KEV'S POV
Lunchbreak na namin ngayun. Grabe ang laki ng paaralang 'to, parang parking lot palang ay yun na ang school namin dun sa Baryo Maaliwalas eh at halatang mga mayayaman lang ang mga estudyanteng nakakapag-aral dito. Masasabi ko talagang maswerte ako dahil makakapag-aral ako sa mamahaling paaralang ito.
Pumunta na kami sa napakalaking canteen nila. Na kung tawagin ay Cafeteria. Napapanganga nalang ako. Napakamoderno talaga ng desinyo ng paaralang ito.
"Hey close your mouth" bulong ni Kaitey. Naglalakad kami ngayon papasok para mag lunch at tinutungo namin ang nakareserve na seat daw ni Kaitey.
"This table is only for me, so it's special at walang pwedeng pumwesto dito kundi ako lang" sabi niya. Napakamot naman ako sa ulo. So san ako uupo dito? Wala naman kasi akong kakilala dito kahit isa manlang. Bukod sa kanya.
Nagsimula na akong maglakad para humanap ng mesang bakante. Nagkanda haba-haba na ang leeg ko. Nang kalabitin ako ni Kaitey.
"Where are you going?"
Tanong niya na salubong ang kilay. Bakit ganon? Kahit anong ekspresyon ang ipakita niya napakaganda parin niya?"Hahanap ng bakanteng mesa" wika ko.
Mas lalo namang bumusangot ang kanyang mukha."What? Do i say to you na humanap ka ng mesa?"
"Eh diba sabi mo yung mesang yun ay para sayo lang?" napasapo naman siya ng noo. Na parang sinasabi na ang tanga ko.
"Gosh....i mean tayu lang ang pwedeng umupo dun okay?" sabi niya at hinila na ako paupo doon.
Tinawag niya ang waiter na abala sa ibang estudyante.
"Po... ma'am?"
"We want this,this,this" tinuru-turo niya ang nasa menu na mga pagkain.
"Pero ma'am sila po yung unang tumawag sakin" angal ng waiter.
"I'm Kaitey Min, hindi mo ba ako kilala?
Do you want me to call my Daddy so he can fire you now?!" napalunok naman ang waiter sa sinabi ni Kaitey. Napailing nalang ako."Wag naman po ma'am. S-sorry po your order will there in a minute" nagpapanick na sagot ng waiter. Nakita ko naman sa gilid ng aking mata ang pagngisi ni Kaitey.
Napapadyak naman sa sahig ang nasa kabilang mesa sa inis. Sinamaan naman sila ng tingin ni Kaitey na mabilis na ikinayuko ng mga ito.
KAITEY'S POV
*KRIING!📱*
KINUHA ko ang phone ko sa bag ko at nakitang si Suzy pala ang tumatawag. Suzy is my best friend mula pa nung first year highschool ako ay naging magkaibigan na kami neto kahit siniraan ako ni Hannah sa kanya. Buti nalang hindi siya naniwala sa warfreak na Hannah na yun. She's really a good friend to me. Maarte rin ito at masunget kaya bagay na bagay kaming maging mag bestfriend eh.
("Hey kaitey where are you now?")
"I'm here sa cafeteria, Suz"
("Okay, I'll be there in a minute. I'm with Vivian so see yah!")
She ended the call. Si Vivian ay best friend ko rin mag kaibigan ang Mommy ko at Mama niya at business partner rin ni Daddy ang Papa niya kaya naging mag friend kami nito. first time na naging schoolmate ko siya ngayung school year kasi sa ibang school siya nag-aaral non.
"Sino yun?" parang nag-aalin langan pa na tanong ni Kev. Alam ko naman na kasama yun sa mga rules sa kanya ng parents ko na bantayan ako at kung sino ang mga kinakausap ko.
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Fiksi RemajaShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...