KAITEY
IT'S already been 5 months, since i left him. Day's passed just like a blur to me. Nagtuloy-tuloy lang ang boring kung araw at mas nag focus na ako sa studies ko. Muntik na nga akong mapagkamalang nerd dahil sa masyadong pagsubsob ko sa pag-aaral. Lumipat narin ng school si Hannah after what happened 5 months ago. Iyung pagbigay ko sa kanya ng black eye at ang pagpa-dugo ko ng kanyang ilong. She's in the States now, with her parents. At pinagpapasalamat ko yun dahil naging matiwasay na ang mga araw ko sa school.
"Sweetie! Baba kana rito. Your friends is here" Rinig kong sabi ni Mommy sa labas ng pinto ng aking kwarto. Napatigil naman ako sa pagnguya ng popcorn na kinakain at ipinause ang pinapanood na K-drama sa TV.
Sino naman kayang friends ang sinasabi ni Mommy? As far as I know wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Mabilis na akong naligo kahit tinatamad. It's Saturday, my lazy day. I just wear a pants and pink crop top at mabilisang inayos ang sarili bago bumaba.
Pagkababa ko ay narinig ko naman ang ingay na galing sa dining area na nagtatawanan. Mabilis na nagtungo naman ako doon at naabutan doon sina Suzy, Vivian at Steven. What the hell are they doing here? At bakit ni hindi manlang sila nagpasabi na pupunta sila dito?
"Hi Kait!" Kumaway sakin si Suzy habang nakangisi. Lumapit naman ako sa kanila at naupo sa tabi ni Suzy habang nasa harapan namin si Vivian at Steven at nasa right naman namin nakaupo si Mommy. Na kaagad nilagyan ng carbonara ang plate ko.
"What are you guys doing here?"
Nakakunot noong tanong ko."Bawal na bang pumunta dito sa bahay niyo? Hindi na ba kami welcome?!" Napairap naman ako kay Suzy. Natawa naman sila.
"I mean, you didn't tell me na pupunta pala kayo dito"
"We just want you to surprised"
Sabi ni Vivian habang pinapalibot sa kanyang tinidor ang pasta."Wow, grabe na surprised talaga ako"
Sarkastikong sabi ko habang nakangiwi."You've been so emo lately at halos talonin mo na ang mga nerd sa school, kaya we decided na mamasyal naman tayo ngayon"
Wika ni Suzy. Tumango-tango naman ang dalawang nasa harapan ko."That's good to hear, have some refreshment, sweetie" singit ni Mommy, habang nilalagyan ng cupcake ang aming mga plato.
"Naku Tita, i think tataba ako pag dito ako tumira sa inyo" natatawang sabi ni Suzy.
"As if naman na pwede kang tumira dito"
Sinimangutan niya naman ako."Ewan ko sayo Kait! You've been so KJ lately na ha. Nakakainis kana" biro ni Suzy. Umirap nalang ako at kumain nalang ng mapatingin ako kay Steven na tahimik kanina pa.
"Himala at may spare time ka ngayon Steven" Napatingin naman ito sakin at napahalakhak.
"Sinadya ko talagang mag day off ngayon, nang inaya ako kahapon ni Suz and Viv na dalawin ka ngayon" nakangising tumango-tango naman ako sa sinabi niya.
Steven is a busy business man right now. Nang ipagkatiwala na sa kanya ng kanyang Dad ang kompanya nila.Nagkaayus narin kami ni Steven nang magkaroon kami ng time na magkausap to clear things up. He decided to just let go his feelings for me. Kahit alam kong masakit iyon para sa parti niya. We've become good friends like the way we used to be before and I'm so happy na sa wakas ay naibalik na uli ang tandem naming apat. Me, Suzy, Vivian and him.

BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Novela JuvenilShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...