Part 9

545 33 0
                                    

Hapon na when they decided to swim. May pool sila Donny sa likod bahay nila kung saan din naganap ang party ni Solana.

"Guys! Ano? Gusto nyo na ba magswimming?"-Donny

"Sige bro. Magpalit lang kami." sabi ng barkada.

"Kisses, hindi ka ba maliligo?" tanong ni Devon kay Kisses ng mapansin nitong hindi ito nakilos.

"Nilalamig kasi ako baka mamaya na lang."-Kisses

"Sure ka ba?"-Jane

"Gusto mo mamaya na rin kami maligo?"-Sophia

"No, I'm fine. Ligo na kayo. Panoorin ko na lang kayo."-Kisses

"Sige, bihis lang kami. Tara girls."-Devon

Napansin naman ng mga kapatid ni Donny si Kisses na nakaupo lang sa tabi ng pool.

"Kisses, hindi ka maliligo?"-Ella

"Mamaya na lang siguro medyo nilalamig ako eh. Kayo ba? "-Kisses

"Ako, hindi ako magswim kasi mamaya aalis na rin ako gawa ng flight namin pabalik ng Florence."-Ella

"Ligo tayo ate Kisses."-Sola

"Later na lang ako Sola"-Kisses

"Sige na Kisses, pagbigyan mo na si Sola since birthday naman nya ngayon. Pretty please."biglang sulpot ni Donny

"Sunod na lang ako mamaya. Nagkukwentuhan pa kami."-Kisses

"Pwde naman dun natin ituloy ang chikahan habang nasa pool."-Hanna

Walang lusutan si Kisses kaya nag-excuse sya na kukunin ang bag na may lamang damit. Sumunod sya sa taas para makapagbihis na rin. Samantalang sila Ella ay nagreready na sa kanilang pag-alis. Sina Hanna at Solana naman biglang tinawag si Kisses na pumunta sa kanilang room.

"Kisses, halika dito."-Hanna

"Nakakahiya sa inyo. Doon na lang ako sa guest room magbibihis."-Kisses

"No ate Kisses. The room is so big for us. Come in ate."-Sola

Hindi makahindi si Kisses kapag si Solana na ang nagrerequest. Paano ba iresist ang charm ng isang batang katulad nya? Napakabibo at matured mag-isip. Sobrang cute and adorable pa.

"Patingin naman ako ng damit mo ate."-Sola

"Ha? Ah eh! Wag na Sola. Suprise ni ate."-Kisses

"Let me check Kisses."-Hanna

May pagkafashionista din kasi si Hanna like her mom and ate kaya marunong ito regarding sa mga taste, kung anong bagay at baduy sa isang tao.

Nakialam na si Hanna sa mga gamit ni Kisses. Nagulat sya dahil simpleng black sleeveless lang at maiksing short ang ipangliligo nito samantalang ang mga kaibigan nitong babae ay mga naka-two piece pa.

"Gusto mo ba manghiram ng damit sa akin? I mean you have a flawless skin to show off and feeling ko sexy ka naman. Why not expose it?"-Hanna

"Ha? No! I mean, hindi ako sanay."-Kisses

"Sa una lang yan pati diba mas comfortable if swimming attire talaga gagamitin mo?"-Hanna

Wala nang nagawa si Kisses at sinumulan na sya ihanap ng swimsuit ni Hanna na tyaka na babagay sa kanya. And viola! She found a perfect swimsuit for Kisses.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon