Part 23

501 29 0
                                    

Lunchbreak na, wala pa rin ang mga kaibigan nya. Maagang lumabas si Kisses sa kanilang classroom dahil sobrang gutom na sya. Naiwan na nya si Devon dahil may tatapusin pa daw ito sa library.

"Pwde makishare?"-Donny

"May nakita ka bang pagmamay-ari ko ito? Oh eh di pwde."-Kisses

"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo?"-Donny

"Bastos mo talaga. Anong pakialam mo kung meron?"-Kisses

"Sabi na eh. Oh by the way, nood ka bukas ng laro ha?"-Donny

"Ayoko. Wala naman akong mapapala sa panonood nyan."-Kisses

"Sows! Ayaw mo lang akong panoorin."-Donny

"Wow! At bakit? Anong meron?"-Kisses

"Kasi magaling ako.Tingnan mo, tinitilian ako sa hard court."-D

"Sobrang bilib sa sarili. Oh sige manonood ako. Sana matalo kayo sa sobrang kayabangan mo."-K

Wow! Salamat ha? Hahaha kahit pumusta ka pa, kami mananalo."-D

"wow! Iba din. Grabeee bilib sa sarili. Sige, pustahan tayo."-K

"Sige deal!"-D

Hindi na nila napag-usapan ang prize dahil bigla na lang nagdatingan ang iba pa nilang mga kaibigan at nagsimula na rin sila sa pagkain.

------------------------------
Mabilis lumipas ang  mga araw at ito na yung hinihintay ng lahat ng mga students sa kanilang mga campus ang tapatan ng Varsity players nila at ng mga Team B.

Ang daming tao sa gymnasium at halos mapuno na ito. Makikita na kumpleto ang mga magkakaibigang sila Kisses, Devon, Sophia at Jane para icheer ang mga boys. The play is about to start ng may tumabi kay Kisses.

"Yung pustahan natin ha? Kunin ko mamaya ang prize ko."Donny winked at Kisses.

"Yabang! Matatalo kayo noh? Magready ka na nga dun. Magstart na."-Kisses

"Wala man lang ba goodluck kiss dyan?"-Donny

"Anong pinagsasabi mo?"-sabay tulak kay Donny papuntang court.

Natatawa naman si Donny habang naglalakad pabalik ng court. Sobrang confident nya ngayon dahil sa prize na naghihintay sa kanya.

Nagsimula na ang laro at sobrang dikit ang laban na parang interschool competition na ang basketball na kanilang pinapanood. May mga times na kapag nagshoot ang varsity team ay gaganti din ang team B. Sagutan sa pagshoot ang labanan.

"Go Team B!!!" sigaw nila Devon

Bigla namang lilingon si Kiko at magflying kiss kay Devon. Napapansin naman yun ni Kisses. Ramdam naman ng dalaga na my something sa kanyang Kuya at kay Devon ayaw lang nya itong tanungin dahil baka mailang ito sa topic.

"Shocks! Lamang na mga varsity."-Jane

"Buti nga. Hahaha"-Sabay tikom ng bibig at peace sign sa mga kaibigan.

"Kisses, kapag yang mga yan natalo. F.O. tayo."-irap ni Devon

"Bakit nadamay ang friendship natin?"-Kisses

"Eh pano? Kanina ka pa dyan tuwang-tuwa kapag naaagawan sina Donny."-Sophia

Tahimik na lang si Kisses na nanood ng laban ng mga ito. Ngayon hindi na nya alam kung itutuloy pa ba pagdadasal na matalo ang Team B dahil alam nya na seryoso si Devon na friendship over sila kapag natalo ang mga ito.

Nagpaalam muna si Kisses dahil nagugutom ito may 7 mins pa naman mahabang laban pa iyon. Dahil walang tao sa canteen ay mabilis syang nakabili at nakasabay nya si Niel pagbili. Nalaman nya dito na balak din pala nitong manood ng laban kaya sinabayan na nya ito pabalik ng gymnasium.

Pagbalik nila lamang na ang kalaban ng sampung puntos at 4 mins na lang ang oras na natitira. Kung sa mga professional basketball may chance pa ang mga ito basta may oras pa at maka-three points ang Team B.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon