KAITEY"Grandma, kailan pala ang alis mo?" mukhang nagulat naman si Grandma sa tanong ko. Nasa living room kami ngayon at nagmemeryinda.
"Bakit, apo? Gusto mo na bang paalisin agad si Grandma?" Natatawang tanong niya, agad naman akong umiling.
"No, Grandma it's not like that, para lang ako makapaghanda " palusot ko. Ang totoo niyan oo, gusto ko na talagang makaalis si Grandma, excited na kasi ako sa plano ko.
Do you know what's my plan? My plan is pahirapan ang Kev na iyon at kung gusto man sumali ng kaibigan niya then bahala siya...at kung bakit? Simple lang, dahil ayoko sa mga malalanding lalaking katulad niya. Oras ng trabaho nakikipaglandian. Yep, hindi lang unang beses pumunta iyong flirty frog na babaeng 'yon. Nakita ko siya kanina na nagbigay na naman ng pagkain sa lalaking 'yon. The heck! Malalandi talaga.
"Kaitey, nakikinig ka ba? Mukhang malalim ang iniisip mo?" nagulat naman ako ng magsalita si Grandma sa harap ko. I'm spacing out.
"Uhm y-yeah Grandma nakikinig ako, ano nga pala 'yon? hehe"
"I said bukas ng madaling araw ang alis ko papunta sa Maynila. 8 am kasi ang flight ko papunta sa Singapore kaya dapat maaga" wika niya. "Wag kang magalala, apo hindi naman mga pasaway ang mga trabahador dito at lahat sila'y mapagkakatiwalaan" dugtong pa niya. Tss, talaga lang, ha?
"Hmm yeah, I know that Grandma. Sige na Grandma I'm gonna go and rest. Ikaw rin magpahinga ka na" nakangiting saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
KEV
Nasa bahay na ako sa mga oras na 'to.
Time check, 8:00 pm."Kuya!" bati sa'kin ng nakasaklay na si Lolling, ang pangalawang kong kapatid.
"Lolling, gabi na nasa labas ka pa rin? Ikaw talaga paano kung may mangyaring masama sayo?" Pangangaral ko rito.
"Hay, ano ka ba kuya ang OA mo naman. Inutusan kasi ako ni Nanay na bumili ng bawang, wala kasi si Boy" sagot niya.
Nagumpisa na kaming maglakad habang inaalalayan ko siya. Kahit trese-anyos pa lang itong kapatid ko ay mature na kung mag-isip habang ang bunso naman naming si Boy na diyes anyos ay puro lang paglalaro ang inaatupag kaya maliliit ang mga grades sa paaralan, tsk.
"Saan na naman ba nagpunta si Boy? Gabi na ah?" Tanong ko kay Lolling ng nasa pinto na kami ng bahay.
"Nasa kaibigan daw niya at naglalaro na naman, uuwi na daw po 'yon maya-maya" sagot ni Lolling. tumango nalang ako at pumasok na sa bahay.
Nakita kong nagluluto si Nanay. Hindi kalakihan ang bahay namin, sakto lang para sa amin at tanging pawid lang ang bubong at wala rin kaming second floor, dalawa lang rin ang kwarto namin, bali sa iisang kwarto ay sa'kin habang iyong isa naman ay kila Nanay at sa mga kapatid ko.
Nagmano na muna ako kay Nanay at Itay. Si Itay naman ay nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.
"Tay, ba't ang aga niyo ata ngayon? Nauna pa kayo sa'kin?" tanong ko kay Itay at umupo sa tabi niya.
"Eh wala na naman daw mga gawain ngayon kaya maagang pinauwi kami ng Donya at bukas daw ay mag umaga tayo" Sagot ni Itay. Kumuha naman ako ng isang tinapay.
"Ah ganoon po ba, pero Itay totoo bang aalis ang Donya?" tanong ko. Iyon kasi ang sabi nila kanina at ang apo lang daw muna niya ang mamahala sa hacienda. Nagtataka naman ako, eh ka-edaran ko lang iyon, ah? Ano naman ang alam non? pero sabagay mayayaman sila baka tinuruan nayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/149882517-288-k97131.jpg)
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...