PICKY 36: E.K.

96 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV.

      NAKANGITING natulog si Kaitey at halos hindi pa siya makatulog dahil sa paulit ulit na nag fla-flashback sa kanyang utak ang nangyari kanina.

Pagkauwi nila ay as usual napakadilim na ng kanilang bahay. Anong oras narin kasi.
Nung akmang papasok na siya sa kanyang kwartu ng lingunin niya si Kev habang 'di maalis-alis sa kanyang mga labi ang ngiti.

"Goodnight"

"Goodnight Kaitey" Nakangiti rin na wika ni Kev. Mabilis nang isinara ni Kaitey ang kwarto niya at parang baliw na nag ta-talon sa kanyang kama. Sabay tili-tili pa. Mabuti nalang at sound proof and kanyang kwarto kaya walang makakarinig sa kanya sa labas.

Ayun na nga balik na tayo sa kasalukuyan.

Masayang nagdidilig si Kaitey sa mga rosas ng kanyang Mommy dito sa kanilang garden. Pati nga rin ang mga katulong ay nagtataka kasi for the first time ay nakita nilang nag didilig ang kanilang Senyorita.
Napatigil naman sa paglalakad si Daisy ng makita niya rin si Kaitey. May dala-dala siyang timba na naglalaman ng mga nilabhan niya.

Wala sa sariling napatingin naman sa kanya si Kaitey at nginitian siya nito kaya nanlaki ang mata niya at hindi niya alam kung anong gagawin. Kung ngingiti ba siya dito pabalik? O hahayaan nalang ito? Sa huli ay nginitian niya nalang ito pabalik habang nakahawak sa kanyang batok.

Naalala niya naman ang nangyari kagabi sa birthday niya. Kung saan hindi siya makapaniwala na pumunta doon si Kaitey. Kinabahan naman siya at baka magsumbong ito sa kanyang mga magulang sa pangbabastos ng kanyang mga kaibigan kay Kaitey at baka mawalan siya ng trabaho.

Dali daling lumapit naman si Daisy sa kanya habang nakayuko.

"S-senyorita ako na po ang humihingi ng tawad sa nangyari sayo kahapon. Sorry po talaga sa mga naging asal ng mga kaibigan ko. W-wag po kayong mag-alala kong gusto niyu po silang ipakulong ti-tistigo nalang po ako" sabi ni Daisy kahit labag sa kanyang loob.

"It's okay" Mabilis na napaayus naman siya ng tayu at nanlalaki ang mata na tumingin kay Kaitey.

"P-po? Hindi niyo nalang po sila ipakukulong? At hindi niyo rin po ako isusumbong kila Ma'am at Sir?" Parang nabubunutan ng tinik na sabi ni Daisy. Bigla namang napangisi si Kaitey sa sinabi nito.

"Of course not! Lahat ng 'yon may kapalit. Wala nang libre sa panahon ngayon Daisy"
Nakangising wika ni Kaitey. Naglaho naman ang pag-asa sa mukha ni Daisy.

"S-senyorita patawad po. Ayaw ko pa po talagang mawalan ng trabaho, nag mamakaawa po ako" halos lumuhod na sa kanyang harapan si Daisy sa pag-mamakaawa.

Itinigil na naman ni Kaitey ang kanyang pagdidilig at nakahalukipkip na tinaasan ng kilay si Daisy.

"I remembered last night, that you didn't even helped me. Instead nawala kanalang na parang bula" natatawang sabi niya.
Napayuko naman si Daisy.

"Patawad po talaga Senyorita. M-may inasikaso po kasi akong bisita ko at hindi ko rin po alam na binastus na po pala kayo ng mga kaibigan ko, nalaman ko nalang po sa huli" Napatawa naman ng mapakla si Kaitey sa sinabi nito.

"You must be kidding me! I saw with my own eyes how you smirked at me at parang nasisiyahan ka pa sa nangyayari. You're really a bitch. You know what? kung hindi lang talaga may kailangan ako sayo ay baka kanina ko pa 'to ipinaligung pandilig sayo"Kalmadong sabi ni Kaitey habang nanlilisik ang mga mata kay Daisy.

"A-ano pong kailangan niyo sakin? S-senyorita lahat po gagawin ko, wag niyo lang po ako isusumbong sa mga magulang niyo, ayaw ko pa pong mawalan ng trabaho" Maluha-luhang sabi ni Daisy.
Kaitey smirked again.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon