Maagang umalis si Donny dahil terror ang prof nila sa Social Science subject nila kaya ayaw nyang ma-late dito. 7:30 am ang time nila at umalis sya ng 5:30 am para hindi din abutan ng traffic at maiwasan sila Shar. Hindi sya nakapagpahatid sa driver nila dahil Wednesday ang coding ng sasakyan nila kaya no choice sya kundi magcommute sa ganitong araw.
Paglabas nya ng subdivision nila ay nakita nya si Sunny na nag-aabang ng taxi huli na para maiwasan nya ito dahil nakita na sya.
"Dons, buti nakita kita. Bakit wala kang service?"-Sunny
"Coding eh. Simple nyang sagot."-Donny
"naku! Sakto pala may kasabay ako pagpasok."-Sunny
"Wala pa bang nadaan na taxi or uv van?"tanong nito kay Sunny
"Wala eh even grab nga wala akong mabook."-Sunny
Hindi na umimik si Donny. Siniko sya bahagya ni Sunny at may pinapakita sa cp nito, ayun pala ay kavideocall na agad nito si Shar habang nasa biyahe din papasok ng school.
"Kapag nga naman sinuswerte ako. Tsk!"pilit na ngiti at kaway ang binigay nito kay Shar sa cp.
Kilig na kilig naman ang babae sa kabilang linya na akala mo ay nanalo sa lotto dahil sa sobrang saya nito.
6:00 am na at wala pa ring nadaan na sasakyan. No choice na sya kundi ang sumakay sa jeep or sumabit dito dahil punuan na ang lahat ng nalagpas. Ayaw naman nya na ma-late at baka ibagsak sya ng kanyang prof. Kaya nung may dumaan na jeep at balak na nya sumabit ay pinigilan sya ni Sunny.
"Hoy! Baka malaglag ka dyan. Maghintay na lang tayo at baka may dumaan pa na wala masyadong laman. Traffic pa din naman sa mga dadaanan natin."-Sunny
May point din naman ang dalaga at naghintay sila ng jeep hanggang sa may tumigil sa tapat nila na van.
"Hop in" boses ni Shar
"Wag na maghihintay na lang ako"-Donny
"Halika na kesa ma-late ka pa"-Sunny
Wala nang nagawa si Donny kundi ang sumabay. Nagkaroon tuloy sya ng utang na loob dito. Along the way papuntang school, walang ginawa ang dalawa kundi interviewhin si Donny.
"Dons, don't be offended. Pwde ba malaman if may gf ka na?"-Sunny
"Ha? Bakit mo natanong?"-Donny
"May ipapakilala kasi akong single kung sakaling available ka pa. Don't worry she's beautiful and kind like me."-Sunny
"I already have a girlfriend"-Donny
Nagkatinginan sinanSunny at Shar.
"Bakit wala kaming nakikitang kasama mo or any post sa social media?"-Shar
"Low key kasi kami pati ayaw nya ng showy masyado. Mahiyain yun eh"sagot nya na para bang meron talaga.
Buti na lang at malapit na sila sa school kaya hindi na ulit pa nakapagtanong ang dalawang dalaga. Nagpasalamat naman si Donny at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Kailangan na nya makahanap ng magpapanggap na girlfriend dahil panigurado magsisimula na sila Shar at Sunny hanapin kung sino ba talaga ang girlfriend nya.