PICKY 49: Brown Envelope

107 2 0
                                    

KEV


      HALOS matunaw na ang brown na envelope na ibinigay sakin ni Mr. Min sa kakatitig ko doon. Kagabi ko pa ito nabasa pagkauwi ko mismo at hanggang ngayon ay nawiwindang parin ako at parang sasabog ang utak ko sa rami ng iniisip.

Napahilamus ako saking mukha at kinuha ang cellphone ko nung mag ring ito.

My Boss calling....

Biglang nawala ang lahat ng iniisip ko at natuon ang aking atensyon sa cellphone. Nakangiting sinagot ko ang tawag.

("Hi, are you busy?")

Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang matinis niyang boses.

"Hindi naman, kamusta naman ang baby ko?"
Narinig ko naman ang pagbungisngis niya sa kabilang linya. Tsk, ang kyut.

("I'm fine, nasa school pa ako. I'm on my way there. Wait, are you in your condo right now?)

Napatayo naman ako at biglang naaligaga.

"On the way kana ba? T-teka magkita nalang tayo sa labas, a-ano kasi makalat yung unit ko ngayon"

("It's okay, ayuko sa labas. I'm still wearing my uniform, and papasakay palang ako")

Napatampal naman ako saking noo. Habang mabilis na pinupulot ang mga kalat ko sa sahig. Oo nga naman kahit anong sabihin ko siya parin naman ang masusunod.

"Tsk, sige na nga"

("What? Ayaw mo bang pumunta ako diyan? You can just tell me now, habang on the way palang ako!") Inis na sabi niya.

"Hindi naman sa ganun, a-ano kasi makalat nga yung unit ko. Lilinisin ko muna"
Hindi naman ako nakarinig ng sagot sa kanya at bigla niya nalang pinatay ang tawag. Napasabunot naman ako saking buhok at nagtungo na sa kwarto para maligo. Hayst. Tigas talaga ng ulo.

Ilang minuto rin ako sa banyo bagu lumabas. Tinext ko narin kay Kaitey ang passcode nitong unit ko para hindi na siya maghintay sa labas habang naliligo pa ako. Pinulupot ko ang puting tuwalya sa bewang ko at lumabas ng banyo habang tinutuyo ang buhok gamit ang puting towel.

Napatigil ako ng makita si Kaitey na nakatayo habang kinakalikot ang cellphone ko. Napatingin rin siya sakin at nanlaki ang mata at mabilis na tumalikod.

"Uy galit ka ba?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Omg! Mag bihis ka muna!" Napakamot naman ako sa batok at mabilis na nagtungo sa kwarto para magbihis. Pagkalabas ko ay kinakalikot na ni Kaitey ang kusina. Mukhang may dala ata siyang pagkain. Lumapit naman ako sa kanya at yinakap siya galing sa likuran. Natigilan naman ito sa ginagawa pero hindi parin ako kinikibo. Dumidikit sa ilong ko ang mala 'strawberry niyang pabango na masarap sa ilong.

"Galit kaba sakin?" Tanong ko. Hindi niya naman ako kinibo at pinagpatuloy na ang pagsasalin sa dala niyang french fries sa malaking mangkok. Hinalikan ko siya sa pisngi at hinawi ang kulot niyang buhok.

"S-stop it, bitawin mo nga ako"
Tinanggal niya ang braso kong nakapulupot sa kanyang bewang at naglakad na papuntang sala habang dala-dala ang iba pang pagkain na binili niya. Napabuntong hininga naman ako at umupo sa tabi niya.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon