KEV'S POV.
SOBRANG sakit sakin na marinig ang mga salitang binitawan niya kanina.
Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Na huwag niyang gagawin ang sinabi niyang kakalimutan na niya ang nararamdaman niya para sakin. Alam kong napaka gago ko para hindi isipin ang nararamdaman niya.
Alam ko sa sarili kong unang kita ko palang sa kanya ay humanga na ako sa kagandahan niya at nag babaka'sakaling ganun rin kaganda ang kalooban niya.
Pero nagkamali ako.
Kung pano kaganda ang panlabas niya ay ganun naman kapangit ang kalooban niya.
Naiinis ako sa mga panlalait niya sa mga mahihirap na katulad ko. Sa mga kapwa ko mahirap. Gusto ko siyang pagsabihan. Pero wala ako sa posisyun na gawin iyun. Anu nga lang ba niya ako? Isang PA niya o sabihin na nating alila o utusan.
Sa ilang araw na parati ko siyang kasama. Puro gulo at pang aaway parati ang ginagawa niya at ako ang parating taga awat niya.
Alam kong kahit may lakas na ako ng loob na pagsabihan siya at itama ang mga mali niya. Hindi niya parin ako susundin. Amo ko siya eh. Kaya dapat ako ang sumusunod sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. At hindi ko rin siya maintindihan kung bakit napakahigpit niya sakin pagdating sa mga babaeng naka aligid sakin. Isa na doon si Daisy at Hannah.
Pilit kung tinatanung ang sarili ko kung bakit ko siya nagustuhan? At kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. Sabihin na nating mayaman siya, maganda. Pero ayaw na ayaw ko ang ugali niya. Iyan ang unang pinaka-aayawan ko sa babae.
Pero sa mga araw na lumilipas mas lalo lang lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya. Hanggang sa hindi ko na kaya pang pigilan ito.
Gusto kong pigilan. Kasi alam ko naman na hinding hindi kami pwede. Ika nga langit siya lupa lang ako. Lahat ng pamilya niya tutol samin.
Alam ko ring gagawin nila ang lahat para hindi mapunta si Kaitey sa lalaking hindi karapat dapat sa kanya at hindi niya ka level.
Pilit kung nilalayo ang sarili ko sa kanya at pilit na ibinabaon nalang sa limot ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero siya naman ang pagdikit niya sakin.Hanggang sa nalaman ko nalang na parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa. Na akala ko napaka impossibleng mangyari. Hindi ko alam kung paano at bakit niya ako nagustuhan.
Napakasaya ko.
Napakasaya ko na malaman na parehas ang aming nararamdaman sa isat isa.
Gusto ko siyang ipaglaban.
Pero hindi ako makasarili.
Alam kong sa oras na ipaglaban ko siya. Ay ganun rin ang pagkawala ng trabaho ko. At pagkawala ng aportunidad na makapagtapos ng pag aaral. Nang sa ganun ay maka alis na ako saking trabaho at matupad kona ang aking mga pangarap.
Sa mga panahong iyon ay baka kaya ko ng buhayin si Kaitey at ipaglaban.
Malakas na napabuntong hininga ako.
Napalingon ako sa babaeng nasa likuran ko at hindi manlang ako nagagawang hawakan sa likod.
Ako ang nagmamaneho ngayon ng motorbike niya at siya ang nasa likod.
"Where are we going?! Hindi naman 'to ang deriksyon papunta sa bahay!" Napangiti ako ng marinig ang matinis niyang boses at pinapalo-palo na ako sa likod.
"Kev! Ano ba?! I thought were going to go home na!?" Hindi ko nalang siya sinagut at itinutok lang ang tingin sa daan.
Ilang linggo rin akong nag tiis na makausap siya at makasama siya. Oo nga magkasama parin naman kami pero iyong turingan namin parang mga hangin lang.
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Teen FictionShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...