Part 73

461 32 1
                                    

"Anong sinagot mo?"-Devon

"Hindi ako nakaimik best kasi after bumalik ni Janina bigla syang nagsalita ng ganun. So, temporary lang pala ako?" pinapahid ni Kisses ang hindi matapos tapos na pag-uunahan ng kanyang mga luha.

"Best, I think kailangan nyo mag-usap baka naman may reason. Hindi sa may kinakampihan ako. Sige sabihin na nating ayaw na nya dapat iaccept mo yun kasi in the first place pumayag ka sa sitwasyon na yan. Oo, mahirap pigilan na hindi mafall pero sana naisip mo yan dati pa bago ka pumasok sa ganyan."-Devon

"Alam ko may fault din naman ako. Anong gagawin ko best?"-Kisses

"Ikaw ba? Hanggang kailan mo balak magpanggap? Hanggang kailan mo pipigilan nararamdaman mo para sa kanya? Ready ka ba unrequited love kung sakali? Or ready ka bang mahalin ng isang Donato Antonio Laxa Pangilinan? Ayiieee" biro ni Devon sa kanya sabay kurot sa tagiliran.

"Nakakainis ka! Hahaha wag kang paasa. Marupok ako. Hahahaha joke!" natatawa na si Kisses.

"Ayan eh di mas maganda ka kapag nakangiti. Basta best, ano man decision mo, nandito lang ako. Pagpray natin na maenlighten si Donny tapos ipagpray kita na iwasan ang paggamit ng katol. Hahahaha joke! I love you best. Wag mo ng iyakan yun, kapag hindi mo na talaga kaya bumitaw ka na pero kung mahal mo na at may nakikita ka ding chance go mo na." nagyakap ang magbestfriend.

Naputol ang usapan ng dalawa ng biglang tumawag si Donny. Hindi pa nga pala nagtetext or tumatawag si Kisses kay Donny simula ng paggising nya dahil occupy sya ng kanyang iniisip.

"Sagutin mo na. Baka nag-aalala yan sa'yo."-Devon

Sinagot naman ni Kisses ang phone. Nag-apologize sya kay Donny na nawala sa isip nya tawagan ito at baka din kasi puyat ang binata. Wala namang nagawa si Donny dahil kahit magbiyahe sya hindi na sya aabot sa airport dahil ilang minuto na lang boarding na nila Kisses.

"Best, kapag masakit na pwde ng bumitaw ha? Ayoko kitang nakikitang nasasaktan. Una kong naging kaibigan si Donny pero kung papaasahin ka lang nya dahil sa mga kwento mo na walang assurance kung hanggang kailan ka magpapanggap at hindi masusuklian ang pagmamahal mo, mas mabuting itigil na lang. Baka kasi sa pagpapanggap mo hindi mo namamalayan na dumating na pala ang tunay na magmamahal sa'yo. I love you best. Ingat kayo nila Tita." nagbeso ang dalawa ng maghiwalay sila sa may entrance ng NAIA Terminal 2.

"Wag mo akong paiyakin. Madami ng tao oh? Baka kung anong isipin."-Kisses

"Mas ok nga eh kasi kunwari mag-iibang bansa ka. Magkapatid tayo tapos OFW ka."-Devon

"Oo nga." sabay silang nagtawanan at nagyakapan.

"Salamat best. Salamat talaga. I love you too. Swerte ni Kuya sa'yo. Naks! Ate Devon. Hahahaha"-Kisses

"Lumakad ka na at baka maiwan ka pa ng eroplano. Ingat kayo. Regards to tito and tita."-Devon

"Ingat ka din pauwi. Thank you. Merry Christmas ulit. I love you bestfriend." nagflying kiss pa si Kisses at lumakad na papasok ng airport.

Nakatulog si Kisses sa biyahe at hindi nya namalayan na nasa Masbate Airport na sila. She planned na hindi mag-cellphone the whole vacation nya dito at mukhang nakikiayon ang tadhana dahil pagcheck pa lang nya sa kanyang cp ay dead batt na ito. Sinilid nya agad ito sa kanyang bag at agad sumunod sa mga magulang.

---------------------------------------------------------------

"Yoy! Bakit mas lalo kang gumanda?" tanong ni Sue kababata ni Kisses na may pagkaboyish din dati pero ngayon ay nag-improved na.

"Hahahaha palabiro ka pa rin. Matagal mo lang kasi akong hindi nakita."-Kisses

"Iba kasi tubig sa QC. Hahahaha" biro ni Kiko kay Sue.

"Itong pinsan mo sasapakin ko na talaga ito. Hindi nasagot ng maayos."-Sue

"Tama na yan at tara na. Naiiwan na tayo nila Chester." sagot ni Kisses para matapos ang bangayan ng dalawa.

Pagkadating nila ay agad nag-aya ang mga kababata ni Kisses na magpunta sila sa may tabing-ilog para makapagligo. Kahit wala pa masyadong tulog ay sumama ang dalawa para marelax ang kanyang isip.

Habang naglalakad sila papunta sa ilog ay tumunog ang cp ni Kiko.

"Bro, kasama mo ba si Kisses? Tumawag kasi ako kay tita at sabi kakarating lang daw nila pero umalis daw kayo ni Kisses agad. Nasaan kayo ngayon?" sunod-sunod na tanong ni Donny.

"Chill bro, isa-isa lang ang tanong at mahina kalaban. Oo, kakarating lang nila at nag-aya mga kaibigan namin dito na maligo sa ilog. Baka naiwan ni Kisses ang cellphone nya. Alam mo naman yun hindi mahilig sa cp yun lalo na't kasama mga kababata namin dito."-Kiko

"Sinong kasama nyo? May mga lalaki ba? Anong suot nya? Baka malunod yan ha? Bantayan mong mabuti." parang tatay ma bilin ni Donny kay Kiko.

"Ewan ko sa'yo! Ok naman si Kisses. May mga lalaki kaming kasama at bro, malaki na gf mo, ok? Kung gusto nya mag-two piece walang problema doon kasi maganda naman katawan ng pinsan ko. Wag ka pati praning dyan ok?" naiinis na si Kiko kay Donny.

"Basta bantayan mo ha? Bakuran mo at tska pakisa-" hindi na natapos ni Donny ang sasabihin dahil nag-end button si Kiko.

"Ang kulit ng bf mo. Tawagan mo nga yun pagbalik natin sa bahay." sabi ni Kiko paglapit nya kay Kisses.

Nag-enjoy ang lahat sa paliligo sa ilog lalo na si Kisses na medyo gumaan ang nararamdaman. She decided to go with the flow hanggang kaya pa, hanggang hindi pa nabitaw si Donny sa kanya. Hintayin na lang nya ang kasunod na mangyayari dahil sa totoo lang kung bibigyan sya ng chance. She wanted to stay in Donny's life. Hindi na nya kaya na wala ang binata.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon