Naunang gumising si Devon at agad itong lumabas at may kinausap sa cellphone. Samantalang si Kisses ay tulog na tulog sa kanyang higaan.
Pagbalik ni Devon ay may dala itong dress na pang-beach ang theme para isuot nila ni Kisses mamaya sa party. Napansin naman ni Devon na tulog pa rin si Kisses kaya ginising na nya ito para makapaglunch at makapag-ayos na para sa wedding mamaya.
"Best, gising na. Hindi pa tayo naglulunch baka magutom tayo mamaya. Mga 4 pm ang calltime. Nakakahiya sa ikakasal kapag late tayo." Inaayos na ni Devon ng damit nila ni Kisses para mamaya.
"Sorry best. Napagod siguro ako sa biyahe."
Mahaba-haba rin ang naging biyahe nila mula Manila papuntang Batangas.
Lumabas ang dalawa ng cottage at kumain sa restaurant sa may bandang lobby. Nagtataka naman si Kisses dahil parang walang katao-tao sa resort na ito to think na sobrang ganda ng lugar para hindi ito dayuhin.
"Hmmm best, nasaan na yung ikakasal?" curious na tanong ni Kisses dahil wala syang ibang makitang tao kundi sila lang dalawa ng kaibigan nya at mga staff ng resort.
"Nasa rooms nila. Surprise kasi ito. May pa-blindfold pa nga kanina yung bride nung dumating. Gusto kasi nito beach wedding eh hindi nya alam ito na yung dream wedding nya." sagot naman ni Devon.
"Swerte naman ng bride. Sana all." Kisses sighed and sumubo na sya ng pagkain.
Habang si Devon ay hindi mapigilan ang awa sa kanyang bestfriend. Sobra ang pag-iisip nito kay Donny na kanina nya pa napapansin.
After nilang maglunch, nilibot nila ang resort. Ang restaurant ay nasa may lobby ng resort na nasa pinakataas na area kaya naman tanaw mo mula dito ang kabuan ng lugar kasama na ang breath taking view na dagat. Tanaw din dito ang sumbrero island at iba pang isla na kung saan sikat sa diving spot.
Madaming rooms sa lugar na hawig ng Santorini sa Greece kaya naman naenjoy nila ng sobra ang view. Nagpicture-taking pa ang dalawa.
Nagpost naman si Kisses ng solo picture nya sa IG na may caption na, "Wish you were here 😞". Agad naman itong nilike ng mga kaibigan nila ni Donny at maging si Devon na kasama nya sa lugar.
Sobrang ganda ng lugar. Ang puti at pino ng buhangin na maitutulad mo sa Boracay. Ang dagat ay asul na asul. Tanaw sa kanila ang ilang bangka na lulan siguro ng ilang mga bakasyonista na gustong subukan ang island hopping at ibang activities pa mula sa kabilang mga resorts.
"I'm in paradise. Dito na lang tayo best. May ganitong lugar pala bukod sa beaches sa Masbate." sabi ni Kisses habang nakapikit at nakataas ang dalawang kamay.
Natuwa naman si Devon sa nakikita nya kay Kisses mukhang masaya na ang dalaga. Susunod ang highlight ng kanilang weekend get away.
"Best, tara na. Bihis na tayo at mag-ayos na tayo." aya ni Devon kay Kisses.
Agad namang sumunod ang dalaga sa kaibigan na patalon-talon pa. Sobrang excited sya para sa wedding mamaya. Ang swerte ng bride dahil binigay ng kanyang magiging groom ang kanyang dream wedding.
"Ako kaya? Kailan?" tanong ni Kisses sa sarili.
Never pa kasi nila napapag-usapan ang ganon dahil ang gusto nya ay kapag nag-25 na sya tska sya mag-aasawa. Sa ngayon ay turning 22 pa lang naman sya at hindi naman sila nagmamadali pero aaminin nya, naiinggit sya sa bride.
Pagbalik nila sa resort ay wala pa ring text or call ang binata sa kanya. Nainis si Kisses at tuluyan ng pinatay ang kanyang cellphone. Need nya mag-enjoy. Susulitin na nya talaga ito. Bahala na ang Donato na iyon na wala man lang pakialam sa kanya.
Hindi na rin inupdate ni Kisses si Donny sa sobrang inis. Hayaan nya itong mag-alala upang kamustahin sya ng binata pero mukhang bigo sya kasi sya itong nag-aalala para sa kanyang boyfriend.
Nagsimula na mag-ayos ang dalawa at nagbihis. Parehong white dress ang suot nila pero mas higit na maganda ang kay Kisses. Isa itong white chiffon summer beach dress na spaghetti strap na backless sa likod. Litaw na litaw ang kagandahan ni Kisses na animo isang diwata sa sobrang ganda.
Inayos din ni Devon ang buhok ni Kisses. Nilagyan nya ng hair pins ang kabilang side ng buhok ni Kisses at nilagyan itong ng bulaklak na para syang si Marimar. Kinulot din ng konti ni Devon ang laylayan ng buhok ni Kisses.
Sa paa naman ni Kisses ay binigyan nya ito ng isang flat sandals na bagay na bagay sa kanyang damit.
How come na ang kumpleto ang bestfriend nya samantalang ang tanda nya ay tig-isa lang sila ng backpack ng kanyang bestfriend.
"Huwag ka ng magtaka. Provided ito lahat ng groom." tila nabasa ni Devon ang nasa isip ni Kisses.
"Paano nya nalaman ang size ng paa ko? Pati bakit ganito ang itsura ko? Baka matalbugan ko pa ang bride." biro ni Kisses kay Devon.
"Maganda ka lang talaga best. Kaya kahit anong isuot mo ay mukha kang Anghel sa lupa. Ang bilin ni Donny. Huwag ka daw titingin sa mga boys ha? So behave. Baka sumugot yun dito." habang tinatapos naman ni Devon ang kanyang pag-aayos sa sarili.
"Hayaan mo sya. Nandito tayo para mag-enjoy. Nag-eenjoy din naman sya sa pagtatrabaho nya eh." inis na sabi ni Kisses.
"Oh! Wag iiyak. Sayang ang ayos mo. Mag-enjoy ka lang best. Isipin mo na para sa iyo talaga ang araw na ito." ngumiti naman si Devon ng ubod tamis sa kaibigan.
Lumabas na ang dalawa. Medyo mababa na ang araw at kita na ito mula sa dagat kung saan daw ikakasal ang kaibigan ni Devon.
Namangha naman si Kisses sa ganda ng ayos. Actually, wala syang nakikitang mga upuan na usual sa mga ikakasal. Nakita nya lang mula sa kinatatayuan nya ang isang tulay na kahoy na sa dulo ay may cavana na may dalawang upuan na parang sa wedding na may decor na white cloth.
Ang buong cavana ay may puting mga tela na parang kurtina ang pagkakaayos nakadagdag pa sa ganda nito ang hangin na humahampas dito.
Sa tulay naman na dadaanan ay may mga petals na nakalatag at medyo nililipad ng hangin papunta sa direction nya. Ang gilid ng tulay ay may mga puting rosas na nagpapatingkad sa lalakaran ng bride.
"Best, sobrang ganda." naiiyak na sabi ni Kisses kay Devon.
"Gusto mo bang makita ang dulo?" tanong ni Devon.
"Baka magsimula na ang kasal."
"Hindi yan. Akong bahala." inalalayan nya pa si Kisses sa pagbaba patungo sa buhanginan.
Habang palakad si Kisses ay pababa na rin ang araw. Ang gandng pagmasdan ang sunset habang papalapit sya sa may tulay.
"Best, una ka na. Mamaya ko na yan titingnan. Naiihi na talaga ako eh." sabi naman ni Devon kay Kisses.
"Best, baka magalit ang ikakasal sa akin." nagtataka man ay tinuloy na ni Kisses ang paglalakad.
"Mabilis lang ako promise. Sunod ako." tumakbo na paalis si Devon.
Si Kisses naman ay masyadong nahumaling sa paglalakad hanggang makarating sya sa tulay na kahoy. Paghakbang nya ay may narinig na syang tunog ng guitar. Ngunit hindi nya iyon pinansin dahil baka hangin lang iyon na lumikha ng tunog.
Pagdating ni Kisses sa kalagitnaan ng tulay ay medyo nagdidilim na at bigla syang nagulat ng may mga munting ilaw na nagsindi sa paligid.
Sa sobrang pagkamangha ay tinuloy nya ang paglalakad. Feeling nya nga sya ang bride na naglalakad sa aisle papunta sa kanyang groom na naghihintay sa dulo ng tulay.
Pagdating ni Kisses sa dulo ay nagulat sya ng makita na isa itong dining table na may taklob ng puting tela kasama ang dalawang upuan na tanaw nya kanina.
Pinicturan nya ang buong lugar. Sobrang ganda talaga ang wedding na ito nasa isip ni Kisses. Pinikit nya pa ang kanyang mga mata upang lasapin ang moment na iyon.
"Nagustuhan mo ba?"