Championship Game!
"Best, what time tayo aalis?" tanong ni Kisses kay Devon habang nag-aayos sila sa CR.
"Wait lang natin sila Jane then punta na tayong San Juan Arena." doon kasi gaganapin ang championship game ng UDM at UP.
Excited ang lahat even yung buong school parang fiesta na. Siguro ramdam nila na magchachampion sila this year.
Dumerecho ang magkakaibigan sa mismong arena. Kita na nila ang mga boys na nagshoshooting at stretching para sa game.
"Bro, sina Kisses." sabay pasa ng bola ni Jerome kay Donny.
Agad naman lumapit ang binata kay Kisses at hinalikan ito sa pisngi. Kung dati nahihiya pa si Kisses ngayon sanay na sya sa ganun nilang set up.
"Aga nyo naman. Kumain ka na?" tanong ni Donny habang inaayos ang ilang hibla ng buhok ni Kisses na nalaglag sa pagkakaipit nito sa kanyang tenga.
"Agang sweetness ah?" sabi naman ni Elmo.
"Mag-girlfriend ka na kasi ulit." sigaw naman ni Kiko. After kasi ng break up nito kay Jea ay wala na ulit itong naging girlfriend.
"Darating yun. Malay mo nasa tabi-tabi lang." sagot ni Elmo sabay shoot ng bola.
"Wag na kayong mainggit guys. Love, wait lang ha? Kuha lang ako ng wallet." sabay takbo ni Donny sa gamit nya at inabot kay Kisses. Tanging towel lang at gatorade ang naiwan sa upuan nila dahil ang bag nya ay inabot nya kay Kisses.
"Kuha ka na dyan Love. Magbreakfast muna kayo." utos ni Donny kay Kisses.
"Wag na Love. Kumain na naman kami eh. Iikot na lang muna kami." sabi ni Kisses.
"Sure ka ha? Sya iwan nyo muna gamit nyo dito. Wag kang lalayo ha? Baka mamaya may mameet ka mga boys sa labas. Sabihin mo may boyfriend ka na ha? Wag na kaya kayong lumabas." hindi mapakali si Donny.
"Para kang tanga!" sabay batok ni Jerome kay Donny.
"Piringan mo para hindi makakita." suggestion naman ni Elmo.
"Eh di nadapa pinsan ko. Tigilan nyo nga si Kisses. One woman man yan. Kaya bro, nothing to worry about." sabay tap ni Kiko kay Donny.
"May tiwala naman ako kay Kisses. Doon sa mga boys lang na makakasalubong nya ako walang tiwala. Sa ganda ba naman ng girlfriend ko kahit sino napapalingon." sabay kindat kay Kisses.
"Eh eng lende nemen ni Donato boy!" panggagaya ni Devon kay Vice Ganda.
Nagtawanan ang lahat at gaya ng dati si Kisses namumula na naman sa sobrang hiya.
"Tama na muna yan. Gutom na kami." singit naman ni Sophia.
"Ito! Napakatakaw talaga eh kaya nataba eh. Hahaha" pang-aasar ni Jerome.
"Kung wala kang jowa iisipin ko crush mo ako. Ako na naman nakita mo eh." sabay irap ni Sophia kay Jerome.
"Tama na yan. Magkakapikunan na naman kayong dalawa. Bili lang kaming food. Gusto nyo ba?" tanong ni Devon sa mga boys.
"After the game na lang. Love, pakabusog ka ha? Para makasigaw ka ng pangalan ko." singit ni Donny.
"Hindi ko na kailangan kumain ng marami para isigaw ang pangalan mo kasi araw-araw ka namang sinisigaw ng puso ko." banat ni Kisses.
"BOOMMMM! hahahaha Donato left the group." pang-asar ni Jerome.
"Tahimik ka bigla. Hahaha" dagdag ni Elmo.
"Hindi napaghandaan ni Donato. Hahahaha" pang-aasar ni Kiko kay Donny.
Natahimik si Donny. Totoo nagulat sya sa mga banat ni Kisses. Hindi nya napaghandaan pero aaminin nya ngingiti-ngiti sya sa gilid pero kinikilig sya.
"Namumula na si Donny. Tara na nga para makabalik din agad tayo." aya ni Devon.
"Si Kisses ha? Baka mawala yan. Papakasalan ko pa yan." sigaw ni Donny nung makita na palabas na ang mga girls.
"Ganda mo girl." bati ni Jane kay Kisses habang naglalakad sila papuntang canteen.
"Maganda talaga yan. Papakasalan pa yan ni Donny eh." sabay demo ni Devon na kunwari natatapakan ang buhok ni Kisses.
"Mga loka kayo eh. Ako na naman nakita nyo." sabay kuha ni Kisses ng pagkain na gusto nya.
"Miss, ako nauna." agaw ng lalaki sa chuckie ni Kisses.
"Eh di sa'yo na. Parang hindi lalaki." sabat ni Devon at matalim na tumingin sa lalaki.
"Thank you." sabay ngiti nito kay Kisses.
Naiwan namang nakatulala si Kisses. Paano ba naman ang gwapo ni kuya. Aaminin nya naattract sya kay Mr. Chuckie.
"Ang epal! Susumbong ko yun kay Donny eh." sabat ni Sophia habang nakain ng biscuits.
"Hayaan na natin. Ang dami pa namang chuckie oh." turo ni Kisses sa lalagyan kung saan madami pa chuckie.
"Ah basta! Hindi porke't gwapo akala mo kung sino na." naiinis na sabi ni Devon.
Bumalik na ang mga girls sa loob ng arena at nakita nila ang UP team na nagstretching na rin sa kanbilang ring.
"Ayun yung lalaki kanina diba?" turo ni Jane kay Ricci sa kabilang team.
"Kalaban pala nila Donny. Teka lang! Maisumbong nga ng makaganti man lang tayo." sabi naman ni Sophia.
"Ooyy! Baka personalin ng mga boys. Hayaan mo na lang. Chill ka lang." awat naman ni Kisses kay Sophia.
"Nakakainis eh! Sana matalo sila." sabi naman ni Jane na nakacross arms pa.
Mga ilang minuto lang ay nagsimula na ang championship game between UDM at UP.