Niyakap ni Donny si Kisses nang pagkahigpit. Gumanti naman ang dalaga sa binata.
"Ooppss! Baka masakal ang pinsan ko." biro ni Kiko.
"Ang kj nito parang hindi ganun kay Devon." ganti naman ni Donny.
Nagtawanan ang mga magkakaibigan. Napansin naman ni Donny ang pagtahimik ni Kisses habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Ok ka lang Love? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Donny kay Kisses.
"Nahihiya ako Love. Pinagtitinginan tayo ng mga tao." siniksik ni Kisses ang kanyang mukha sa dibdib ni Donny.
"Hahaha nahiya ka pa talaga Love. Kung makayakap ka nga parang ayaw mo na akong mawala." pang-aasar ni Donny kay Kisses.
Kumalas naman si Kisses kay Donny at pulang-pula sa sobrang hiya. Inabot ni Donny ang bulaklak at balloons kay Kisses.
"Happy 100 days Love." hinalikan ni Donny si Kisses sa noo.
Hindi na nila pinansin ang panunukso ng mga kaibigan at ang pagkuha ng mga ito ng picture mula sa kanilang mga cellphone.
"Tama na yan Donny. Akala ko ba may pupuntahan pa kayo?" awat ni Kiko.
Lingid sa kaalaman ni Kisses ay may surprise pa si Donny para sa kanya.
"Bro, baka hindi makahinga sa sobrang higpit ng yakap." biro ni Elmo.
"Baka langgamin." biro nila Jane at Sophia.
"Kinikilig ako. I'm so happy for you best." niyakap ni Devon si Kisses.
Speechless pa rin si Kisses pero all out smile sya sa mga kaibigan. Wala syang masabi dahil sobrang kilig pa rin nararamdaman nya as of the moment.
"Alis na kayo at baka gabihin pa kayo. Ingatan mo pinsan ko." bilin ni Kiko sabay yakap sa pinsan.
"Oo naman bro. Salamat guys sa tulong. Bawi ako. Alis na kami baka gabihin sa daan eh." pagpapaalam ni Donny.
"Bye guys! Ingat kayo. Kuya, pakisabi na lang kay Mommy ha? Pero text ko na din sya." habang nakipagbeso sa mga kaibigan nila.
"Alam na ni Tita. Nagpaalam yang si Donato." sagot naman ni Kiko kay Kisses.
Nagtataka si Kisses na napatingin kay Donny habang naglalakad patungong sasakyan.
"Saan tayo pupunta? And paano ka nagpaalam kay Mommy?" tanong ni Kisses kay Donny.
"Yung pupuntahan natin secret yun pero yung pagpapaalam ikwento ko sayo along the way." sagot ni Donny habang pinagbubuksan ng pintuan si Kisses.
Habang nasa daan nagkwento si Donny kung paano ito nagpaalam kay Mommy C.
"Yung kaba ko parang bulkang Mayon sa tindi. Tapos akala ko hindi papayag si Tita. Sayang yung surprise ko pagnagkataon." habang nagmamaneho.
"Ang swerte naman ng magiging girlfriend mo." hindi namalayan na naisatinig na pala ni Kisses ang nasa sa isip nya.
"Mas swerte ako sa'yo. Sobrang supportive mo sa akin sa lahat ng bagay." kinuha ni Donny ng kamay ni Kisses at hinalikan ang likod ng palad.
Nagulat si Kisses sa ginawa ni Donny. Hindi na ito nagtanong about sa sinabi nito pero ramdam nya na kinilig sya sa mga sinabi nito. Sana nga totoo na lang ang lahat.
"Sta Rosa?" basa ni Kisses sa exit ng toll way na nilikuan nila.
"Yes, iuuwi na kita." seryosong sabi ni Donny.
"Hala! Hindi ako ready baka magulat parents mo pati ok lang kahit hindi na, nagpapanggap lang naman tayo eh."-Kisses
"Ayaw mo?" nalungkot si Donny.
"Hindi naman. I mean, bakit biglaan? Hindi pa ako handa." hirap na palusot ni Kisses, ayaw na ayaw kasi ni Donny na marinig na nagpapanggap lang silang dalawa.
"So kailan?" lumingon si Donny sa kanya.
Hindi nakakibo si Kisses. Actually gustong-gusto nya na ipakilala na sya ni Donny sa mga parents nito pero ang gusto nya ay yung seryoso na relationship. Baka mapalapit sya sa family ni Donny tapos madisappoint ang mga ito kapag nalaman na nagpapanggap lang sila. Iniiwasan lang nya masaktan ang lahat ng mga tao sa paligid nila if ever na mangyari ang kinakatakutan nya na hiwalayan.
"Lagpas na tayo sa inyo oh?" turo ni Kisses sa way patungo kina Donny.
"Gusto mo bang bumalik?" Donny asked.
"Hindi, nabanggit ko lang baka pati gabihin na tayo kapag dumaan pa tayo sa inyo.
Nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari hanggang makarating sila sa isa sa mga famous romantic restaurant sa Tagaytay ang "Antonio's Garden".
"Hindi ba mahal dito?" tanong ni Kisses kay Donny.
"Mahal din naman kita eh." bulong ni Donny.
"Ano yun? May sinasabi ka?" hindi narinig ni Kisses ang sagot ni Donny dahil naamaze sya sa ganda ng lugar.
"Tara na para makakain na tayo. Layo ng biyahe natin. Alam kong gutom ka na." biro ni Donny kay Kisses para mag-light ang atmosphere sa kanilang dalawa.
"Good evening Sir, bati ng staff sa nasabing restaurant." almost six in the evening na sila nakadating dahil sa layo at traffic sa biyahe.
"Reservation for Mr. Donato Pangilinan." ngiti ni Donny.
"This way Sir." the crew assisted Donny and Kisses.
Mangha pareho sina Donny at Kisses sa ganda ng restaurant at sa breath taking view kung saan sila nandun dalawa. Tanaw kasi nila ang Taal Volcano mula sa lugar nila medyo hindi pa kadiliman kahit six na ng gabi.
Si Donny man ay amaze din sa nakikita. Perfect spot for romantic couples in Tagaytay, ayan ang tinanong nya kay ate Ella nung minsang umuwi sya ng Laguna. Ella suggested this restaurant kasi nakapagdate na sila dito ng kanyang boyfriend.
Mapapasalamatan nya talaga ang kanyang ate dahil nagandahan din sya sa lugar at lalong lalo na si Kisses na tuwang-tuwa sa mga nakikita.