"Huyyy! Ano? Hindi mo ako kakausapin?" kinalabit ni Kisses ang braso ni Donny.
"Ha? Bakit? Anong meron?" nagtataka si Donny kay Kisses.
"Ewan ko sa'yo. Ano bang problema?" nainis na rin si Kisses dahil alam nya may problema si Donny sa nakita nito sa social media.
"Wala. Wag mo na akong pansinin." pagmamaktol ni Donny.
"Para kang bata! Isa! Wag mong paabutin ng tatlo." banta ni Kisses.
"Eh kasi naman. Alam naman na may boyfriend ka na tapos imemention ka pa. Respeto sa boyfriend." sabay turo ni Donny sa sarili nya.
Natawa naman si Kisses sa boyfriend nya. Dahil para itong batang nagmamaktol. Ganun si Donny kapag nagseselos parang sya din tatahimik pero unlike her hindi sya gagawa ng kahit ano hanggang tanungin sya ni Donny. Samantalang si Donny ang nguso about Edsa sa haba kapag nagseselos.
"Ang nguso mo ha? Halikan kita dyan." sinadya ni Kisses yun para mawala selos ni Donny.
Pero mukhang walang epekto dahil nakapangalung baba ito sa manibela habang nakanguso pa rin. Sa sobrang tuwa ni Kisses sa pagseselos ni Donny ay hinila nya ang binata hinawakan ang dalawang pisngi at hinalikan nya si Donny sa labi. Nung una madiin lang pero ng babawiin na ni Kisses ang knyang labi ay bigla syang pinigilan ni Donny at niyakap ng mahigpit habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Ang madiin at mabilis sanang halik ni Kisses ay nauwi sa isang passionate kiss. Unti-unting ginalaw ni Donny ang kanyang mga labi ng maramdaman na tumutugon ng dalaga sa kanyang halik at nagawa pang maipasok ni Donny ang kanyang munting dila sa bibig ni Kisses. Bigla namang napaungol ang dalaga dito para nabuhusan ng tubig si Donny.
Tama sa pakiramdam pero mali ang sitwasyon. Unang-una sinamantala nya kahina ni Kisses. Pangalawa, hindi cheap si Kisses para halikan lang sa kung saan-saan sobra ng respeto nya sa dalaga at ikatlo muntik na syang makalimot. Hindi dapat mangyari ang ganun dahil nangako sya na ihaharap pa ang dalaga ng malinis sa altar.
Inilayo ni Donny si Kisses kahit na nakapikit pa rin ang dalaga. Agad naman nagmulat si Kisses at namula. Napangiti si Donny kay Kisses at ganun din ang dalaga pero humingi pa rin ng tawad ang binata dahil sa naging asal nya.
"Sorry Love, nadala ako ng emosyon." hindi makatingin si Donny kay Kisses.
Agad naman sinalo ng dalaga ang baba ni Donny at tiningnan sa mata.
"Pareho nating ginusto, okey? Sana sa halik na yun malaman mo na wala kang dapat ipagselos na kahit kanino." ngiti ni Kisses kay Donny.
Tanging tango lang ang nasagot ni Donny. Para syang bata na sunud-sunuran kay Kisses. Ganun nya kamahal ang dalaga.
Pagkatapos ng matinding pag-uusap ay umuwi na ang dalawa buti na lang at sa may medyo tago ang parking ng kotse ni Donny at tinted ang sasakyan nya kaya walang nakakita sa nangyari sa loob ng sasakyan.
Back to normal na naman ang dalawa at natuloy din ang Villa Escudero outing nila
Sobrang nag-enjoy ang magbabarkada at sinulit nila ang buong maghapon sa Villa dahil sa mga susunod na araw ay hindi sila magkikita-kita dahil nga sembreak nila at may kanya-kanya silang family outing.Sina Donny pupunta ng Australia para sa Hill Song conference. Sina Kiko at Kisses naman ay pupunta ng Masbate para makabonding ang kanilang kamag-anak doon. Si Jerome naman ay sasama kay Mika sa Taiwan para magbakasyon. Si Elmo naman ay magbabakasyon kina Maxine sa kanyang kapatid at iba naman ay mag-oout of the country.
Mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay mag-Christmas season na. Magkausap sina Kisses at Donny sa bahay nila Kisses.
"Dito kami mag-Christmas. May christmas party ang barangay Pangilinan. Gusto ko sana isama ka para makilala ka ng buong angkan ko." sabi ni Donny habang nanonood ng Netflix sa sala nila Kisses.
"Ha? Hindi ba nakakahiya?" napainom ng juice si Kisses.
"Bakit ka mahihiya? eh ang tagal ka na nga nilang gustong makilala ka." habang nasubo ng chips.
"Buong angkan mo kasi nandoon eh." kinakabahan si Kisses dahil baka hindi sya magustuhan ng relatives ni Donnt although ang iba sa kanila ay nakilala na nya nung birthday ni Solana. Pero iba ngayon dahil buong Barangay Pangilinan na makikilala nya.
"Wala ng pero pero. Sabi ni Tita dito daw kayo mag-Christmas. Ganito na lang para fair isama mo ako sa Masbate, doon ako mag-New Year para makilala ko relatives mo."-Donny.
"Wow! Nagschedule ka na pala. Hahahaha hindi ako nainform." biro ni Kisses.
"Puro ka kalokohan ihh. Seryoso ako. Gusto ko makilala relatives mo. Sasama ka sa akin tapos sasama ako sa inyo. Pinagpaalam na kita kay Tita at okey lang daw basta iuwi kita." seryosong sabi ni Donny.
Wala ng nagawa si Kisses hindi naman sa ayaw nya makilala relatives ni Donny pero alam naman nya na hindi totoo ang relasyon nila bakit magdadagdag pa sila ng mga lolokohin?
"Baka naman seryoso na si Donny sa kanya? Napansin nya kasi na recently nagmamature na ang binata. Hindi na rin ito nagseselos masyado at parang totoong mahal na rin sya ng binata. Minsan ang hirap manghula. Tanungin ko na kaya?" sabi ni Kisses sa isip nya.
Napalingon sya sa binata na seryoso pa rin sa panonood nito sa Netflix habang nakasandal sa sofa at sya naman ay nakaunan sa dibdib ng binata.
Sino ba hindi mafafall kay Donny na kahit ganito lang sila ay hindi pa rin nya maiwasang hindi kiligin sa binata.