"I know it's hard for you lalo na sa maling way kayo nagsimula ni Donny. Kaya mas lalo mong tatagan ang sarili mo kasi lahat ng palabas ay may katapusan." malungkot na sabi ni Devon sa kaibigan at hinahagod nito ang likod ni Kisses.
"And we don't even know what's the real feelings of Donny. I don't want you to hurt in the end 'coz you deserve to be love, best."-Devon
"Ang tanga lang kasi. Ang tanga ko. Bakit pumayag ako? It was a very stupid decision I've ever made kahit alam ko ako din ang matatalo sa bandang huli."-Kisses
"All things happened ng hindi ko inaasahan. Lahat ginawa ko para sa kanya at para sa relasyon na ito. Hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako, na gusto ko na ang ginagawa naming pagpapanggap ni Donny. All of those things hindi na ako nagpapanggap kasi totoo na eh. Totoong mahal ko sya."-Kisses
"Alam ko wala akong karapatan na masaktan kasi pumayag ako eh. But I can't help it na hindi masaktan at magselos dahil hindi ko naman totoong pag-aari si Donny."-Kisses.
"That's enough baka umiyak ka na naman. I hope and pray na maayos na itong gusot na napasukan nyo lalo na ikaw, ikaw ang mas nasasaktan at mas nahihirapan sa sitwasyon. Balik na tayo doon at baka nagtataka na sila kasi ang tagal natin."-Devon
Bago sila bumalik sa table ay dumaan sila sa comfort room para makapag-retouch. Medyo paga pa ang mga mata ni Kisses kaya to the rescue ng retouch si Devon. Nang ma-satisfy na sila sa istura nila ay lumabas na sila at nagderecho sa table kung nasaan ang mga kaibigan nila.
Huminga ng malalim si Kisses sabay ngiti sa mga tao na para bang walang nangyari. Isa yata ito sa natutunan nya sa pagpapanggap nila ni Donny na kailangan maging masaya kahit nasasaktan na.
"Saan kayo galing Love? I'm so worried. Ang tagal nyo ni Devs." bati agad ni Donny kay Kisses.
"Sinamahan ko lang si Devs, nagpahangin lang kami. Tapos na kayong kumain?"-Kisses.
"Yes, ang sarap ng mga handa mo. By the way, Kisses I'm so sorry for being rude to you before. I hope we can be friends?" naglahad ng kamay si Shar at nagsmile kay Kisses.
Kisses accepted the hand of Sharlene and she smiled back at her.
Lumipas ang mga oras at ang lahat ay nagkakasiyahan. May mga wine glass na hawak ang iba at ang iba naman ay nagsasayawan na sa dance floor.
All of them having a great time. Sobrang enjoy sila sa after party ng debut ni Kisses na regalo ng Pangilinan Family sa dalaga.
Kisses is dancing and laughing with her friends pero hindi mo makikita sa kanyang mga mata ang tunay na ligaya. Agad naman itong napansin ni Donny at bumulong ito sa dalaga. Hinawakan ni Donny ang kamay ni Kisses at dinala sa garden kung saan naghihintay ang sorpresa nya para sa dalaga.
"Love? Are you okey?" Donny asked ng may pag-alala sa dalaga.
"Yes, I'm okey. Why?" sagot ni Kisses at pilit ngumiti sa binata.
"Pansin ko kasi na parang hindi ka naman talaga nag-eenjoy. Nasayaw ka nga at natawa pero hindi kita sa mga mata mo. May problema ba?"-Donny
Kilala na talaga sya ni Donny at kung minsan hindi na sya makapagsinungaling sa binata dahil agad syang nababasa nito.
"Wala akong problema. Ikaw talaga pati naman mga mata ko nababasa mo rin?" biro ni Kisses to lighten up the mood.
"Yes! I know you so well. Kaya alam ko kung kailan ka masaya or malungkot at kung kailan may gumugulo sa isip mo."-Donny.
Ganun na pala sya ka-transparent sa paningin ni Donny pero bakit hindi nito makitang nasasaktan na sya sa ginagawa nito.
"Wala akong problema, okey? Kung meron man I think hindi mo na dapat problemahin pa yun." kibit balikat na sabi ni Kisses.
Natahimik silang dalawa at sinamantala ito ni Donny upang itext ang mga kaibigan nila na oras na para sa kanyang sorpresa sa dalaga.
Napatingin si Kisses kay Donny at agad naman tinago ng binata ang kanyang cellphone at humarap ulit kay Kisses.
"Love, I have something to tell you. Dapat kasi noon ko pa ito sinabi sa'yo." pagbasag ni Donny ng katahimikan.
"Ano yun?" kinakabahan si Kisses sa mga nangyayari. Ito na ba ang hinihintay nya na katapusan ng kanilang palabas?
"I don't know how to start this but it's about Sharlene." simulan ni Donny.
"Hmmm okey." nakayukong sabi ni Kisses. Tinuon ko ang mga mata sa lupa. Naluluha na ko. Ito na ba kinakatakutan ko? Dapat pala hinanda ko sarili ko para dito. Dapat makita nya na handa akong tanggapin ang lahat ng ito na magtatapos din ang pagpapanggap namin at ako ang masasaktan sa huli.
"I already talked to Shar and okey na ang lahat sa amin. She's so cool and a very nice person pala. So that's why we decided to start a new. Eh di sana noon pa kami naging friends." nakangiting sabi ni Donny at tumingin sa langit.
Ang daming bituin. Ganito kami noon ni Kisses yung gabi nagising sya at nagpunta kami sa balcony ng bahay namin. We watched the stars.
Ganito din iyong gabi na isa sa special date para sa akin nung ayain ko sya na mag-date sa Tagaytay. Ang dami ding stars noon. Tanda ko pa lahat ng mga masasayang gabi iyon ng aking buhay kasi lahat ng iyon dahil sa kanya.
Sya yung buwan ko sa mga gabing iyon. Sya iyong nagbibigay ng liwanag sa madilim na side ng aking buhay. Kaya nga binigyan ko sya ng crescent moon necklace at pina-tattoo ko ito dahil para sa akin sobrang special nya kasi sobrang mahal ko sya.
At muli isang mahabang katahimikan ang dumaan sa dalawa sa ilalim ng isang napakagandang langit na punong-puno ng mga bituin.