Part 46

542 31 10
                                    

They celebrate sa pinakamalapit na restaurant sa kanilang school. Dahil ok na sina Donny at Kisses at bukod sa award nito ay mukhang napanalunan na rin nya ang puso ni Kisses kaya nilibre nya ang buong barkada.

"Love, baka maubos allowance mo?" concern si Kisses.

"Ok lang Love, may pera pa naman ako pati minsan lang din ito. Daming reason to celebrate." Donny winked at Kisses.

"Pero hinay-hinay lang ha? Baka pagalitan ka ng parents mo."-Kisses

"Thank you Love sa pagsasabi sa akin ng mga tamang gawin. I appreciated it." Donny kiss Kisses' forehead.

Nakita naman ito nila Jerome at nagsimula na naman silang tuksuhin ng mga ito.

"Iba ang manok ko. PDA na bro. Hahaha" pang-aasar ni Jerome.

"Ang sweet baka langgamin." dagdag ni Devon.

Namula naman si Kisses at nahinto lang ng asaran ng dumating na ang kanilang food.

They ordered para sa dinner and konting alcoholic beverages dahil magdrive pa ang mga boys para mahatid ang mga girls.

"Bro, ano?! Hindi na nainom? Bagong buhay na?" tanong ni Jerome kay Donny.

"Pass ako bro, nakakahiya kay Kisses pati magdrive pa ako."-Donny

"Wow! Andres na pala bagong name ni Donny. Hahaha" pang-aasar ni Elmo.

"Oy! Hindi ko sya pinipigilan ha? Ang sa akin lang drink moderately lang." depensa ni Kisses.

"Grabeee Kisses! Bakit kaming mga pinsan mo hindi mo pinagsasabihan? Nakakatampo ha? Kami lang ba gusto mong mamatay? Hahaha" kunwaring tampo ni Kiko.

"Eh hindi bagay Kuya. Hahaha. Wag kayong maniwala dyan, pinagsasabihan ko din sila."-Kisses

Nagtawanan ang magbabarkada dahil alam nila na naaasar na si Kisses kaya to the rescue si boyfriend.

"Tama na guys, baka mainis girlfriend ko sige kayo pagbabayarin ko." biro ni Donny.

"Kayo ha?! Bakit nyo inaaway si Kisses. Itong si Kiko parang hindi pinsan eh. Hahaha" tawang-tawa si Jerome habang kunwaring pinagtatanggol si Kisses.

"Isa ka pa! Hahaha"-Kiko

"Kain na tayo guys. Gutom na ako."-Devon

Kumain na ang magkakaibigan habang sina Donny at Kisses may sariling mundo.

"Love, gusto ko ng fries." lambing ni Donny kay Kisses.

Alam na ng dalaga kapag naglalambing si Donny kaya kumuha ito ng fries at dip para maisubo kay Donny. Ganun sila kapag nasa harap ng mga kaibigan nila, very sweet pero sa ngayon hindi na naiilang si Kisses at tingin nya kaya na rin nya gawin yung kay Donny kapag sila ng dalawa.

"Love, hindi ka talaga iinom?"-Kisses

"Hindi Love, nakakahiya sayo kasama kita tapos iinom ako? Mas gusto ko pang kausap ka kesa mag-inom. Isa pa ihahatid pa kita sa inyo."-Donny

"Sasabay na lang ako kay Kuya para hindi na hassle sa'yo."-Kisses

"Para naman akong hindi boyfriend non. I know iingatan ka ni Kiko pero Love, iba pa rin kapag nakita kitang safe nakauwi." pinisil ni Donny ang baba ni Kisses.

Kinilig naman si Kisses sa konting gesture ni Donny. Ito ang weakness nya kapag naglalambing at nagiging sweet si Donny although sweet naman talaga ito. Hindi nya lang alam kung hanggang kailan sya masasanay.

Busog na ang mga girls samantalang ang mga boys ay nagsisimula na ring uminom. Inabutan ni Jerome si Kisses ng San Mig apple flavor.

"Kisses, oh?"-Jerome

"Oy Je, wag mo nga turuan girlfriend ko uminom." saway ni Donny kay Jerome.

"Hala! Para sa toss lang yan. Ang kj nito eh."-Jerome

"Sa toss lang Love. Don't worry hindi ako nainom." Kisses smiled at Donny

"Okay! Cheers!" nakigaya na din sa Donny sa pagtaas ng shot glass ng kanyang mga kaibigan.

Exactly 9 pm na nagkayayaan ang mga magkakaibigan umuwi. Sabay na umuwi sina Jerome, Elmo, Sophia at Jane while Devon is on Kiko's car and Kisses on Donny's car.

"Love, inaantok ka na?" napansin ni Donny na humikab si Kisses.

"No Love." tanggi ni Kisses.

"Ok lang Love. Gisingin kita kapag nasa inyo na tayo." Donny reclined the seat for Kisses.

"Idlip lang ako Love ha? Hindi ko mapigil eh. Sorry." Kisses smiled at Donny and she close her eyes.

Panay ang lingon ni Donny kay Kisses while driving. Nag-magstop ang mga sasakyan dahil sa stop light he look at Kisses once again. Napaisip si Donny kung gano sya kasuwerte sa dalaga. Sobrang bait nito kahit minsan pabago-bago ang isip. He understand it kasi nga naman baka nabigla ito sa set up nila pero as time goes by lalo nya nakikilala ang dalaga bukod sa maganda ito ay mapagmahal din ito sa mga magulang nito dahil sa mga advises na sinusunod nito. Mabait, matalino at puno ng kindness ang puso nito, ilang beses na nya nawitness ito. Kaya naman nasabi nya na hindi na nya ito sasayangin pa, mamahalin na nya ng buong puso ang dalaga hanggang sa maging tunay na ang pagpapanggap nilang dalawa.

"Love, wake up. Malapit na tayo." Donny caressing Kisses cheek. Sobrang amo ng mukha nito. Ang sarap pakatitigan parang anghel na lupa.

"Hhhmmm 5 minutes Love." Kisses grab Donny's hand and she hold it very tight.

Kinilig naman si Donny at hinayaan lang na nasa ganun silang position.

"Love, 5 minutes is up! Gising na po mahal na prinsesa baka hindi na kita mabisita ulit dahil hindi kita inuwi on time." gising ni Donny kay Kisses.

Inayos ni Donny ang upuan habang si Kisses naman ay nag-aayos ng kanyang sarili. Bago bumaba si Kisses ay lumingon ito kay Donny.

"Congratulations Love." sabay halik ni Kisses sa pisngi ni Donny. Hindi naman agad nakakilos ang binata dahil sa bilis ng dalagang bumaba ng sasakyan.

Tumakbo si Kisses papuntang gate at nagmamadali nagpaalam kay Donny at nagderecho sa loob ng bahay. Nagulat man si Donny sa ginawa ni Kisses pero ilang boltahe naman ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan dahil ito ang unang bese na hinalikan sya ng dalaga ng bukal sa puso nito.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon