Part 16

551 31 0
                                    

Dumating na ang one of the most awaited events sa school nila ang pagpapaauditions para maging members ng different organizations and clubs sa school at dito din makikita ang ibang hidden talents ng mga students ng Notre Dame University.

"Nasaan na naman si Donato?" tanong ni Elmo kay Kisses.

"Abay malay ko!"-deadmang sagot ni Kisses

"Diba ikaw ang gf? Bakit hindi mo alam? Mag-uumpisa na try-outs namin, wala pa sya."Jerome

"Ma at Pa. Malay ko at Pakialam ko. Pati hindi nya ako gf. Diba nga? Hindi nya ako gusto, ok?"-diin ni Kisses sa mga huling salita para hindi na sila tuksuhin. Naiilang na kasi sya kay Donny at nararamdaman nya na iba na rin kinikilos nito at natatakot sya.

"Hayaan na pala si Donny."-turo ni Kiko

"Mukhang nakapag-try out ka na bro ah?"-Jerome

"Anong try out? Kung alam mo lang hindi ako makalusot sa mga babae na humahabol sa akin para lang makapunta dito."-pagod na pagod na sabi ni Donny.

"Pawis na pawis ka. Wala ka bang panyo?"-Kisses

"Wala eh. Meron ka ba dyan?"-Donny

"Meron kaya lang nakakahiya ipahiram"-Kisses

"May sipon mo ba? Hahaha"-Donny

"Wala noh?"sabay abot ng panyo kay Donny.

"Punasan mo na rin kaya ako ng pawis." Donny winked at Kisses at nagsimula na syang magpunas ng pawis. Buti na lang at walang sipon ang dalaga ngayon.

Namula na naman si Kisses ng wala sa oras, kaya aliw na aliw sila kapag binibiro ito kung hindi tatahimik, mahihiya na lang bigla at mamumula na parang kamatis.

"Saan ka mag-try out?" Donny asked Kisses.

"Baka sa Artist Guild or sa Music na lang pero hindi pa rin ako sure."sagot naman nya.

"Sa cheerdance ka na lang kasi para kumpleto ang squad kapag may laro kami kayong girls magchecheer sa aming mga boys."-Jerome

"Bahala na." kibit balikat ni Kisses.

"Moe, diba mahilig ka sa Music? Samahan mo na lang kaya sya dun."bulong ni Donny kay Elmo.

"Bro, hayaan mo lang sya kung saan nya gusto. Support her and cheer for her, tingnan mo maiinlove pa yan sayo. Wag mong pigilan kung saan nya gusto maggrow. Hindi mo pa nga jowa yan ganyan ka na."-Elmo

Napaisip naman si Donny sa sinabi ni Elmo. May point naman talaga ito. Ayos lang naman kung iba hilig ni Kisses pero pano kung may mga games sila, makakanood ba si Kisses? May magchecheer ba for him? Ang gusto nya kasi kung hindi nya kasama si Kisses ay nababantayan nya pa rin ito sa mga ginagawa nito.

"Pano girls? Try out na kami. Sunod kayo after magparegister para may taga-cheer naman kami."-Kiko

"Kahit wag na si Donny. Dami nyan chix."-Jerome

"Anong madami? Stick to one toh"-Donny

"Ayyy oo nga pala pero torpe. Hahaha"-Jerome

Binatukan ni Elmo si Jerome dahil sa kadaldalan nito. Hindi pa kasi alam ni Kiko na may feelings ang binata sa pinsan nito. Hinahayaan nilang si Donny ang gumawa ng paraan para magsabi kay Kiko about sa feelings nito kay Kisses.

Naghiwalay naman ang mga girls para sa kanilang organization na sasalihan at nagready na rin for auditions.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon