan sa kamay at nginitian. Kahit paano ay gumaan ang ang pakiramdam ni Kisses knowing na nasa tabi nya si Donny.
Nagsimula nang magdatingan ang ibang members ng Barangay Pangilinan at unti-unti ng nagkakasiyahan ang lahat.
"Kain muna kayo at mamaya na ang kwentuhan. For sure pagod kayo sa biyahe." Daddy A announced it sa microphone.
Ang iba ay nakapila sa catering at ang iba ay kwentuhan dito at tawanan doon. Ang ibang mga pinsan ni Donny ay nasa loob naman ng kabahayan nila. Feel at home talaga sila once na nagsama-sama na sila.
Sumunod na dumating ang mga pinsan nila Donny na puro lalaki. Sina Timo, Rj, Gab, Paolo at kasama din ang mga girls na sina Stella, Kiana, Frankie, Miel at marami pang iba.
"Bro!" bati ng mga boys sa table nila Donny.
"Ooyy! Ano? Kain muna kayo." nagside hug ang magpipinsan na mga lalaki at nagbeso naman sila sa mga girls.
Napansin naman ng mga pinsan ni Donny si Kisses na nakatingin at nakangiti lang sa kanila habang karga pa rin si Sola.
"Si Kisses nga pala girlfriend ko." pakilala ni Donny kay Kisses.
"Woohhh! Ang tapang mo bro. Ikaw pa lang nagsama ng girlfriend sa Christmas Party natin." bulong ni Rj kay Donny.
"Diba sya yung umattend ng party ni Sola? Sabi ko na nga ba tinamaan ka na that time eh." tukso naman ni Timo kay Donny.
"Oo, yung muntik na akong masuntok tapos biglang bakod after. Hahaha" panglalaglag ni Rj kay Donny.
"Hooyy! Alam nyo gutom lang yan. Tarang kumain. Love, excuse lang ha? Gutom kasi ang mga ito." tumayo si Donny at niyaya ang mga pinsan para kumuha ng food.
Nagtatawanan ang mga boys ng lingunin ito ni Kisses. Samantalang ang mga girls ay nakijoin sa table nila dahil kina Ella at Hanna.
"Diba sya yung trending na girl? Yung crush ni Ricci?" turo ni Stella kay Kisses.
"Yup! Diba nanood ka ng championship? Tapos ikaw awww! Ikaw nga! Yung binigyan ni Donny ng medal. Yung sana all! Oohh my G! Ang ganda mo pala talaga in person kaya naman pala bakod na bakod si Donato." sabi naman ni Gab.
"Hindi naman pero thank you." nahihiyang sabi ni Kisses.
"Uyyy! Wag kang mahiya sa kanila Kisses. Mga pinsan namin sila. Baka nakakasalubong mo na sila kapag naglalaro sina Donny kasi kahit ibang school sila they supported may brother, actually lahat kami kahit different school we see to it na magchecheer kami at manood para magsupport." sabi naman ni Ella ng mapansin na nahihiya si Kisses.
"Si Kisses nga pala. Girlfriend ni Kuya. Mga pinsan namin yan. Sina Stella, Gab, Kie, Frankie, Miel." at pinakilala pa ni Hanna ang iba nilang pinsan na naglalapitan na rin sa table nila.
Napansin naman ni Donny na madami ng nagkukumpulan sa table nila at agad syang nabother for Kisses. Tahimik kasi ito kapag first meeting kasi mahiyain ito. He excused his self sa mga pinsan nyang lalaki and went back dun sa table and nagulat sya dahil nakikitawa ang gf nya kasama ang mga pinsan nyang mga babae.
Napansin naman ng mga girls ang paglapit ni Donny at agad itong biniro ng mga ito.
"Naku! Bilhan mo ng helmet si Kisses ha? Baka mauntog yan. Ikaw rin baka magising yan sa katotohanan." biro ni Kie.
Nagtawanan ang lahat at lalo pang inasar si Donny. Si Donny kasi may pagkapikon sa magpipinsan. Alam na alam nila ito pero sanay na sila dito. Si Donny din ang pinakaclingy sa mga ito. Kuripot din ito pero galante kapag may pinagdadaanan kasi magpapameeting at syempre dapat may food.