Monthsary...
Maagang nagising si Kisses dahil sa excitement.
"Good morning my baby girl. Aga mong nagising?" bati ni Tita Carie ng maabutan ito ni Kisses na nagbreakfast.
"Susunduin po kasi yan ni Donny tita." sabat ni Kiko kahit hindi sya kinakausap.
"Yes mom!" Kisses agree to Kiko's answer.
"Hindi ba sya dito magbreakfast?"-Tita Carie.
"Nahihiya na daw sya Mommy. Baka maubos daw nya bacon and eggs sa ref. Hahaha" tawa ni Kisses habang sumalo sa breakfast ng Mommy nya.
"Talaga yung batang yun hindi na nasanay. Sinabihan ko na feel at home." iling ng Mommy ni Kisses.
Gaya ng nakagawian, nauna na ulit umalis ang mommy ni Kisses. Naiwan naman ang dalawang magpinsan. Nagtataka si Kisses kung bakit hindi man lang sya binabati ng pinsan nya samantalang kagabi pag-uwi nya ay puro panunukso nito sa kanya dahil monthsary nila ngayon ni Donny.
"Kuya, need ko bang magdress or jeans na lang?" Kisses asked Kiko.
"Kahit jeans na lang siguro. Ano bang meron?" patay malisyang tanong ni Kiko.
"Kuya naman! Monthsary namin ni Donny ngayon." maktol ni Kisses. Nakalimutan agad nito?
"Aahh, naku! Hindi na naman yung sine-celebrate eh."-Kiko
"Ganun ba yun?" nalungkot ang mukha ng dalaga at umakyat na sa taas dahil need na nya magready para sa school.
Pagbaba nya ay nakita nya si Donny na kausap si Kiko mukhang seryoso pinag-uusapan ng dalawa at hindi namalayan ang pagbaba nya.
"Oh bro, she's here." sabi ni Kiko kay Donny.
"Tara na! Baka ma-late tayo." sabi ni Donny at derecho na ito sa kanyang sasakyan.
"Ganun lang yun? Wala man lang greetings? Happy monthsary Love. Ganun?!" napahalukipkip at nakabusangot si Kisses habang nakasunod kay Donny.
Hindi nya napansin si Kiko na natatawa sa likuran nya. May sekreto kasi silang plano para sa celebration ng dalawa.
"Bro, hindi na ako sasabay. Daanan ko pa si Devon." sabay kiss kay Kisses at paalam sa dalawa.
"Ingat bro! See you sa school." nagreready na si Donny sa pagdrive.
"Ingat Kuya. Text me kapag magkasama na kayo ni best." paalam ni Kisses.
Umalis na ang dalawang kotse at napatingin si Kisses sa likod ng sasakyan ni Donny. Napansin nya na wala itong dalang sports bag.
"Hhmmm Donny, hindi ka magpapractice mamaya?" tanong ni Kisses. Naexcite si Donny kasi baka magdate sila mamaya kaya hindi ito magpractice.
"Masama kasi pakiramdam ko kaya nagpaalam ako kay coach, papahinga muna ako. After school, baka hindi na kita mahatid ha? Need ko kasing magpahinga. Bawi ako bukas." hindi alam ni Donny kung pasado ba ang acting nya.
"Ok ka lang ba? Anong nasakit sayo? Dapat hindi mo na ako sinundo eh." dinama nya ang noo at leeg ni Donny.
"Wala akong lagnat. Masakit lang kasi ulo ko paggising ko kanina." palusot ni Donny.
Pagdating nila sa school, worried pa rin si Kisses kay Donny kaya nalipad ang isip nya dito.
"Huuyy! Lalim ng iniisip ah?" tinapik si Kisses.
"Hala best! Nakakagulat ka naman." gulat si Kisses.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Wag mo ng isipin yun kasi mahal ka non. At kung yung regalo iniisip mo, for sure maappreciate yun ni Donny. Ang galing mo kaya, favorite color nya ang black tapos pansin mo mahilig sya sa sweat shirt. Hula mo lang ba yan or keen observer ka na?"-Devon.
"Actually best, napansin ko yun sa kanya pero nafinalize ko lang kahapon yun nung makita ko si Niel sa mall. Nagtanong ako sa kanya regarding gift." Kisses explained what happened yesterday.
"Oh? Destiny? Tinanong ka kung para kanino ang gift?" curious si Devon.
"Oo, sabi ko para kay Kuya Kiko."-Kisses
"Ah, ok. Hinatid ka?" tanong ni Devon
"Gusto nya pero hindi ako nagpahatid."-Kisses
"Very good! Baka umasa pa sya best,may boyfriend ka na remember? Iba talaga feeling ko dyan kay Niel eh. Parang may gusto sayo." bulong ni Devon.
"Best! Friends lang kami."-Kisses.
"Kaya nga. Kaya sinasabi ko sayo wag kang gagawa ng kahit ano na iisipin nya na may chance sya sayo. Sinasabi ko sayo baka maghalo ang balat sa tinalupan." naiiling na sabi ni Devon.
"Best, may kasalanan ako pero wala naman kasing malisya. He invited me for a ramen dinner at dahil I owed him a lot sa pagtulong sa paghahanap ng gift for Donny, sumama ako pero after that wala na. Umuwi na kami."-Kisses
"Best! Ano ba? May boyfriend ka na. Hindi tama na lumalabas ka pa kasama ang ibang guys unless walang malisya." natapik ang noo nya.
"Wala namang malisya best. Kaibigan ko lang naman yung tao eh. Nagpasalamat lang din ako."-Kisses
"Ok, alam ko naman pero best, please lang last na yan and tell him may boyfriend ka na. And let's keep it a secret ha? Wag na wag mong mabanggit kay Donny yan." babala ni Devon.
"Ha? Anong meron kay Donny?"-Kisses
"Hay naku ka Kisses! Malamang magselos yung tao. Hindi nya alam yan diba?"-Devon.
"Hindi." dahil dito kinabahan syang bigla. Pero wala naman syang ginagawang masama para maguilty ulit sa nangyari.