Part 68

424 23 1
                                    

"Hooyy! Pasali!" sabat nila Rj ng makitang nagkakatuwaan sa table nila Donny.

"Anong meron?" tanong ni Timo.

Agad bumulong ang mga girls sa mga boys. Naiiling na lang si Donny dahil panigurado hot seat sila ni Kisses. Ang worry nya ay baka hindi sanay si Kisses sa ganung mga bagay.

"Bro! Nga pala sino yung babae na kasama mo last time? Yung maigsi buhok?" tanong ni Timo kay Donny.

"Hoyyy! Baliw ka Timo. Kapag naniwala si Kisses ihahagis kita sa ilog."-Donny

"Oo nga bro, yung hinatid after the game?" sabat naman ni Rj

"Baliw kayo! Si Kisses kasama ko after the game. Kapag ako hiniwalayan nito. Makikita nyo." kunwari susuntukin ni Donny ang mga pinsan at agad namang nagtawanaan na umiilag ang mga ito sa suntok ni Donny.

Tahimik lang si Kisses at nakikitawa sa mga nangyayari. Nakakatuwa kasi yung feeling na marami kayong magkakamag-anak. Sa Masbate kasi madami din silang relatives kaya lang bukod tangi sa kanilang magpipinsan na sya lang ang solong anak dahil nga sensitive ang kanyang Mommy sa pagbubuntis at thankful sya na nabuo pa rin sya kahit nakailang miscarriage ito.

"Love, wag kang maniwala sa kanila. Ikaw lang talaga promise!" sabi agad ni Donny kay Kisses baka kasi maniwala ang dalaga sa mga pinagsasabi ng mga pinsan nito.

"Alam ko naman." sabay ngiti kay Donny ng ubod tamis.

"Booommm! Panis kayo. Hahahaha hindi pala natin masisira ang relasyon ng dalawang ito." biro ni Rj.

"Ooyy! Kung nalulungkot ka sa pagiging single. Wag mo kaming idamay." ganting biro ni Donny kay Rj.

Nagtawanan ang lahat. Wala naman kasing nagkakapikunan sa kanilang magpipinsan dahil intact ang relationship nilang lahat. Literal na through thick and thin dahil kapag may problema ang isa, nandyan ang lahat to the rescue.

"Okey ka lang ba Love? Gusto mo ulit kumain?" tanong ni Donny kay Kisses.

"Okey na ako Love. Mamaya na lang kapag nagutom na ulit ako." hinahaplos ni Kisses ang buhok ni Sola na ayaw humiwalay sa kanya.

"Sola, ako naman bubuhat sa'yo baka pagod na si Ate Kisses at hindi din sya makapag-enjoy." sabi ni Donny kay Solana.

"No Kuya. Gusto ko kay Ate Kisses lang." niyakap pa ni Sola ng mahigpit si Kisses.

"Ano bang meron kay ate Kisses at hindi ka mapahiwalay sa kanya?" tanong ni Donny habang hinahaplos ang buhok ng kapatid.

"Coz I love ate Kisses. She's sobrang mabait at very pretty. You know what Kuya? She looks like an Angel that's why I wanted to be like her when I grow up."-Sola

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Sola. Hindi nila maimagine na galing ito sa 8 year old na bata. Well, hindi naman sila nagtataka dahil matalino si Sola pero halos lahat sila ay sang-ayon sa sinabi nito. Kisses is like an angel at kahit first time pa lang nila nameet ay masasabi nila sobrang bait at very down to Earth kaya boto sila dito for Donny.

Dumating na si Benj kasama ang iba nilang mga pinsan. Kasama din nito ang pamangkin nila na si Leila. Leila is a 3-year old baby girl na sobrang kulit at bibo. Pagkita ni Sola kay Leila ay agad syang bumaba from Kisses at nagpaalam sandali dito na lalaruin nya si Leila.

Unti-unti nang dumarating ang mga relatives ni Donny. Yung iba nagkakasiyahan na. Kamustahan dito, tawanan doon at yung iba naman ay nag-eenjoy sa mga pagkaing nakahanda.

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang program. Pinangunahan ni Tito A ang dasal at since sila ang host para sa Christmas Party na ito ay need magsalita ang members ng family para sa buong family, wishes, games at performance.

Nakapagsalita na ang mag-asawa nila Tito A and Mommy M ganun din sina Ella, Hanna, Benj at Sola. Tanging si Donny na lang ang hinihintay sa ginawa nilang mini-stage.

"Good afternoon po, para sa mga newest member ng Barangay Pangilinan. Ako po si Donato Antonio Laxa Pangilinan, you can call me Dons or Donny or whatever you want. Second to the oldest po nila Mommy and Daddy. Madami pa pong food sa likod and hopefully everyone will enjoy the party." pababa na sana si Donny ng magsigawan ang mga pinsan nya.

"Ipakilala naman yung kasama."

"Oo nga naman."

"Newest member din ba ng family natin?"

Nagulat si Donny sa kanyang naririnig. Ayaw naman nya ipahiya ang kanyang mga relatives kaya bumalik sya sa stage.

"I'll ask her po muna baka po mahiya sya." nakatingin sya kay Kisses na parang humihingi ng permiso.

Agad namang nag-smile at nag-nod si Kisses. Kaya naman Donny stepped down at nagpunta sa pwesto ni Kisses. He escorted Kisses hanggang sa stage. He never leave Kisses.

"So, everyone! I'd like you to meet my girlfriend. We're both from the same school. Actually nagpunta na sya before dito nung last birthday ni Sola pero hindi pa kami noon." Donny explained to everyone.

"Pagsalitain mo naman." siga ni Rj.

Hiyang-hiya na si Kisses at namumula na. Agad namang hinawakan ni Donny ang kamay nito at pinisil. Nagsmile naman si Kisses at kinuha ang microphone kay Donny.

"Hello po, si Kisses Delavin po ako. Hindi ko po expected na magsasalita po ako dito. Hehehe anyway, thank you for the warm welcome po sa mga nakausap ko po kanina. And thank you for Donny for inviting me here." binaba ni Kisses ang mic at bumulong kay Donny na kinakabahan sya.

Tumayo naman ang isang Tito ni Donny at nagsalita.

"Donny, sya na ba ang ihaharap mo sa altar?"

Nagulat ang lahat sa tanong pero kinilog sila. Kapag ganitong family reunion sila kapag nagpakilala ka ng girlfriend or boyfriend ay sila na ang gusto mong makasama habang buhay kaya ang iba nilang pinsan ay hindi nagdadala ng mga kasintahan dahil sa hindi naman sila ready pero iniiwasan nila ang mga ganung tanong.

Kinuha ni Donny ang mic from Kisses at buong tapang sumagot ng "Yes Tito, I'll marry her soon."

Nagtilian, nagbulungan at nagsigawan ang mga nakarinig dahil sa lakas ng loob ni Donny ipahayag sa mga ito na balak nya pakasalan si Kisses. Si Kisses naman ay hindi makakibo at tahimik lang nakatingin kay Donny.

"Totoo ba lahat ng sinabi nya?" bulong nya sa isip.

Ikaw Pala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon