"I'm happy for you atleast wala ka ng problema ngayon. At maganda nga na makapagsimula na kayong muli ni Shar para mas makilala nyo pa ang isa't isa." may kung anong bumara sa lalamunan ni Kisses pero she managed it at nag-smile pa sya kay Donny.
Gustong-gusto na ni Kisses lisanin ang lugar na yun. Sobra na ang sakit na naidudulot sa kanya ng mga sinasabi ni Donny. Birthday nya ngayon, dapat masaya sya pero bakit puro sakit ang dulot ng araw na ito sa kanya?
"Happy ako I got to know the real Sharlene. And because everything is okey now, I want to end the bet that we have. I know it's hard for you and I'm selfish to drag you on this situation but, I'm happy that I've got to know you much better." titig na titig si Donny kay Kisses and smiling at her while saying this.
"That's good. Yes, it's very hard for me being in this situation. And I'm happy that the show is over, what a relief ngayon na mas makakahinga na ako ng maluwag."-Kisses.
Nararamdaman na ni Kisses na hindi na sya makahinga. Pinipilit nya na kalmahin ang sarili kaya pinipilit nyang ipakita kay Donny na hindi sya apektado pero ramdam na nya na anytime ay mag-cocollapse na sya sa sobrang sakit na nararamdaman nya.
"I know your happy the show is over. I also felt the same way. But Kisses-"-Donny
"Wait lang Donny. I just need to go to the ladies room. Excuse me." hindi na pinatapos ni Kisses ang mga sasabihin ni Donny at nagmamadali syang umalis sa lugar na yun, halos takbuhin nya palabas ang hotel na yun at maglahong parang bula.
Mula sa pagkakatakbo ni Kisses nakarinig sya ng mga fireworks na galing sa garden kung saan nandoon si Donny pero hindi na sya nag-abala pang linungin ito dahil baka magmakaawa pa sya na mahalin sya ng binata.
Naalala nya ang linya sa isa sa mga favorite movies nya na Notting Hill.
"I'm also just a girl standing in front of a boy, asking him to love her."
Binilisan ni Kisses ang takbo at pumara agad ng taxi pagkalabas ng hotel. Nagpahatid sya sa kanila bahay. Tinext nya sina ate Ella at ang kanyang bestfriend na si Devon.
Samantalang walang kaalam-alam si Donny na tuluyan ng umalis si Kisses sa lugar na yun at sa kanyang buhay.
Sinundan nya lang ng tingin si Kisses ng magpaalam ito sa kanya. Dahil bigla nitong pinutol ang mga sasabihin, hindi na nya nasabi ang mga salitang gusto nya sabihin sa dalaga.
"But Kisses, I want us to start a new beginning. Let's make it official. Let's not pretend anymore but instead, to show how we truly feel to each other."
Kasabay sana nito ang mga fireworks sa langit at mga ilaw sa paligid bilang sorpresa sana sa dalaga. May background music pa ng paboritong kanta ni Kisses. Hanggang sa nagsimula na ang surprise sana pero hindi pa nabalik si Kisses after ilang minutes.
Lumuluha si Kisses nang dumating sya sa kanilang bahay. Pinagbuksan sya ng isa sa mga katiwala nila. Walang alam ang mommy at daddy nya tungkol sa nangyari dahil naka-book ang mga ito sa hotel at kinabukasan pa uuwi sa kanilang bahay.
Patuloy sa pagluha si Kisses at derecho sa kanyang kwarto at nagkulong.
"Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana paggising ko, okey na ang lahat." patuloy sa pagluha ang dalaga habang nakahiga sya sa kanyang kama.
Sobrang pagod na pagod sya sa mga nangyari buong maghapon. Dumating na ang kanyang kinakatakutan, tinapos na ni Donny ang lahat sa kanila. Nakapili na ang binata at si Sharlene iyon.
He wanted to start a new beginning with Sharlene. Ang swerte nya talaga. Samantalang ako ito sobrang nasasaktan.
"I need to move on kahit mahirap ay pipilitin ko. I don't want to be selfish and I want him to be happy with Sharlene."
Sakto pala ang mga plano nya para sa mga nangyari ngayon gabi. At buo na ang decision nya na ituloy ito.
Binuhos ni Kisses ang kanyang mga luha para sa gabing ito. Hindi nya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Hindi nya rin alam kung makakaya nya ng wala si Donny sa kanyang tabi.
Hilam ng luha ang kanyang mga mata habang nakatitig sa picture frame sa side table nya. Picture nila ito ni Donny nung monthsary nila ng isurprise sya nito sa open field ng kanilang school kasama nya ang buong barkada nila.
Sino bang makakapagsabi na hindi sila nagpapanggap sa picture na iyon dahil kitang-kita ang sweetness nilang dalawa ng araw na iyon. Parang totoong-totoo.
Nakita din nya ang isa sa pinaka-nakakakilig na sorpresa ni Donny ng magpunta sila sa Tagaytay. Dinner date ito under the moonlight. Hawak nya sa kamay ang pendant na bigay ni Donny sa kanya ng araw na iyon.
"Bakit ganun? Ang dali para sa akin na mahalin ka pero sobrang hirap para sa akin ang kalimutan ka."
"Sana naging totoo na lang ang lahat ng ito pero panaginip lang lahat at kailangan ko ng gumising sa katotoohanan na wala ka na sa piling ko." haplos ni Kisses ang mula sa picture ang mukha ni Donny.
Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Kisses mula sa kanyang mga mata hanggang sa makatulugan na nya ito.
Nabasa naman nila Ella at Devon ang text ni Kisses na sinabi sa mga ito na umuwi sya sa bahay nila para doon matulog dahil masyado syang pagod at namamahay sya.
Naniwala naman ang dalawa sa dalaga. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyari ng gabing iyon.