KAITEY
HALOS araw araw kaming nag di-date ni Kev. Since sa isang hospital lang naman kami nag tra-trabaho ay parati niya akong inihahatid pauwi pero bago kami makauwi ay namamasyal muna kami.
Yes, he already start working in our hospital gaya ng pakiusap ni Daddy sa kanya. Usap-usapan nga rin siya sa mga malalanding nurse at kulang nalang ay paulit-ulit ko na sabihin sa kanila na boyfriend ko at akin lang iyang doktor na parating pinagtsi-tsismisan nila. Sarap nila pagbuhol-buholin eh.
Abala ako sa pagrereseta sa isang pasyente ng maghagikhikan ang mga co-nurse ko saking tabi at nagtutulak-tulakan pa. Ibinigay kona ang papel na may reseta ng mga gamot sa isang pasyente bago ito nginitian.
"Pwede ko bang maisturbo ang na
pakagandang nurse na nasaking harapan ngayon?" Mabilis na napalingon ako saking likod at napangiti."Pwede naman pero mga ilang minuto lang dapat" nakangiting sabi ko. Kaya pala naghahagikhikan itong mga nurse dito. Inakbayan niya naman ako at ginaya papalabas ng emergency room.
"Hindi kapa nag la-lunch. May niluto ako para sayo" ngiting-ngiti na sabi niya na mas lalo lang nagpagwapo sa kanya. Dinala niya ako sa canteen dito sa loob ng hospital at nilagay sa ibabaw ng mesa ang lunchbox na hindi ko na pansin na kanina niya pa pala dala.
"You really cook this?" Sabay kuha ko ng spoon at fork then took a spoonful in my mouth.
"Yep, naging independent ako kaya natutunan ko nang magluto. Masarap ba?" Mabilis akong tumango at nilantakan pa ang beef steak na niluto niya. Sa isang buwan na pagsisimula ng trabaho niya dito ay parating kami na ang magkasama. I feel bad for Fiona dahil hindi na siya nakakasabay sakin tuwing lunch but she's kind to understand.
Lumipat siya ng upo saking tabi at iniharap ang mukha ko sa kanya. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng aking bibig. That sweet gestures of him always make my heart go crazy. Mabilis niya pang ninakawan ako ng halik sa labi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"No to PDA. Maraming nanunuod sa'tin"
"Wala silang pake" natampal ko naman siya sa braso. Ginagaya pa yung line ko eh. Humalakhak naman siya.
"Stop mimicking me"
"No, I don't" sabay pangalumbaba niya at nakangiting tumitig sakin. Nailapag ko naman ang kutsara't tinidor na hawak.
"Kev! I can't eat"
"Bakit ba? Hindi kona ba pwedeng titigan yung girlfriend ko?" Nakangising sabi niya.
"I can't eat properly kasi. Kumain kana ngalang diyan at mabi-busy kana naman mamaya"
"Feed me" sabay nguso niya. Napabuntong hininga naman ako. Sa huli ay nagsuboan nalang kami hanggang maubos na yung pagkain na nasa dalawang lunchbox. Marami pa ngang nanunudyo saming mga nurses at doctors na dumadaan sa tabi namin.
Hinatid niya pa ako sa emergency room kung saan ako ngayon nakaassign. Mukhang hindi siya busy ngayon. Parati kasi siyang hindi nababakante since sa operating room siya parating nakaassign.
"Hindi kita mahahatid mamaya, baby. I'm sorry" nawala naman ang ngiti saking mukha pero mabilis naman kaagad akong nakabawi.
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
TeenfikceShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...