Nagkakausap na pala sila Shar at Donny? Bakit hindi nya alam? Kaya ba ganun si Donny sa kanya kasi ok na sila ni Sharlene? Hindi maalis sa isip ni Kisses ang mga tanong na ito. Hindi na rin sya nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong kay Donny dahil after ng mga nangyari, hindi na sila muling nagkausap pa bukod sa busy din ito sa nalalapit na basketball league at sya naman sa kanyang pag-aaral.
Lumipas ang mga araw na hindi na sya nasusundo ni Donny although nagtetext pa rin ito sa kanya ay hindi na gaya ng dati.
"Ako ba ang mali?" Pag-ooverthink ni Kisses. Hindi nya alam kung anong dapat gawin.
Ilang araw na lang at malapit na ang unang laban ng campus nila sa basketball league. Ito ay nilalahukan ng mga international schools at ilang sikat na campuses around the area.
Naging busy din ang kanilang campus dahil dito gaganapin ang first game para sa nasabing laro.
"Best, kamusta kayo ni Donny?" tanong ni Devon kay Kisses.
"Ok naman best." sagot ni Kisses.
"Bakit parang ang lungkot?" tanong ni Devon.
"Best, sa tingin mo ba dapat makipagbreak na ako sa kanya?" Kisses.
"Bakit? Dahil sa mga umaaway sayo? Pero di ba mahal mo si Donny at alam kong mahal ka rin nya." Devon
"Ang hirap kasi best." Kisses.
"Alam ko na NBSB ka kaya ka nahihirapan pero best, Donny is worth fighting for. Believe me. Matagal ko ng kaibigan si Donny. I'm not saying this because of that, but I see Donny how he's looking at you. The way he cares for you. Sobrang mahal ka nung tao. Lagi naman kasi may nasasabi ang mga tao eh hindi maiiwasan yan. Ang gawin mo labanan mo in the sense of mas ipakita mo pagmamahal mo kay Donny. Gusto mo bang mapunta lang si Donny sa mga bruhang yun?" Devon
"Thank you best." narealize ni Kisses na may point si Devon. Ang hirap kasi kapag wala ka pang experience being in a relationship pero ang mahirap dito paano nya sasabihin na hindi naman totoo ang lahat ng nakikita nito. Oo, mahal na nya si Donny pero totoo ba na mahal din sya nito?
The Game is on... Ayan ang maririnig na announcement sa buong campus. Puno ang buong gymnasium dahil sa mga students from the other schools and of course para sa host campus.
Tinext ni Donny na hindi nya maisasabay si Kisses dahil sa maagang call time nila for the preparation para sa game mamaya. Kisses congratulate Donny in advance dahil alam nya na mananalo ang team ng mga ito.
"Best, dali na. Nandun na sila Soph at Jane. They are waiting for us." hila ni Devon kay Kisses.
"Best, una ka na sa pwesto natin. Ihing-ihi na kasi ako." Kisses
"Bilisan mo ha?" Devon.
Umuna na si Devon sa loob ng gymnasium samantalang si Kisses ay nagpunta sa restroom. Habang nasa loob sya ng cubicle, may naririnig sya mga footsteps sa labas. Akala nya mga mag-CR lang din na mga babae pero nung lalabas na sya ay hindi nya mabuksan ang pinto.
"Hoyyy! Buksan nyo ito." sigaw ni Kisses at ang narinig nya lang ay tawanan. Kung hindi sya nagkakamali ay mga boses ito nila Shar.
"Tara na! Hayaan nyo na yan dyan. Bye Kisses. Balikan ka na lang namin after the game." at umalis ang magbabarkada.
"Shar! Buksan mo ito! Hindi na ako natutuwa sayo ha?"
Inuubos na talaga nila pagiging mabait ni Kisses. Panay naman ang kalampag nya sa pintuan ng CR at sabay hingi ng saklolo. Kinuha nya ang kanyang cellphone pero walang signal sa loob ng CR.
"Paano ako makakalabas dito? Humanda talaga sa akin yang si Shar. Nauubos na talaga pasensya ko sa kanya." nanginginig na sabi ni Kisses at nararamdaman nya na umiiyak na sya.
Samantalang sa loob ng gymnasium, punong-puno ng mga students ito at hindi magkamayaw dahil sa mga sigaw at cheer ng mga students na may kanya-kanyang bet na mga players at team.
Ang first game will be their school UDM against SJU school. Tinatawag na lahat ng players ng mapansin ni Donny na wala si Kisses sa group of girl friends nya. He texted Devon since ito ang bestfriend ng dalaga.
"Nasaan si Kisses?" Donny asked.
"Sabi nya mag-CR lang daw baka mahaba ang pila." Devon
Nasa first five si Donny pero wala sa game ang kanyang concentration. Kaya naman he missed the lay up.
"Donny! Focus!" sigaw ng Coach nila.
"Sorry ko coach." paumanhin ni Donny pero nawala na sya sa tyempo kaya naman pinaupo muna sya ni Coach after 3 mins.
Hindi na talaga mapakali si Donny kaya kinuha nya ang cp nya agad nagdial. Walang sumasagot sa kabilang linya. Naisip nya na wala nga pa lang signal sa loob ng CR pero iba pakiramdam nya. Kaya nag-excuse sya sa Coach nya at sinabing mag-CR lang sya.
"Bilisan mo! Ano ba team? Dapat walang excuses. First game natin ito. Naduduwag ba kayo?" naiinis na sabi nito dahil laman na ang kalaban.
Umalis si Donny at nagpunta sa may Ladies Room. He heard a crying lady sa may dulong part ng girl's restroom.
"Kisses? Nandyan ka ba?" tanong ni Donny habang nalapit sa may dulong cubicle.
"Donny? Nandito ako. Please! Help me get out of here." iyak na sagot ni Kisses.
"Sshhhhh! Don't cry. Wait, buksan ko ito." pagbukas ni Donny ay nakita nya ang luhaan na si Kisses. Agad itong niyakap ng binata at hinalikan ng hinalikan sa noo at buong mukha para mapatahan lang.
"Sinong may gawa sayo nito?" tanong ni Donny pero may idea na sya kung sino.
"Sila Shar." sagot ni Kisses na nagpapahid ng luha.
"Sumosobra na talaga sila." hindi kasi magantihan ni Donny ang mga babae dahil babae pa rin ang mga ito at hiling na rin ni Kisses para wag ng lumaki ang gulo pero dahil sa ginawa nito lalo syang nainis. Kakausapin na nya talaga ang grupo nila Shar para matigil ang mga ito.