Part 86

743 35 7
                                    

KIRSTEN DANIELLE TAN DELAVIN
18th Birthday

Venue: EDSA Shangri-la

Ayan ang mababasa mo sa lobby pa lang ng hotel na pagdarausan ng debut ni Kisses.

Sobrang pinaghandaan ang lahat mula sa mga flowers and decors. Table and chairs na puro pink lahat dahil favorite ito ni Kisses.

Maging ang hagdan kung saan bababa ang dalaga ay parang hagdan sa palasyo na bababaan ng isang Prinsesa.

Ang cake naman nya ay regalo ng family nila Donny which is 7-layered chocolate cake na gawa ng sikat na Hizon's cake and pastries na favorite ni Kisses.

Ang bawat table ay may naka-set up na flowers na combination ng white and pink roses.

Punong-puno na ng mga bisita ang function hall. Si Kisses ay nasa loob ng room na ni-rent nila, doon na rin sila nag-overnight para sa ilang pictorials na gagamitin for the same day edit ng debut nya na Nice Print Photography ang mag-cacapture ng lahat ng moments.

Sobrang busy na ng lahat. Inaayusan na ang ilang bisita at ganun din si Kisses para nga itong wedding na sa sobrang enggrande.

Kasama ni Kisses sa room nya para ayusan ay ang mga friends nya including Ella, Hanna and Sola.

"Girl, your so ganda. Kahit hindi ka na mag-make up." comment ni Lala Flores isa sa glam team na mag-aayos kay Kisses.

Nandoon din ang stylist na si Perry Tabora, make-up artist na si Lala Flores at buong glam team nito para mas lalong mapatingkad ang kagandahan ni Kisses.

Ang kanyang naman gown ay gawa ng sikat na designer na si Francis Libiran. Tatlong gown ang pinagawa nila para sa Cotillion de Honor, isa sa 18th roses at ang huli ay para sa after party na kung saan ang family ni Donny ang nag-prepare.

Sa labas naman ay nandun na ang mga bisita ni Kisses. Hinihintay na lang nila ang dalaga na bumaba mula sa hagdan.

"Bro! Ang bongga ng birthday ni Kisses ah?" bati ni Jerome kay Kiko.

"Pinaghandaan talaga nila Tita at Tito eh."

"Saan nga pala si Donny?" nagtatakang tanong ni Elmo.

"Sinusundo yata si Shar." patay malisyang sagot ni Jerome kay Elmo.

"Anong sabi mo? Pakiulit nga Jerome?" biglang sabat ni Devon sa likod ng mga boys.

"Wooohhh!!! Nakakagulat ka naman Devs. Kiks! Gf mo parang kabute eh. Hahaha"-Jerome

"Pakiulit ng sinabi mo Jerome?" naniningkit na ang mga mata ni Devon sa gigil.

"Chill Devs. Sinundo lang eh." sabi ni Elmo kay Devon.

"Anong chill? Debut ng girlfriend tapos iba sinusundo? Sinong hindi maiinis doon? Sagot!!" naiinis na talaga si Devon sa mga lalaking ito na para bang may tinatago sa kanila.

"Chill lang Mahal. Sinundo lang nya. Hindi daw kasi alam ni Shar ang papunta dito." sabay akbay kay Devon.

Agad tinanggal ni Devon ang kamay ni Kiko sa balikat nya at tiningnan nya ang mga boys ng masama at umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ng dalaga.

Samantalang si Ella naman ay nasa loob ng kwarto ni Kisses at kinakausap ang dalaga.

Pumasok sa kwarto si Devon at nakasimangot na umupo sa kama kung saan nandoon din sina Ella at Hanna.

"Best! Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Kisses habang inaayusan sya.

"Wala best. Nakakainis lang. Naiinis na talaga ako." nagcrossed arms si Devon at agad napatingin kay Ella.

"Ano nga yun?" lumapit ang dalaga sa kama dahil inaayos na ang gown nya para maisuot na nya.

"Wag na at baka masira lang ang gabi mo." bulong ni Devon.

Mukhang gets na ito ni Kisses pero gusto nya pa rin marinig ang buong kwento. Ayaw nya magjudge pero nararamdaman nya din na may kakaibang nangyayari.

"Ano nga yun?!" napataas na rin ang boses ni Kisses.

Nataranta naman si Devon sa inasal ng kaibigan at agad nya binanggit dito ang kanyang narinig.

"Hoyy! Isa! Wag kang iiyak dyan ha? Sinasabi ko na eh." nababantang sabi ni Devon kay Kisses.

"Okey lang ako. Don't worry, I can manage." pilit ang ngiti ni Kisses sa mga girls.

"Ohh myyy! Nakita nyo ba ito?" pinakita ni Hanna ang picture nila Donny at Shar kasama ang mga kaibigan nila.

Ito yung gabi after nilang dumating ng Pinas ay nagcelebrate si Donny with his friends.

"Kasama pala nila si Shar that night?" takang tanong ni Ella.

"Alam ko yan ate." sagot agad ni Kisses.

"Pero best bakit lagi silang magkatabi ni Shar sa mga pics and itong huli? Nagkiss sila?" tinuro ni Devon ang beso sa cheeks ng dalawa.

"Friendly kiss lang siguro." pinipigil ni Kisses ang mga luhang nagbabantang lumabas sa mga mata nya.

Paano nagawa ni Donny sang magsinungaling sa kanya? Alam nya ok na ang dalawa but she doesn't know na nagkikita na pala ang dalawa with their friends and it seems na super close na sila at may pagbeso na?

At ang worst! The best boyfriend ever nya ay wala pa ngayon dahil sinusundo si Shar para sa debut nya? What the hell!

Pinakakalma ni Kisses ang kanyang sarili at hindi nagpahalata sa mga girls na nasa kwarto. She manage to smile. Mukhang tama ang decision nya na after the party ay she will escape para huminga at para tapusin na ang lahat ng panloloko nya sa mga taong nakapalibot sa kanya, sa kanila ni Donny.

"Okey, Kisses. Suot mo na ang gown mo." litanya ni Perry Tabora.

Namangha ang lahat ng nasa loob ng kwarto ng makita nila ang transformation ni Kisses.

From a beautiful girl to a very beautiful young lady. Hindi nila napigilan ang pagbati sa dalaga at ang picture taking habang nasa loob pa sila.

Sobrang saya naman ng mga magulang ni Kisses pagkakita sa kanilang dalaga. Agad napaiyak ang mga ito at niyakap si Kisses.

"Parang kailan lang anak, kinakarga pa kita. Ngayon dalagang-dalaga ka na."-Tito G.

"Baka bukas mag-asawa ka na ha?" biro naman ni Mommy C na nagpupunas ng kanyang mga luha.

Napaiyak na rin si Kisses sa mga kaganapan. Sinamantala nya ito para maisabay ang luha ng sakit na dulot ni Donny sa kanya.

"I do love him pero hindi ko na kaya ang sakit."-Kisses

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon